Chapter 31

1.8K 37 0
                                        

Zaera's Point of View

Nahimigan ko ang tunog ng sasakyan kaya tumigil ako sa paglalakad pati na rin si Zian.

"Zaera!"

Nakita ko si Ephraim na lulan ng sasakyan ni Zerron. Huminto ako. Tumigil ito mismo sa tabi namin ni Zian.

"Sumakay na kayo. Ihahatid ko kayo sa ospital"

Kumunot ang aking noo at hinanap si Zerron kung ito ba ay kasama niya pero wala. Hindi siya kasama. Nakakapagtaka naman eh may trabaho 'yon. Anong gagamitin niyang sasakyan?

"Hindi na. Mag-aabang nalang kami ng masasakyan may dadaan naman siguro dito maya-maya"

Ang totoo niyan hindi ko talaga alam kung may dadaan ba talagang sasakyan dito. Nagbabaka-sakali lang naman ako.

"Kahit maghintay ka dito hanggang magdamag wala kang masasakyan. Ihahatid ko na kayo"

Dahil mukha ngang wala talaga kaming masakyan ay sumakay nalang kami sa sasakyan. Habang nasa biyahe kami ay napansin ko na panay ang tingin niya sa kaniyang cellphone.

"May problema ba?"

Kaagad niyang itinago ang kaniyang cellphone at umiling. Tipid itong ngumiti. Hindi na ako nagtanong pa. Naging tahimik ulit ang biyahe namin. Nasa daan lang naman ang paningin ko.

"Zae, hanggang ngayon ba galit ka pa rin kay Zerron?"

Hindi ko inasahan na itatanong niya iyon sa akin ngayon. Galit pa ba ako kay Zerron hanggang ngayon? Tumango naman ako.

"Hindi mo parin talaga siya napapatawad?"

Umiling ako bilang sagot. Bumuntomghininga naman siha.

Tumahimik ulit kaming dalawa. Napatingin ako sa labas ng binatana.

"Siya nga pala, bakit nga pala kayo magkasama ni Zerron kanina?"

Saglit niya akong tiningnan bago ibalik ang tingin sa daan. Nakita ko naman na kumunot ang kaniyang noo.

"Ah...ano kasi" Napansin ko na medyo nag-aalalangan ito sa sasabihin niya. "Alam kong alam mo na ang tungkol sa trabaho ni Zerron kaya't hindi na ako magsisinungaling sa 'yo. Nagkita-kita kami sa headquarters kagabi. Hindi na siya nakauwi kaagad dahil natagalan kami kaya't doon na siya nagpalipas ng gabi"

"Kayo ang magkasama kagabi?" Gulat kong tanong sa kaniya. Mas lalong kumunot ang kaniyang noo.

"Bakit? Akala ko ba nagpaalam sa 'yo si Zerron kagabi?"

Kaagad akong umiwas ng tingin. "Akala ko kasi......nevermind" Iwas-tinging saad ko.

Nakaramdam ako ng guilt. Akala ko magkasama sila ni Heiress. Akala ko nagsisinungaling lang siya na makikipagkita siya sa mga kaibigan niya.

"Zaera, I know you're still doubting Zerron's gestures but believe me he's doing his best to protect you both.  Sana makita mo iyon. Mahal niya kayong dalawa ni Zian kaya't ginagawa niya ang lahat upang protektahan niya kayo, even saving your friend---sh*t!"

"Ano 'yon, Ephraim? Saving my friend?"

Naging balisa ito. He laugh but it was a fake one. "You heard it wrong, Zae. Huwag mo ng pansinin ang sinabi ko"

"Ephraim, malinaw ang pagkakasabi mo.  Anong sinasabi mong 'saving my friend'? Are you hiding something?"

Hindi ko alam pero may hindi talaga siya sinasabi sa akin. My curiosity is urging me to ask more. I need to dig more deeply for an answer.

Hiding The Billionaire's Son Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon