[Now playing: Thousand Years by: BROOKLYN DUO Cello and Piano version]
Zaera's Point of View
Weird man dahil dapat ako ang naglalakad palapit sa kaniya pero ito siya ngayon, siya ang naglalakad palapit sa 'kin para samahan ako dito na nakatayo sa harap ng altar. Habang namamayani sa buong paligid ang tunog ng musika ay mas malakas pa rin ang tunog ng tibok ng puso ko.
Ang mga luhang tumigil ay muling pumatak at tila sumasabay sa saliw ng musika. Unti-unting bumabalik ang nakaraan namin kung saan una kaming nagkakilala hanggang sa nagkahiwalay.
Tila bumagal ang buong paligid habang nakatitig ako sa kaniya. Mabilis ang mga hakbang niya pero bumabagal siya sa paningin ko.
As the music goes by everything that I'd experienced before, every difficulties that we face together, came back to my memories
Mga sagutan namin, labasan ng sama ng loob at lahat ng mga sikretong nabunyag, lahat 'yon bumabalik. Hanggang sa nagkita ulit at nagkapatawaran.
Sa kabila ng lahat ng nangyari sa amin noon, sa lahat ng sakit na dinulot niya sa puso ko siya rin pala ang papawi at magbabalik ulit ng nawalang saya sa buhay ko.
Ganito talaga siguro kapag kinakasal ka, lahat ng nakaraan ay bumabalik. Hindi na mapatid 'tong luha ko. Masyado lang ba akong emotional dahil sa pagbubuntis o dahil sa kasal namin?
"God. why do I have to deal with those carzy people?" Wika ni Zerron sa di-kalayuan sa akin kaya natawa ako habang lumuluha. "Mamaya kayo sa 'kin" He said and pointed towards his friends who's standing at the row for groomsmen.
Fuego, Midnight, Doom and Damian are his groomsmen while my bridesmaids are Eastrella, Vigénere, Rozette and Hillaryㅡmy cousin.
"Si Hather may kasalanan no'n, Bossing" Fuego answered.
Natawa naman 'yung mga bisita. Napansin ko pang namumula ang pisngi ni Zerron. Waah. Ang cute. Napangiti ako saka pinunasan ang mata ko ng tissue na inabot sa akin ni Lovern.
"Okay lang 'yan, Bossing para bago naman" Saad naman ni Midnight. "Nakakasawa na rin kasi manood ng ikinakasal na laging lalaki ang naghihintay sa bride"
Napasimangot si Zerron saka mas binilisan ang paglalakad para makarating sa akin. Napabuntong hininga ako. I can't wait to hold his hand. Kahit lagi kaming nag-uusap through vc ay iba pa rin kapag nakikita ko siya sa personal.
Sa nagdaang mga kabanata ng buhay ko, marami akong naging karanasa. Mga karanasan na humubog sa akin; sa pagkatao ko, sarili ko at sa buhay ko. Mga karanasan na nagbigay aral sa akin. Mga masasakit, malulungkot at nakakatakot na pangyayari, pero sa kabila ng lahat ay marami pa rin akong natutunan.
Natutunan kong hindi masamang magpatawad sa kabila ng lahat ng mga kasalanang ginawa ng isang tao, natuto akong magbigay ng ikalawang pagkakataon sa isang taong sinaktan ako, natuto akong harapin ang takot ko, natuto akong mahalin muli ang taong siyang dahilan ng pagkabigo ko at natuto akong mag-desisyon ng tama hindi lang para sa sarili ko kung hindi para sa anak ko at para sa mga taong nakapaligid sa akin.
Hinayaan ko lang ang mga luha ko na pumatak habang nakangiting nakatitig sa kaniya na nasa akin rin naka-focus ang paningin. Hindi man naging perpekto ang kuwento ng buhay namin pero ito ang dahilan kung bakit mas naging matatag ang pagsasama namin at kung bakit mas naging matibay ang pagmamahalan naming dalawa.
Nang tuluyan siyang makalapit sa kinaroroonan ko ay iniabot niya sa akin ang bugkos ng mga bulaklak na kulay puti at may halong ginto. May white saka black feathers rin ito at beads.
BINABASA MO ANG
Hiding The Billionaire's Son
RandomZaera Everest Valgomera once believed she had a happy life with her partner, unaware that she was the only one who felt that way. Unbeknownst to her, the man she loved had ulterior motives. He had other plans, intending to take her child after birth...
