Ephraim's Point of View
Nasa loob ako ng saaakyan at hinihintay si Zerron. Nakita ko itong tumatakbo sa frontyard ng bahay. Umakyat ito sa pader at tumalon pababa bago tumakbo sa kinaroroonan ng kotse ko. Mabilis kong binuksan ang passenger seat at pumasok naman siya kaagad.
Kaagad kong pinaandar ang saaakyan para makaalis na kami. Saglit ko siyang tiningnan na nakasandal at hinihilot ang ulo niya.
"Kamusta sila Zaera?"
"They're fine" Matamlay ang pagkakasagot nito.
"Mabuti naman. Anyway, your clothes are at the backseat" Saad ko.
Tumango naman ito saka inabot ang shopping bag sa backseat. Napailing nalang ako dahil sa itsura nito. Puno ng dugo ang damit at may galos pa ang mukha.
"Nakita ka ba nila, Zerron?"
I'm pertaining about Zaera and Zian pati na rin ang mga Saavedra.
"Zaera saw me. Zian is sleeping"
Natawa naman ako.
"I guess you're lucky" Tinapik ko pa ang balikat nito. He just hissed and change his clothes.
"Is Herman awake?" Tanong nito matapos maisuot ang Itim na T-shirt. Tumango naman ako. "Did you get any valuable information?" Umiling naman ako.
Herman gain his consciousness 15 minutes ago and we started the interrogation but unfortunately wala pa rin kaming nakukuhang impormasiyon dahil masyadong matigas ang bungo ng gago.
"Tss. Let's see" Nakita ko ang pagngisi nito. Napailing nalang ako. Isang malaking good luck na lang para kay Herman mamaya. Wala pa namang tulog 'tong si Zerron.
Bumaling ako sa kaniya saglit.
"Siya nga pala, Zerron. Diba malapit na ang birthday ni Zian?" Tanong ko sa kaniya. Napatigil ito sa pagpunas sa dugo niya sa pisngi.
"Shit!" He cursed. "I forgot about it"
"Ganyan talaga Zerron kapag nagkakaedad, makakalimutin" Biro ko. "Mabuti pa ako natatandaan ko kahit hindi ako ang ama" Dagdag ko dahilan para maramdaman ko ang malamig na dulo ng baril sa leeg ko. Napalunok ako.
"Pull over" He coldly said.
"Teka lang naman, insan. Biro lang naman" I awkwardly laugh. Napatingin ako sa kaniya. Shit! Seryoso nga talaga siya. Napamura nalang ulit ako sa isipan ko.
"I said pull over, Ephraim"
"O-Oo na nga, teka lang" Itinigil ko ang saaakyan sa tabi.
"Get out"
Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kaniya. Seryoso lang ang mukha nito.
"T-Teka, bakit ako baba?"
Hindi ito sumagot at sinenyasan lang akong bumaba gamit ang revolver na hawak niya. Putangina! Zerron! Pasalamat ka may baril ka! Wala akong choice kung hindi ang bumaba. Kaagad siyang lumipat sa driver seat at isinara ang pinto. Putek! I tried to open the door but it's lock!
"You've been roasting me for so long, Ephraim. This serves as your punishment" Nakangising saad nito at pinaandar ang makina ng sasakyan.
Napamaang lang ang labi ko ng ipaharurot niya paalis ang sasakyan KO! Putangina! Napahawak nalang ako sa bewang ko at ginulo ang buhok ko dahil sa inis. Napalinga-linga pa ako sa buong paligid at wala yatang dumadaan na kahit anong sasakyan dito. Putek!
BINABASA MO ANG
Hiding The Billionaire's Son
RandomZaera Everest Valgomera once believed she had a happy life with her partner, unaware that she was the only one who felt that way. Unbeknownst to her, the man she loved had ulterior motives. He had other plans, intending to take her child after birth...
