Chapter 37

1.8K 40 1
                                        

Zaera's Point of View

I can still feel the tension inside my body. My heart isn't fine, I think I have palpitations. I tried my best to smile at them genuinely. I crunch the hem of my clothes to calm myself.

Inaliw ko nalang ang sarili ko sa kasiyahan ni Zian. Naalala ko pa nong three years old siya at tinanong ko siya kung ano ang wish niya, he only said Daddy. Sa ngayon, natupad na ang hiling niya. I'm sure he's really happy right now, I can feel it.

Nawala na rin sa isipan ko ang mga bagay-bagay na bumabagabag sa akin dahil sa pagkaaliw ko sa mga batang sumasali sa mga palaro. Mas naaliw pa nga ako dahil pati ang ibang kaibigan ni Zerron nakisali sa pag-aabang upang makipulot sa mga candies na laman ng palayok na nababasag.

Parang ngayon lang nakapag-children party. Si Fuego pa nakipagpatalo sa isang matabang bata dahil sa marshmallow. Sira talaga eh. Akala ko totohanan na, 'yon pala pinagtitripan lang ang bata.

Napuno rin ng mga regalo ang isang mesa galing sa pamilya ni Zerron, sa kaibigan ni Zerron at galing kina Mama at Papa. Habang nagkakatuwaan sila ay naibaling ko ang aking atensiyon kay Mama at Papa. Sinalubong nila ako ng mahigpit na yakap.

"Zae, anak! Na-miss ka namin" Wika ni Mama matapos ang yakapan namin.

"I miss you too po" Nakangiting sabi ko. Bumaling ako kay Papa na pansin kong hindi sa akin ang atensiyon, sinundan ko ito ng tingin at nakita kong na kay Zerron nakatuon ang paningin nito.

Kaagad ko siyang nilapitan at hinawakan sa braso. "Papa, hindi niyo po ba ako na-miss? Ayaw niyo manlang akong kamustahin?"

May kaunting tampo parin kasi sa akin 'to hanggang ngayon dahil sa pagtira ko sa bahay ni Zerron. Sana nga lang ay hindi sila mag-away ngayon dito.

Tumingin ito sa akin at ginulo ang buhok ko.

"Syempre nangulila rin ako sa 'yo, anak. Ang tagal na hindi tayo nagkikita. Palibhasa'y pinili mo paring sumama sa lalaking 'yan" Waring nagtatampo nitong turan. Niyakap ko naman ang braso niya.

"Bilang isang ina po, iniisip ko lang po ang ikakasaya ng anak ko kaya sana maintindihan niyo po ako, Papa"

Mabigat itong napabuntong hininga. "Ano pa nga ba ang magagawa ko? Kayo na ba ulit ni Zeron?"

Kung umiinom lang ako ng tubig ay malamang nabulunan na ako.

"Papa naman, hindi po" Tanggi ko.

"Talaga, hindi?  Pero hawak-hawak ang kamay mo kanina?"

"Talaga ba anak?" Pagsali rin ni Mama.

Napalunok ako.

"Wala lang po 'yon, inalalayan niya lang po ako dahil muntik na akong matapilok kanina" I reason out kahit hindi naman talaga iyon ang dahilan. Ayoko ng magsabi pa dahil hindi ko rin alam kung bakit niya hinawakan ang kamay ko.

"Iyon naman pala, mahal. Inalalayan lang naman pala ang anak natin. Ikaw talaga" Saad naman ni Mama.

Sumimangot lang si Papa saka pinatunog ang daliri niya sa kamay. "Kahit ano pang sabihin niyo at pagtatanggol sa kaniya, hindi talaga matatapos ang araw na ito na hindi makakatikim sa akin ang batang iyon" Pinakita pa nito ang kaniyang kamao na ikinangiwi ko.

Naramdaman ko naman ang paghawak ni Mama sa braso ko kaya napating,in ako sa kaniya.

"Valentine, huminahon ka nga. Kaarawan ito ng apo natin saka isa pa nandito ang pamilya ni Zerron, maghunos dili ka" Pagpapaalala sa kaniya ni Mama na mabilis ko namang sinang-ayunan.

Hiding The Billionaire's Son Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon