CHAPTER 2

3.7K 61 0
                                    

*Myka on the multimedia


2nd Chapter


Ashmiya Michaella


Our last class ended. Sumasakit ang ulo ko sa mga dapat gawin. Projects, assignments, reportings/presentations and that experiment we need to do. Ugh, mabuti na lang at by group 'yon. Nakakalungkot nga lang kasi nahiwalay ako kila Shai at Myka. Tapos may photoshoot pa ako mamaya.


I'm arranging my things when a book suddenly fell in my table. Kumunot bigla ang noo ko dahil dito. Who the hell did that? Ohh, I find the almighty Xyre Fuentes in front of my desk.


Kinuha ko ang librong nasa desk ko. I opened it and I see a letter saying, 'Ashmiya, here's the new book for this week. Hope that you will like it. Just bring it back after three days, okay? Ate Grace.'


Napangiti naman ako dahil doon. I quickly put it in my bag bago ko harapin ang bastos na lalakeng nagbagsak lang nito sa desk ko.


"Xyre Fuentes, what was that for? Hindi ka ba tinuruan sainyo nang paglalagay ng libro sa desk ng dahan-dahan?" he didn't answer me so I decided to continue, "bakit kailangan mong ibagsak na lang bigla yung book na 'yon? Bago lang kaya 'yon! Di ka marunong mag-ingat!"


"Tapos ka na?" bored niyang tanong at saka siya naghikab. Aba! Napaka-walang modo talaga nitong Xyre na 'to!


"No, I'm not! Hindi mo ba alam na ang libro ay dapat alagaan?"


He arched an eyebrow at me. Aba!


"I don't know. Saan mo naman nakuha 'yan?"


I smirked. "Kay Ma'am Rizal! Gosh, hindi ka ba nakikinig sakanya? Siguro, nagtetext ka everytime na magdidiscuss si Mam no? Susumbong kita!" and I make my eyes big and do the sign saying 'lagot ka!' in front of his face. Tinabig niya lang ang kamay ko kaya lalo akong nainis.


"Stop saying bullshits, Ella. It's not funny," seryoso niyang sabi.


I rolled my eyes at him. "Psh, bakit ba ang sungit mo palagi? Di ka lang pinapansin ni Ate Grace! Bleeh!"


Oh my god! Napatakip ako ng kanang kamay sa may bibig ko when I saw Xyre glared at me. I averted my gaze at him dahil mukha siyang kakain ng tao. Mabilis kong itinabi yung cellphone ko na nasa may lalagyan ng desk ko at mabilis na isinukbit ang bag para tumayo.


"Uy, nagbibiro lang ako, Xyre. Alis na ko ah," sabay lakad ko palayo sakanya. Oh god, hindi ko po yun sinasadya. Di ko po siya talaga balak inisin. Sorry po!


Pagkarating ko sa may pintuan ng classroom, kaagad akong huminga ng malalim at nagtatakbo palayo. Gusto ko pang mabuhay kaya kailangan kong makalayo doon! Parang kakainin na ko ni Xyre kanina sa mga tingin niya. Jusko po, di ko sadya sabihin 'yon!


"Ella!" Napatigil ako sa pagtakbo, bumalik ako sa may pinanggalingan ng boses. I saw Myka sitting in one of the bench malapit sa may fountain. Tumingin muna ako sa paligid, and when I saw none of Xyre's trace or shadow naglakad ako papunta kay Myka.


"Myka, bakit di ka pa umuuwi? Hinihintay mo si Hans?" She nodded at me. Tinap niya yung bakanteng pwesto sa tabi niya signalling me to sit there. Umupo naman ako, nahingal rin ako sa pagtakbo.


"You're waiting for him? E diba, hinihintay niya rin si Rachel?" Nakita kong nawala ang ngiti sa labi niya. Oh shit, ano bang nangyayari sakin? Bakit parang di ko pinag-iisipan ang mga sinasabi ko? Mga below the belt na ang mga lumalabas sa bibig ko. Stupid mouth!


