CHAPTER 27

1.2K 31 0
                                    

27th Chapter

 

Ashmiya Michaella

Pagkatapos nang pag-uusap namin ni Pier last time, di ko na siya kinausap pa. Pag lumalapit siya sakin, di ko siya pinapansin. Ayoko na rin kasing magalit sakin si Calyx. Nahirapan akong suyuin siya 'no.

Hindi nga namin pinag-uusapan yung tungkol sa sinabi sakin ni Pier eh. Nung minsan kasing inopen ko yun kay Calyx, bigla siyang nagalit. Ewan ko ba kung bakit. Nagsasabi kaya ng totoo si Pier? Magkapatid ba talaga sila?

Nung time na 'yon, di ko alam ang gagawin ko. Di niya ko pinapansin. Pag tinatawagan ko naman siya, nirereject niya yung tawag ko. Pero nagulat ako kasi nung isang gabi, pumunta siya sa bahay. Di nakatiis ang loko.

Sabi pa nga niya sakin...

"Hindi kita kayang tiisin, Ashmiya. Sa loob ng tatlong araw na hindi kita pinapansin, parang pinapatay ko na ang sarili ko kaya nandito ako,  I want us to be okay again. Sorry kung nagalit ako." Then he hugged me so tight to the point na nahihirapan akong huminga.

Pag naiiisip ko 'yon, di ko mapigilan na mapangiti. Ghad, swerte ko sakanya.

Papunta kami ngayon sa building ng Orion magazine. Pumayag si Calyx na maging part-time model na rin siya tulad ko. Pumayag siya para daw mas magkasama pa kami ng matagal. Ayaw niya daw kasing nahihiwalay ako sakanya. Kung pwede nga lang daw na dun na ko sa condo nila tumira, eh. Na hindi pwede. Hindi ko pa nasasabi kay Kuya Vin na si Calyx ang boyfriend ko. Basta alam niya lang na may boyfriend ako.

"Ashmiya, I have one proposal for Sir Rick."

Napatingin ako sakanya. "Ha? Ano 'yon?"

"Ikaw lang gusto kong maging kapartner sa mga shoot. No one else."

Di ko alam kung anong i-re-react ko sa sinabi niya. Shemay, kinikilig ako!

"Pero, hindi 'yon pwede. Hindi ka pwedeng maging choosy sa mga kapartner mo, Calyx. And, hindi laging ako ang kapartner mo."

"Ah, ganon? E di, tara. Dun na lang tayo sa condo namin. Binabawi ko na. Di na ko magmomodel," hinila niya ko pabalik sa dinaanan namin. Pumara siya ng taxi at sumakay kami doon. Hala, seryoso? Ayaw na niya?

"Uy, galit ka ba?" sabi ko sabay tusok sa mukha niya. Nakayakap kasi yung kaliwang braso niya sakin kaya nakasandal na ko sa katawan niya. "Lyx naman, eh."

Wala siyang balak na pansinin ako? E di, wag.

Inalis ko yung braso niya na nakayakap sakin at humarap ako sa left side ko. Lagi na lang ako ang nanunuyo. Bwisit.

Biglang nag-ring ang cellphone ko.

"Hello? O, Jack? Ah, kailan? Bukas? Sige, sige. No need. Papahatid na lang ako kay Manager Qyu sa venue."

Her First and Last Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon