CHAPTER 64

1K 25 0
                                    

64TH CHAPTER


AUTHOR'S POV


Narinig ni Ashmiya yung sigaw ni Earl at mabilis siyang naghugas ng kamay at nagpunas, kasama niya si Calyx na pumunta sa may front door para tignan kung sino yung nagdoorbell.


"Andyan na pala kayo. Pasok," sambit ni Calyx nang makarating sila sa may pintuan.


"Hi, Paris, Daphne and Natasha!" nakangiting bati ni Ashmiya sa tatlong babae at sumunod ay tumingin siya sa lalakeng nasa likod ng mga ito. "Hi, Nathan! Kasama ka pala?"


"Actually, di siya dapat kasama but we need a driver to go here. Nasira yung car ni Paris kaya we have no choice but to call this jerk," si Natasha ang sumagot sabay turo ng daliri niya patalikod kung nasaan si Nathan. Napangiwi naman si Nathan at ang sama ng tingin sa dalaga.


"Ahaha, ganun ba? The more the merrier! Pasok!" nilakihan ni Ashmiya ang bukas ng pintuan habang si Earl naman ay nakatulala pa rin sa may isang gilid.


Napansin 'to ni Calyx at tinignan ang kaibigan. Pinagmasdan niya 'to at pagkatapos ay biglang hinampas ng mahina ang tiyan ni Earl. Napakurap naman dahil dito si Earl.


"Kingina, pre. Mukha kang adik kanina. Hahaha." Pang-aasar ni Calyx sa kaibigan.


"Nasaan na yung mga anghel?" palingon-lingon si Earl at lumabas pa ng bahay para hanapin 'to. Bumalik siya sa loob at hinawakan si Calyx sa magkabilang balikat. "May anghel ba talaga kanina?" parang nababaliw niyang tanong.


Napailing na lang si Calyx habang tumatawa.


"Gutom lang 'yan, pre. Tara na, kumain muna tayo." Sabay akbay ni Calyx kay Earl at hinila 'to papunta sa kung nasaan ang iba.


Nagprepare na sila ng dinner pagkadating na pagkadating ni Kuya Vin, may uwi 'tong mga wine at midnight snacks. Pagkatapos nilang kumain, pumwesto na sila sa may sahig para umpisahan ang 'spin the bottle.'


Napatingin ang lahat nang biglang tumayo si Kuya Vin.


"Di ka sasali, kuya?" tanong ni Ashmiya sa kuya niya.


"May aasikasuhin pa ko sa itaas. Kailangan matapos ko na para bukas. Sige, enjoy the rest of the night, guys."


Nagsitanguan lang silang lahat. Kinuha ni Earl ang bote at nilagay sa gitna. Isa-isa niyang tinignan ang mga kasama at ngumiti.


"O, mag-i-start na tayo ha? I'm sure naman na alam niyo kung paano 'to, diba?" sabi ni Earl. Tumingin siya kila Paris na ngayon niya lang nakita. "Uh, naggaganito ba kayo sa England?" tanong niya pa dito.


"Not all the time. All we do there is work, work, work. Nonstop working. Ghad." Si Natasha ang sumagot na parang sawang sawa na siya sa buhay niya sa England.


"Work work work... most of the time, you are in the bar. Who are you fooling?" bulong ni Nathan na busy sa pagpindot ng cellphone niya.

Her First and Last Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon