KINAUMAGAHAN
Zaera's Point of View
Gising na ako pero nanatili pa ring nakapikit ang mga mata ko. I use my free hand to check Zerron beside me. Kaagad akong napamulat at napakunot noo ng mapansin kung wala na siya sa tabi ko.
Saan naman nagpunta 'yon? Napakusot ako ng mata saka napatingin sa buong kuwarto pero wala akong nakita ni anino niya. Napabaling ako kay Zian na nakaunan sa braso ko at nakayakap sa 'kin. Napahikab ako saka kinumutan si Zian.
Five thirty in the morning palang pero wala na dito si Zerron. 𝑨𝒏𝒈 𝒂𝒈𝒂 𝒏𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒏𝒊𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒈𝒊𝒔𝒊𝒏𝒈. Napahikab ulit ako dahil inaantok pa talaga ako. Tumawag kasi sa 'kin kagabi si Eastrella at marami kaming napag-usapan para sa preparation ng launching.
Mga 3:30 am na ako nakabalik ulit sa higaan.
May narinig akong tikhim galing sa may balcony ng kuwarto ko. I diverted my gaze over there and due to my surprise I saw Zerron sitting on the chair and I notice that he's focused on his....laptop? 𝑷𝒂𝒂𝒏𝒐 𝒔𝒊𝒚𝒂 𝒏𝒂𝒈𝒌𝒂𝒓𝒐𝒐𝒏 𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒑𝒕𝒐𝒑?
I also noticed that he's smoking. He run his fingers through his thick black messy hair and puff the smoke in the air as if releasing all his stress and frustrations out of his mind. Kilala ko na ito noon pa man kaya alam ko kung may matindi siyang problema.
Maingat kong inalis ang ulo ni Zian sa braso ko saka dahan-dahan kong inayos ang pagkakahiga niya. Bumaba ako ng kama saka pinuntahan siya. Nang buksan ko ang sliding door ay napatingin siya sa gawi ko at kaagad na pinatay ang sigarilyo.
"Good morning" nakangiting bati niya.
"Good morning" Nakangiting bati ko rin saka ako lumapit sa likuran niya at hinawakan ang magkabilang balikat niya. "Ang aga mo namang nagising"
Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko na nakapatong sa balikat niya. "I need to go back to work as soon as possible. I have a lot of things to fix in my company"
Sabagay. Ilang araw rin naman siyang na-ospital at hindi pa siya nakapasok sa trabaho dahil sa birthday ni Zian.
Napatingin ako sa laptop niya at nakita ko doon ang iba't-ibang files. "Kahapon wala ka namang dala-dalang Laptop diba?"
He look at me over his shoulder. "Vigénere sent it to me"
Napatango-tango ako habang nakanguso ng kaunti. Ibang klase talaga ang babaeng 'yon. Napaka-weird niya. May sa lahi ba ng manananggal 'yon? Kahit anong oras gising.
Bumuntong-hininga ako saka ko iniyapos ang kamay ko sa leeg niya. Yumuko ako saka ipinatong ang baba ko sa balikat niya.
"May problema ka ba?" Tanong ko pagkaraan ng ilang segundo. Ibinalik niya ang tingin sa laptop. He sighed deeply.
"Kanina pero wala na ngayon" Seryosong sagot niya at pinasadahan ng daliri ang buhok niya. Napatayo ako ng maayos dahil sa sagot niya.
Marahan niyang hinila ang kamay ko kaya napaikot ako papunta sa harapan niya. Napatingin ako sa kaniya at nakita ko ang ngisi sa labi niya. He suddenly grabbed my waist and pulled me gently towards him.
Hindi ko na nagawa pang makapag-reklamo dahil nasa mga bisig na niya ako. I am sitting on his lap. My hands are place on his shoulders and his hands are perfectly encircled around my waist.
Titig na titig siya sa 'kin.
"Is it possible to fall harder even with a simple gestures?" He ask while eyeing me intently. I swallowed hard. Naiilang ako sa posisyon namin ngayon.
BINABASA MO ANG
Hiding The Billionaire's Son
RandomZaera Everest Valgomera once believed she had a happy life with her partner, unaware that she was the only one who felt that way. Unbeknownst to her, the man she loved had ulterior motives. He had other plans, intending to take her child after birth...