Inumpisahan kong paluin ang bibig ko using my right palm. Dapat lang 'to sakanya. Kung anu-ano na ang lumalabas sakanya, nakakasakit na siya ng tao.


"Pfft..." papaluin ko na sana for the fifth time ang bibig ko when I heard a laugh. Si Myka pala 'yon, she's looking at me with a smile in her face. Mukhang naging clown na naman ako dahil napatawa ko siya. That's good, kasi alam kong di maganda yung nasabi ko kanina.


"I'm sorry, Myka," I held her hand.


"Sorry for what?" She asked while smiling.


Sasabihin ko ba? Ahm, sige na nga. "Sorry for what I said earlier. Hindi ko yun sinasadya."


"Haha, don't worry about that. Totoo naman," di ko mapigilang malungkot sa sagot niya. How can I not be sad when I saw her smile slowly disappearing?


"Myka..." hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya. "I'm sorry for hurting your feelings."


"Ella, ayos lang talaga. Gaya nga ng sabi ko, totoo naman 'yon. I'm waiting for Hans na hinihintay naman si Rachel. There is nothing wrong about that."


"There is," sagot ko bago ko bitawan ang kamay niya.


"Ella?"


Tumayo ako mula sa pagkakaupo. I stand in front of Myka. "Myka, there is wrong about that."


"Ella, I don't understand you."


I smiled at her, "Myka. This is too much. Hindi ka ba napapagod? You love Hans pero mahal naman niya si Rachel. You keep on helping him to court Rachel; you keep on being a bridge for the two of them even if you're hurting yourself. Myka, you're a smart girl, that's true. But this time, you're really like a fool."


I know, this is below the belt. I'm hurting Myka's feelings once again. Pero, gusto ko siyang matauhan. Ayokong nasasaktan ang bestfriend ko. She's a perfect girl to be loved; hindi siya dapat nagpapakatanga para sa isang lalake na may mahal na iba.


"Thanks for saying that I'm a fool, Ella. I acknowledge it, I know that I'm really such a fool for what I'm doing. Pero, ang sagot ko sa tanong mo kung napapagod na ba ko ay, nope, Ella. Hindi ako napapagod. I love Hans, I really do. That's why I'm doing all of this things to help him. I want him to be happy; I want him to be with the one he really loves. Kahit masaktan ako, ayos lang. Basta siya, maging masaya siya."


Tears can be seen in the side of Myka's eyes. But, she keep on smiling at me.


"You're really such a fool, Myka," I laughingly said before I hug her. "Ang tanga mo talaga, Myka. Ang tanga tanga mo. Too much love can kill you."


Niyakap niya rin ako pabalik. She's laughing but I know she's crying too. Myka is not the type of girl na aaminin kung nasasaktan na siya. Mas pipiliin niyang masaktan para sa taong mahal niya. Ang gago lang ni Hans dahil hindi niya napapansin 'yon. Someday, I will punch that guy's face para matauhan siya sa kahibangan niya.


"Don't worry, Ella. I will not let love do that. Hindi ko hahayaang mapatay ako ng sobrang pagmamahal. Ikaw rin ha, wag mong hahayaang patayin ka ng sobrang pagmamahal one day," she said when we broke the hug. Natawa na lang ako sa sinabi niya. I believe in her. Alam kong makakaya niya 'to. But, I'm not sure about myself kung kakayanin ko ba if that time happens.


"Myka, kung di mo na kaya, pwede ka nang sumuko, tandaan mo yun ha? Marami pa diyan ibang lalake," I teasingly said.


She smiled at me once again, "marami nga. Pero hindi sila si Hans."


I sighed. This bestfriend of mine is so stupid. So stupid, so so stupid. Pinitik ko siya sa may noo bago ko ulit siya yakapin.


"I'm always here for you, Myka. I love you, bessy."

Her First and Last Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon