CHAPTER 14

1.7K 44 0
                                    


14th Chapter

 

Shaileen Erika


Napatayo ako sa kinauupuan ko nang makita kong magkasunod pumasok si Ella at si Finnley. Patakbo akong pumunta sa pwesto ni Myka at hinatak siya papunta sa kinaroroonan ni Ella which is sa may likod.


"Hi, Ella!" masigla kong bati sakanya. Tumingin siya sakin at nginitian niya lang ako ng tipid. Problema nito? Nag-away ba sila ni Finnley? Tumingin ako sa harap, tinignan ko si Finnley mukhang hindi naman sila nag-away kasi masayang masaya siya habang nakikipagkulitan kila Lee.


Oh my puto pie! Baka naman nagconfess si Ella tapos nireject siya ni Finnley?! Oh my gosh! That is so sad!


Niyakap ko si Ella. Mukhang nabigla siya kasi naging stiff yung katawan niya. Humiwalay ako at tumingin sakanya. Gulong-gulo siguro siya kung bakit ko siya niyakap.


"Ella, it's okay. Ganyan talaga, minsan yung gusto natin hindi tayo gusto, ganyan ang naramdaman ko nung nireject ako ni Vincent. Ayos lang yan, Ella. Makaka-move on ka rin."


"Ha? Anong sinasabi mo? Anong move on ka diyan?" nakakunot ang noo niyang tanong.


Tinignan ko si Myka, nagtataka lang din siyang nakatingin sakin. Teka...mali ba ko?


"Mali ako?"


Lalong kumunot ang noo ni Ella.


"Naka-shabu ka ba?" tanong niya.


Umiling ako. "Hindi 'no! Akala ko kasi nireject ka ni Finnley."


"WHAT?!"


Napatingin ang mga kaklase namin sa kinaroroonan namin. Di ko sila pinansin.


"Bakit ba kasi ganyan itsura mo? Aish! Kung ano-ano tuloy naiisip ko," bulong ko kay Ella.


Nginitian niya lang ako ng pang-asar. "Baliw. Wala lang 'to. May iniisip lang ako."


Tinapik ako sa balikat ni Myka. "May iniisip lang naman pala. Ang oa mo kasi, Shai. Hahaha!"


Eh, ano ba kasing iniisip ni Ella?


∞ © ∞ © ∞ © ∞ © ∞


Myka Kreschel


Iiling-iling lang ako habang pabalik ako sa pwesto ko. Baliw talaga si Shai. Inistorbo pa yung heart-to-heart talk namin ni Hans. Andun na siya sa pagsabi ng susuko na siya, eh. Bigla ba naman akong hinatak ni Shai. Tss. By the way, kakapasok lang niya akala ko talaga aabsent 'tong lalake na 'to eh.


"Bakit ka hinatak ni Shai?" bungad ni Hans sakin.


Her First and Last Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon