Third Person's Point of View
Napabuntong hininga si Zerron habang palabas ng bahay. Hindi parin nito maintindihan kung bakit ganun ang naging pag-uusap nila ni Zaera. He's just offering her a coffee. Nagpaalam lang naman ito sa magandang paraan para kitain ang mga kaibigan niya at hindi si Heiress.
They argued over pointless things.
Isinuot nito ang kaniyang helmet saka inilabas ang kaniyang cellphone. He check all the CCTV footage that is connected to his phone. In-activate na rin nito ang isang emergency signal para kung sakaling may hindi mangyaring maganda ay malalaman niya kaagad at maililigtas ang kaniyang mag-ina.
Nang maisaayos ang lahat ay kaagad na siyang sumakay sa kaniyang Ducati Superleggera V4. Inilagay na rin nito ang kaniyang earpods sa kaliwang tenga at kaagad na siyang nagmaneho paalis.
Sa isang dako naman ay makikita si Zaera na nakatayo at nakasandal sa railings ng veranda habang nakatanaw kay Zerron na paalis. Sinundan nito ng tingin ang sinasakyan hanggang sa mawala ito sa kaniyang paningin.
Tumingala ito sa kalangitan at napabuntong hininga. Ewan, pero binabagabag siya ng kaniyang isipan. Napahawak siya sa kaniyang dibdib. Hindi nito alam pero nakaramdam siya ng kaba. Kaba na hindi niya matukoy kung para saan. Ipiniling nito ang kaniyang ulo saka lumapit sa kaniyang laptop at kinuha ito.
"Matutulog nalang siguro ako" Bulong nito sa sarili. Papaalis na siya ng mahagip nito ng mata ang kape na binigay ni Zerron. Hinawakan niya ang mug at napansin na hindi na ito ganun kainit. Lumalamig na ito.
Kinuha niya ito at tinikman. Humagod sa lalamunan nito ang maligamgam na kape. Hindi ganun kapait at hindi ganun ka-creamy at hindi rin ganun katamis. Tamang-tama lang sa lasa na gusto niya. Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi. Sa totoo lang nakuha ni Zerron ang panlasa niya.
Binitbit niya ito papasok ng kuwarto at isinara ang sliding door. Ipinatong niya ang laptop sa study table.
"Let's sleep na po, Mama" Nakangiting sabi ni Zian sa kaniya na nakaupo sa kama at humihikab pa.
"Wait lang, nak" Saad nito at ginulo ang buhok ng anak saka tumayo upang tumungo sa kusina bitbit ang mug ng kape.
When she reach the kitchen sink she stared at the coffee. She was about to pour the content at the sink when she come to an abrupt stop. Napatitig siya sa kape. Sumandal siya sa sink.
"Sayang naman kung itatapon ko" Sabi nito sa kaniyang sarili bago ubusin ang kape. Pagkatapos nito ay hinugasan niya ang baso saka siya nagmumog at uminom ng tubig. "Sana lang ay makatulog ako nito" Dagdag niya bago balikan si Zian na hinihintay siya.
____________
Samantala sa isang silid naman kung saan mayroong mahabang table at mga upuan ay makikita ang pitong tao na nag-uusap. Ang set-up ng silid ay tila isang conference room pero iba ang nakalatag sa mahabang mesa. Imbis na mga laptops at documents, ito ay mga baril, explosive devices, rifles, knives, shurikens, crossbows at marami pang iba.
"Doom, anong oras na? Parating na ba si Bossing?"
"Oo, sinabi na ni Ephraim kanina ang lokasiyon at oras siguradong parating na 'yon"
"Huwag ka kasing mainip Midnight. Alam mo namang kasama niya sina Zaera at Zian diba?" Saad naman ni Damian. Nanahimik nalang si Midnight habang inaayos ang gloves niya.
"Anong sabi ng mga tauhan natin, Doom? Naayos na ba nilang lahat?" Tanong naman ni Ephraim.
"Nandun na sila kanina pa. Na-set-up na rin nila ang mga kailangan"
BINABASA MO ANG
Hiding The Billionaire's Son
RandomZaera Everest Valgomera once believed she had a happy life with her partner, unaware that she was the only one who felt that way. Unbeknownst to her, the man she loved had ulterior motives. He had other plans, intending to take her child after birth...
