CHAPTER 20

1.4K 37 0
                                    

CHAPTER 20

Ashmiya Michaella

One week na ang nakakalipas nang pumunta sa D.H.U si Pier Andrei Sinco. According to him, anak siya ng may-ari ng Sinco Group of Companies ang isa sa top 3 richest companies dito sa Pilipinas. And he knows Finnley. Alam rin niyang nililigawan ako nito.

And the good news is, sumuko na si Kevin sakin. My plan worked! Party party!! Naisip niya sigurong wala siyang laban kay Finnley, mabuti naman. Di na ko mahihirapang ireject siya palagi ang bigat kaya sa kalooban noon. Sana lang may makita na siyang babae na magmamahal rin sakanya. Ganyan talaga ang buhay, minsan yung taong mahal natin kahit anong gawin nating effort di natin makukuha—dahil kahit anong gawin hindi ka niya matututunang mahalin.

Kami ni Finnley, heto. Tuloy-tuloy pa rin ang panliligaw niya sakin. Hindi ako makatyempo para sabihin na huminto na siya dahil hindi ko naman siya sasagutin. Na ginamit ko lang siya para sumuko na si Kevin sa panliligaw sakin.

Finnley is such a perfect boyfriend material. Ewan ko ba, bakit ayoko siyang sagutin.

Nandito kami ngayon sa bench sa may soccer field, pinapanood naming magpractice for final rehearsal sila Myka at Shai. Ang gagaling ng dalawang best friend ko! Kung di lang ako pinagbawalan ni Kuya Vin sumali, sasali talaga ako, eh.

"Ashmiya, may tatanong ka sakin, diba?" napunta ang atensyon ko kay Finnley na nakahiga sa may hita ko.

"Ahh, oo."

Nilaro laro ko yung bangs niya na nakakadagdag ng pogi points kasi mas lalo siyang gumwapo dahil dito.

"May kilala ka bang Pier Andrei?"

Nakita kong hahawakan niya sana ang kamay ko na lumalaro sa bangs niya pero di niya tinuloy. I saw him rolled his eyes. Mukhang kilala nga niya. Nabadtrip siya nung narinig ang pangalan ni Pier, eh.

"Okay, wag mo nang sagutin," nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya para mang-asar. Ganito madalas ginagawa ko pag nababadtrip siya eh, ewan ko ba bakit kapag badtrip siya gumagawa ako ng mga bagay para lang mawala yung pagkabadtrip niya. Inaamin ko, sa bawat segundo, minuto, oras kaming magkasama—napapalapit na ko sakanya. Naeenjoy ko na rin siyang kasama. Siguro isa rin yon sa dahilan kung bakit hindi ko masabi sakanya na ginamit ko lang siya para mapalayo sakin si Kevin.

Nakipagtitigan lang ako, nakipagtitigan rin naman siya. Ang ganda talaga ng mata niya, ang haba ng eyelashes, parang katulad lang din nung akin. Bagay talaga kami.

Okay, anong sinasabi ko?

"Baka gusto mong ilayo ang mukha mo, Ashmiya? We can kiss if you want. Walang makakakita dahil nahaharangan ng buhok mo ang mukha nating dalawa," nakangisi niyang sabi.

Dali-dali ko naman nilayo ang mukha ko sa mukha niya.

Fudge! Di yun ang intention ko!

 

∞ © ∞ © ∞ © ∞ © ∞

 

Calyx Finnley

Naghiwalay kami ni Ashmiya kasi hinatak siya ni Shai at Myka sa kung saan. Di ko siya matext kasi naiwan ko yung cellphone ko sa condo. Pero, di ko maiwasang mabadtrip. Napaka-epal talaga nung lalake na 'yon.

"Finnley? Nakita mo si Ella?" tinignan ko nang masama si Kevin. Binalaan ko na 'tong lalake na 'to, ah. Di ba siya natakot sakin?

"Oy, pre. Wag mo kong tignan ng masama. Tanggap ko na...na hindi kami pwede ni Ella. May nagpapabigay lang sakanya nito."

Her First and Last Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon