Chapter 36

1.7K 33 1
                                        

Zaera's Point of View

"Eww! Kadiri! Bakit may gano'n?! Hindi 'yon kasama sa usapan!" Eksahederang wika ni Rozette at pinunasan pa ang bibig gamit ang kaniyang kamay. Natawa naman sina Midnight, Fuego, Ephraim saka Doom.

"Maka-kadiri naman 'to! May script ba? Sorry naman, nadala lang eh"

"Nadala?! Gosh! May bata oh!" Rozette pointed at Zian who's looking at them innocently. Nanlaki naman ang mga mata ko at mabilis na tumayo saka binuhat si Zian at lumayo sa kanila.

Shit. I forgot about Zian. Kaagad naman itong kinuha ni Zerron sa akin at pinatabi sa kaniya sa kama. I scratch the back of my head.

"So, kapag wala dito si Zian. Ayos lang na halikan kita?" Banat naman ni Damian kay Rozette habang itinataas-baba ang kaniyang kilay.

"Yon oh! Nays wan, pre!" Kantiyaw ng mga kaibigan nito.

"Ligawan stage na ba?" Pang-aasar ni Midnight sa mga ito.

Pulang-pula naman ang mukha ni Rozette. Hindi ko alam kung sa inis, sa galit, sa hiya o sa kilig. Sinamaan nito ng tingin si Damian.

"Huwag ka ng umasa! Pasalamat ka may bata dito kundi na sampulan na kita! Bwisit ka!" Padabog naman na kinuha ni Rozette ang bag niya at walang pasabing lumabas ng kuwarto. Nagkatinginan naman ang lima.

"Hala! Gago! Nagalit yata" Sabi ni Midnight.

"Mga gago kasi kayo, ba't niyo inasar?" Inis na saad naman ni Damian.

"Ikaw ang mas may kasalanan. Hinalikan mo kasi. Sundan mo kaya!" Utos naman ni Doom dito na tinulak-tulak naman ni Fugeo.

Nagturuan pa talaga silang lima. Ang lakas ng trip ng mga 'to.

"Bakit ko maman susundan?"

Dahil sa sinabi ni Damian ay nakatikim siya ng batok galing kay Ephraim.

"Say sorry to her, idiot. Halikan mo ba naman without her consent?"

Wala itong nagawa kung hindi lumabas rin ng kuwarto. Napakamot na lamang ako sa aking kilay sa mga pinaggagawa nila. I know that Rozette is Mad. Kahit ako naman siguro diba? Hinalikan ako ng ganun-ganun lang at pagkakatuwaan pa, magagalit talaga ako.

Mga loko talaga eh.

Ibinaling ko naman ang paningin kay Zerron na kausp na si Zian at pinagkakaabalahan ang isang coloring book.

Napatingin ulit ako sa apat na naghahagikhikan sa sofa at mukhang may pinaplano na namang katarantaduhan. Tulad nga ng inaasahan nagpaalam ang mga ito upang umalis, susundan daw nila ang dalawa. Mga wala talagang magawa. Tss.

"Ilang taon na kayong magkakaibigan?" I ask Zerron.

He look at me.

"Doom, Damian and Midnight are my childhood friends while Rozette and Fuego, almost four years na rin kaming magkakakilala"

Napatango naman ako. "How about Vigénere?"
Hanggang ngayon, misteryosa pa rin sa 'kin ang babaeng 'yon.

"Actually, Vigénere is the daughter of my Lolo's right hand and when he died, Vigénere took his place to take good care of Lolo but Lolo decided to assigned her as my right hand"

I nodded as a response.

"Ganun ba talaga siya? I mean, ang weird niya. She's a bit scary tho" Nakangiwing sabi ko. Ngumisi naman siya.

Hiding The Billionaire's Son Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon