CHAPTER 22

1.3K 38 1
                                    

22nd Chapter

Myka Kreschel

Pagkatapos sabihin samin ni Ella ang dapat naming gawin, naghiwalay na kami ng landas ni Shai. Ako papunta ako sa storage room para kunin yung pinapakuha niya sakin.

Nakasalubong ko ang bestfriend ko pero di niya ko pinansin. Sinundan ko na lang siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Sanay naman na kong minsan di ako pinapansin ni Hans eh. Bigla ko namang naalala yung sinabi ni Ella sakin sa chat kagabi, totoo kaya yun? Pero wala namang dahilan si Ella para magsinungaling, diba? Tanungin ko kaya si Hans?

Umiling-iling ako sabay tapik ng dalawang beses sa magkabilang pisngi ko.

Kailangan ko munang makuha yung pinapakuha sakin ni Ella. Tuturuan niya daw ako kung paano magbake ng masarap na cake kapag ginawa ko yung gusto niya. I need it dahil next week na ang birthday ni Hans. I want to give him a cake as a birthday gift.

"Myka, have you seen Ashmiya?" muntik na kong mapasigaw nang biglang sumulpot si Finnley sa gilid ko. Jusko, bakit ba sumusulpot na lang 'to bigla?

"Ahh, ehh, h-hindi eh. S-sige. Una na ko ha. Babye," sabay karipas ko ng lakad.

Phew! Muntik na ko don!

∞ © ∞ © ∞ © ∞ © ∞

Calyx Finnley

Anong nangyari dun kay Myka? Parang nakakita ng multo nung kinakausap ko siya. Ayaw tumingin sa mga mata ko tapos nauutal pa. Hindi kaya nagsisinungaling siya? Baka naman ayaw niya lang sabihin sakin kung nasaan si Ashmiya pero bakit?

"Finnley!"

Napalingon ako sa tumawag. Shet, si Dean Carpio.

"Ahh, good morning, Sir."

Nginitian niya ko sabay tapik sa balikat ko. "Good luck, iho. Pasensya ka na dahil wala na kong alam na pwedeng pumalit kay Jun. Kailangan nating manalo sa basketball game ngayong taon para satin mapunta ang premyo."

"Ahh, s-sige po, Sir. Susubukan ko pong gawin ang makakaya ko."

Nawala ang ngiti sa labi niya. "Hindi naman ba labag sa loob mo ang paglalaro mamaya?"

Umiling ako. "Hindi naman po, Sir. Gusto ko rin pong makatulong sa university na 'to."

"Naku, maraming salamat, Finnley! Kahit dati mong ka-team ang makakalaban mo, pumayag ka. Malaki ang tiwala ko sayo. Sa inyo ng D.H.U basketball team."

Pagkatapos nang ilang palitan ng salita, umalis na rin si Dean Carpio.

Sana lang ganahan ako maglaro mamaya. Wala pa naman si Ashmiya. Kaya lang naman ako pumayag kasi alam kong manonood siya at susuportahan niya ko pero sabi nga niya kanina hindi daw siya manonood. Nakakapagtaka lang, kasi sinabi niya rin na hindi daw ako pwedeng matalo. Weird...

Her First and Last Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon