CHAPTER 9

1.9K 49 0
                                    

9th Chapter

Ashmiya Michaella

One week matapos yung life and death situation na naranasan ko sa condo unit ni Finnley, todo iwas ang ginagawa ko para di ko siya makasama or makausap. Hindi rin ako makatulog nang maayos dahil kinakabahan ako para sa kaligtasan ni Kuya Vin, Shai at Myka. Ang sama ni Finnley. Ang sama-sama niya.

Tulad ngayon, papalapit siya sa pwesto ko. So, anong dapat gawin? Nilagay ko lahat sa bag ko yung gamit ko. Wala na kong pakialam kung maayos ba ang pagkakalagay o hindi. Ayoko siyang kausap. Kung pwede nga lang, ayaw ko siyang makita.

"Saan ka pupunta?" hinawakan niya yung left wrist ko kaya napatigil ako sa paglakad.

Tinignan ko siya. "Uuwi na ko."

"Ba't ka uuwi? May klase pa tayo."

"Anong pakialam mo?"

Hindi siya sumagot. Napairap na lang ako.

Ano ba kasing pakialam niya kung uuwi na ko?

"Masama pakiramdam ko," sinubukan kong alisin yung pagkakahawak niya sa kamay ko pero wa epek. "Can you let me go?"

Imbis na bitawan niya ko kinaladkad niya ko papunta sa harap. Anong trip nitong lalake na 'to? Napatingin tuloy yung mga kaklase namin sakanya.

"Finnley, may i-a-announce ka ba?" tanong ni Geoff.

"Meron," nakangiting sagot nitong lalake sa tabi ko.

Nagbulung-bulungan ang mga classmates ko. Napairap na lang ako, kung ako sakanila di ko na pagkaka-aksayahan ng oras ang sasabihin nitong lalake na 'to. Ang sama-sama ng ugali niya. Manyak na nga blackmailer pa! Dagdag mo pa na assassin siya! Mamamatay-tao!

Di ko maiwasang malungkot. Dahil sa kanya, nag-iba na ang tingin ko sa mga assassins. Ang mga assassins na matagal kong hinangaan.

"Let me guess, Finnley! Si Ella ba ang tinutukoy mo last time na soon-to-be girlfriend mo?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Pria. What the heck is she saying? ASA! Hindi ako 'yon! Hindi ako magiging girlfriend ng hinayupak na lalake na 'to! NEVER!

"Oo, siya nga."

"WHAT?!" Sigaw ko. Sakin napunta ang tingin ng lahat.

"Wag na nating itago sakanila, love." LOVE?!

Pilit kong inaalis ang kamay niya sa left wrist ko. Papatikimin ko lang ng isang suntok 'tong assumero na 'to!

"Ella, totoo ba? E di, ikaw yung nagbigay ng welcome kiss sakanya nung dumating siya dito? OMG! Hindi namin alam na aggressive ka pala!"

Pakiramdam ko uminit yung mukha ko dahil sa sinabi ni Lira. WTF?! Hindi ko yun sinasadya! Hindi ko yun gusto! Whaaaaaaaaaaaaaa! Kill me now!

"Pakshet ka, tigilan mo 'to. Wag mo silang paniwalain sa kasinungalingan mo," bulong ko pero sinigurado kong narinig niya. Pang-asar na ngiti lang ang isinagot niya sakin.

"Sira u-'' napatigil ako sa sasabihin ko. "S-SIR!"

Kanya-kanyang balik sa pwesto kaming magkakaklase. Phew, save by the bell-este save by our professor ang peg ko.

∞ © ∞ © ∞ © ∞ © ∞

Calyx Finnley

Hindi ako makapagfocus sa discussion ni Sir Rendes. Di ko makalimutan yung itsura ni Ashmiya kanina nung inannounce ko na siya yung babae na nag-welcome kiss sakin nung first day ko rito. Hahahaha, pakshet, napaka-epic! Parang papatayin na niya ko sa titig niya kanina, eh.

Her First and Last Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon