Chapter 6

3.9K 66 5
                                        

Someone's Point of View

"Boss, pasensiya na. Hindi ko siya napigilan"

Humigpit ang pagkakahawak ko sa kubyertos at binalingin ko ito ng masamang tingin. Pabagsak kong ibinaba ang mga ito sa mesa at pinunasan ang labi ko.

"How come? Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo na gawin mo ang lahat para hindi niya makita si Zaera?! Paanong nakita niya parin ito?!"

"B-Boss, nagpunta siya sa hospital kung saan nandoon rin ang Señorita. Pinigilan ko siya pero nagawa niya paring makatakas sa 'kin"

"Idiot! Nakita ba niya ang mukha mo?!"

Hindi ko mapigilang mapatayo dahil sa sinabi nito. This stupid freak!

"H-Hindi po, Boss" Napatungo ito.

"Siguraduhin mo lang dahil kung hindi, ito ang tatama sa 'yo" Itinaas ko ang kamay ko kung saan ang baril.

Nakita ko ang pagguhit ng takot at pangamba sa mukha niya. Tama, matakot ka talaga. I can pull this trigger if he will disappoint me.

"O-Opo, Boss"

"Now, get out!"

Nagmadali itong umalis. Inilapag ko sa la mesa ang baril at napakuyom ang kamao ko dahil sa inis. Hindi pa dapat ito ang oras para makita niya ang babaeng iyon. Naibato ko ang baso ng wine dahil sa galit.

Ang isa ring iyon tatanga-tanga nagawa pang harangin ang lalaking 'yon. Siguraduhin niya lang na hindi siya nakilala dahil siguradong masisira lahat ng plano ko.

I'll probably slit his throat if he made a goddamn mistake.





Zerron's Point of View

I admit, I hurt her so much. Everything that I said that day was true. I really wanted to get the child and offer her money for an exchange and I realized that it was really a dumbest decision that I have. But that was the best option that I have in my mind to make things good. It's the best option to protect themㅡespecially my child.

Totoo rin na gusto kong mag-settle down noon kasama si Heiress dahil siya naman talaga ang una kong minahal. We've been together for almost six years bago kami nagkahiwalay at nakilala ko si Zaera.

Minahal ko rin naman si Zaera noon sa ilang taon naming pagsasama. Naging kami ni Zaera after Heiress broke up with me. And it was my mistake for entering into a relationship without being certain about my feelings. Sumakatuwid, panakip-butas lang ang ginawa ko sa kanya noon.

That is the first thing that I made. Ginawa kong panakip-butas si Zaera para maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko akalain na mabubuntis ko siya. At first, I thought I was just confused but I fell for her, kahit minsan naguguluhan pa rin ako.

Then, Heiress contacted me again and wanted to fix everything between us. I didn't cheat on Zaera. The day that Ephraim and I talked about Zaera and the baby, it was just part of my plan.

I hurt her in exchange of her freedom and safety.
May mabigat akong dahilan kung bakit ginusto kong gawin iyon kahit alam ko sa sarili ko na siguradong masasaktan ko siya ng sobra.

I wanted to protect my child with my own capabilities. When she overheard our conversation, I knew she's really hurt about it. Everything I said is true. I want my child to stay with me because I know I can protect him well, as for Zaera I want her to leave because staying with me will put her life in the line.

But to settle with Heiress? No. Hindi ko 'yon gagawin. Sinabi ko lang 'yon para layuan niya ako.

Hiding The Billionaire's Son Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon