Third Person's Point of View
Isang babae ang naglalakad papasok sa loob ng isang kompanya. Nakakuyom ang kamao nito at madilim rin ang kanyang mukha. Lahat ng makakasalubong nito ay napapabulong at kaagad ring iiwas ng tingin kapag pinupukol niya ito ng masamang tingin. Taas noo itong tinungo ang daan patungo sa opisina ng taong sadya niya.
Malalaki ang hakbang nito at mababatid ang sobrang inis at galit sa mukha niya. Walang katok-katok nitong binuksan ang pinto ng opisina at kaagad hinanap ng kaniyang mata ang taong sadya niya. Nakita niya itong tutok na tutok sa harap ng laptop nito.
"Zerron, Can we talk?!" Mariin ang pagkakasabi nito na tila pinipigil niya lamang ang kanyang galit.
Inalis ng lalaki ang kanyang salamin at tumingin sa babae bago napasandal sa recliner.
"Heiress, we just talked earlier. Ano pa ba ang pag-uusapan natin?"
May inilabas itong brown envelope at itinapon sa mesa . Sumambulat sa paningin ni Zerron ang mga litrato nila ni Zaera ng minsang magbisita si Zerron sa bahay nina Lovern at Hather noong isang araw.
"When are you planning to tell me that you're still seeing each other, Zerron?!"
Nahilot ni Zerron ang sintido niya. Kanina pa masakit ang ulo niya dahil bukod sa marami itong kaikangang tapusin na trabaho ay may iba pa siyang kailangang asikasuhin. Binabagabag pa siya dahil nagkita si Zaera at Eros sa mall and luckily his cousin was there kaya't ito ang inutusan niya upang mailayo kaagad si Zaera at ang anak niya.
"What do you expect me to do, Heiress? Of course, magkikita kami dahil siya ang ina ng anak ko. I can't avoid that" Malumanay na paliwanag ni Zerron sa kaniya ngunit hindi parin nawawala ang inis sa mukha ni Heiress.
"Ang sabihin mo lang ginagawa mo lang na rason ang anak ninyo ni Zaera para magkasama kayo!" Sigaw nito kaya't nagsalubong ang kilay ni Zerron sa inis at pagka-irita.
"Are you out of your mind? Saan mo ba nakukuha ang mga sinasabi mo? Stop insisting that matter! You're being delusional"
"Wow? Am I?" Hindi makapaniwalang sabi nito. "This is not my delusion! I know that it is true! Ilang dates na natin ang kinancel mo dahil sa mag-ina mong 'yan! And I hate you for neglecting me!" Hysterical nitong sabi.
Nahampas ni Zerron ang mesa dahil sa sobrang inis nito. Napakislot naman si Heiress dahil sa pagkabigla. Hia face darkened.
"I'm not in the mood to talk about it, Heiress. It's your choice if you don't believe me. Now get out of my sight" Pagpipigil galit na sabi ni Zerron.
Napalunok naman si Heiress.
"Y-You can't just shooed me away like this! I AM YOUR GIRLFRIEND, Zerron!" Ipinagdiinan pa nito ang kaniyang sinabi at tinuro ang kaniyang sarili.
"Yes, you are! Ano pang ikinakagalit mo?!"
"Stop seeing Zaera!" galit na sigaw ni Heiress.
"I can't do that!"
"Oh come on! Huwag mong ibuhos ang atensiyon mo sa mag-inang 'yon! Hindi ako papayag na agawin nila ang atensiyon mo sa 'kin! "
Napahawak sa sintido si Zerron.
"Get out" malamig nitong saad kay Heiress.
"W-What?! Hindi ako aalis di---"
"I said get the fuck out!"
Halos mapatalon si Heiress dahil sa sobrang gulat ng sigawan siya ni Zerron. Nagbabaga ang nga mata nitong nakatingin sa kanya. Hindi maipagkakailang namutla ito dahil sa takot. Nagsipatakan ang luha nito.
BINABASA MO ANG
Hiding The Billionaire's Son
RandomZaera Everest Valgomera once believed she had a happy life with her partner, unaware that she was the only one who felt that way. Unbeknownst to her, the man she loved had ulterior motives. He had other plans, intending to take her child after birth...
