Three days later.....
Zaera's Point of View
"Are you sure about this, Zaera? Aalis talaga kayo?" Ask Lovern while I was packing our clothes. Tumigil ako saglit bago ko siya tiningnan. Nakita ko na para itong maiiyak.
Napabuntong hininga naman ako.
Ilang araw ko rin itong pinag-isipan. Ayoko sanang umalis pero para sa kaligtasan namin at para rin sa kaligtasan nila ay gagawin ko 'to. Alam kong madadamay sila sa gulong ito kapag hindi ako umalis dito. Ayokong mapahamak sila dahil sa amin.
"I'm sorry, Love"
I diverted my gaze over her. I knew I already told her about my plan. I'll leave this place and go back to Spain. I also told Zerron about it last time, but I'm skeptical about my decision.
"I promise to Zian that we will stay at Zerron's place before his birthday, at ayokong sirain ang pangakong 'yon sa kaniya. You know that I will do everything just for my son kahit pa man hindi ko ito gusto"
I lied. Ginagawa ko 'to para sa kaligtasan nilang dalawa ni Hather at para sa kaligtasan ng anak ko. Mas okay na 'yon na wala silang alam.
Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya saka niyakap nalang ako. Niyakap ko rin siya pabalik. Napahiwalay naman kami ng marinig ko ang pagbukas ng pinto. Napatingin ako doon at nakita ko si Zian na may ngiti sa labi.
"Mama, Daddy is here na po" Excited niyang sabi.
Alam kong hindi na ito makapaghintay. Tumango ako sa kaniya saka ko tinuloy ang pag-aayos ng mga gamit namin sa maleta.
Napatingin ako kay Lovern.
"Saan pala si Hather?" Tanong ko sa kaniya at nakita ko ang lungkot sa mga mata nito. I heave a deep sigh.
Kahapon nang mag-usap kaming tatlo ay against talaga siya sa pasya kong ito. Simula rin kahapon ay hindi na niya ako kinakausap hanggang kanina. Nakaramdam ako ng kalungkutan. Tinapik naman ni Lovern ang balikat ko.
"Alam kong hindi ka rin matitiis ni Kuya, Zae. Hindi iyon papayag na basta ka nalang aalis na hindi ka niya makakausap. Alam mo namang may gusto 'yon sa---"
"Love" I warned her.
Ayoko ng marinig pa iyon mas nasasaktan ako para kay Hather.
I've experienced it too before.
Napayuko nalang ako. All this time, Hather is always there for me. Walang araw na hindi niya ipinaparamdam sa akin na mahalaga ako sa kaniya, na mahal niya ako pero......
Wala akong magagawa dahil hindi ko 'yon masuklian.
"Love, alam kong hindi ito ang unang beses na humingi ako ng tawad. Sorry for not loving your brother. Sorry kung nasasaktan ko siya"
Ngumiti naman siya at tinapik ang balikat ko.
"Ano ka ba, ayos lang. Naiintindihan ko naman. Hindi pinipilit ang puso kung sino ang mamahalin mo" Nakangiti niyang sabi saka natawa pa kalaunan.
"Sige na, naghihintay na si Zian oh. Excited masyado" Saad nito ulit.
Tumango na lang ako at tipid na ngumiti. Kinuha ko ang isang maleta at kinuha naman ni Lovern ang maleta ni Zian. Naunang lumabas si Lovern kasama si Zian. Tumigil ako saglit sa labas ng pinto at saglit na tumingin sa kuwarto. I'll miss this place.
Isinara ko na ang pinto at sumunod sa kanila pababa. Hinanap ng mga mata ko si Hather pero wala talaga akong makita ni anino manlang niya. Tumingin nalang ako sa dinadaanan ko saka na ako lumabas ng bahay.
BINABASA MO ANG
Hiding The Billionaire's Son
RandomZaera Everest Valgomera once believed she had a happy life with her partner, unaware that she was the only one who felt that way. Unbeknownst to her, the man she loved had ulterior motives. He had other plans, intending to take her child after birth...
