Chapter 16

2.2K 40 0
                                        

[Pauwi na ba kayo?]

"Oo. Bakit?"

[Susunduin ko nalang kayo diyan. Nandito ang Mama at Papa mo sa bahay hinihintay kayo ni Zian]

Kaagad naman akong napangiti. "Sige. See you" Masayang sagot ko at pinatay ang tawag.

I heard Zerron hissed. Napabaling ang tingin ko sa kanya. Madilim ang mukha nito pero malayo ang tingin. Hindi ko na lang siya pinansin. Ibinaling ko nalang ang tingin ko kay Zian.

"Zi, Come here" Tumakbo naman ito patungo sa akin na nakangiti.

"What is it, Mama?"

"Dada nos buscará. Dijo que el abuelo y la abuela están en la casa. Querían verte"
Translation: Dada will fetch us. He said that Grandpa and Grandma is in the house. They wanted to see you

"Really? I'm excited to see them po" Magiliw nitong sagot. Ginulo ko naman ang buhok ko. Bumaling naman ito kay Zerron. "Is Daddy coming with us?" Inosenteng tanong nito.

Saglit kong tiningnan si Zerron na nakatingin rin kay Zian. Tipid akong ngumiti saka hinawakan ang pisngi niya. "Daddy is not coming with us. You know, he's busy with his work"

Ipinagdiinan ko talaga ang work. Iba naman kasi talagang trabaho ang ginagawa nito minsan. Tumikhim naman si Zerron. Hindi ko ito hinayaang magsalita.

"You can both see each other next time. I'm sure Dada is on his way now" Saad ko at hinawkan ang kanyang kamay. May lungkot sa mga mata nito pero tumango na lamang siya. I'm sorry, Zi. Hindi pupwedeng makita ng mga magulang ko si Zerron lalong-lalo na si Papa dahil talagang magkakagulo.

Sakto namang may tumigil na sasakyan sa hindi kalayuan. Lumabas doon si Hather at naglakad patungo sa puwesto namin.

"Dada!" Tawag ni Zian at kumaway kay Hather. Ngumiti naman si Hather.

Napabaling ako kay Zerron ng tumikhim ito. "Son, I have to go. See you next time" Wika nito ng nakangiti pero nakikita ko sa mga mata niya ang sakit. Lumapit sa kanya si Zian at niyakap ang hita nito.

Nag-squat naman si Zerron saka hinawkan sa balikat si Zian. Nanatili lang kaming nakatingin sa kanila ni Hather.

"I wish I could spend time more with you, Daddy"

Parang may kung ano namang bumara sa lalamunan ko matapos iyong marinig. Napalunok nalang ako ng tumingin sa akin si Zerron. Pinanatili kong walang emosyon ang mukha ko. Ibinalik nito kay Zian ang kanyang paningin.

"I hope so, son. Always be a good boy to Mama. See you next time. Bye" Paalam nito at tumayo matapos halikan sa noo si Zian.

Tumingin muna sa akin sandali si Zerron bago siya tumalikod at naglakad paalis. Napatingin ako kay Zian at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Parang sinasabi nitong iiwan na naman siya ng Daddy niya. I'm so sorry, Zi. Hindi mo pa talaga puwedeng makasama ng matagal ang Daddy mo ngayon.

"Are you okay, Eve?"

Napabalik ako sa reyalidad ng marinig ang boses ni Hather sa tabi ko. Napansin kong medyo basa ang pisngi ko kaya't kaagad ko itong pinunasan. Bakit ba ako umiiyak? Ngumiti lang ako kay Hather saka tumango.

Hiding The Billionaire's Son Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon