Kasalukuyang nasa taas na bahagi ng yate si Zerron at mag-isang umiinom habang nakatingin sa kalangitan at nakasandal sa railings ng yacht.
Holding a bottle of wine while soaking himself in the chilling breeze of the night, facing the vigorous waves crashing through the shoreline.
Lumagok itong muli sa wine at napatingala sa kalangitan. Lumihis ang tingin nito sa babaeng paakyat na alam niyang kanina pa siya sinusundan. Ikinubli nito ang ngisi at uminom ulit ng wine.
Lumapit sa kaniya ng tuluyan si Heiress na may hawak na wine glass na walang laman. Umayos siya ng tayo.
"Hey, Hon" Mahinhing bati sa kaniya ni Heiress at kinuha ang bote ng wine sa kamay ni Zerron saka isinalin ang laman nito sa hawak niyang wine glass.
"What are you doing here?" Malamig na tanong ni Zerron.
Ngmiti si Heiress. "Sinasamahan ka. Isa pa, na-miss kita"
Hindi umimik si Zerron at kinuhang muli ang bote ng wine sa kamay ni Heiress. Sumandal ang likuran ni Heiress sa railings ng yate saka siya sumimsim sa alak na nasa baso niya.
"Didn't you miss me, Hon?"
Zerron hissed.
"Stop it, Heiress" Walang ganang saad nito.
Heiress laughed softly. "Why?" Saad nito at tiningnan si Zerron na nasa dagat ang paningin.
"We're done" malamig na saad ni Zerron.
Mas lumapit si Heiress sa kaniya at marahang hinaplos ang braso nito.
"Puwede pa rin naman tayong bumalik sa dati, Hon"
Mas inilapit pa nito ang katawan kay Zerron at umakyat ang pagkakahaplos nito sa dibdib hanggang sa leeg ng lalaki. Napatiim-bagang si Zerron. Humigpit ang pagkakahawak nito sa bote ng wine.
Tumingkayad si Heiress at unti-unting inilapit ang mukha upang halikan si Zerron pero mabilis siyang tinulak palayo ni Zerron dahilan para mapaatras ito.
Napamaang ang labi ni Heiress.
"W-What the?! Bakit mo ako tinulak?!"
Zerron gave her a stern look. "What the hell are you trying to do?!"
"Isn't it obvious?! Kissing you" Straightforward nitong sabi na tila wala lang sa kaniya ang ginawa niya. "Besides, Zaera is not here. We can enjoy this night together, Hon" Malambing nitong saad at lumapit muli kay Zerron.
Zerron step backwards. He made a disgusted look. Ngayon, hindi na niya talaga kilala ang babaeng ito. Hindi niya alam kung paanong nagmahal siya ng isang katulad niya noon.
"The fuck, Heiress! Are you insane?"
Nawala ang ngisi sa labi ni Heiress at napalitan ito ng inis.
"Ako na nga ang lumalapit sa 'yo. You should be happy. Alam ko namang gusto mo rin naman ang katawang 'to, Zerron. I know that I can give you the pleasure that you wanted and I know that you love this body compared to that stupid woman of yours" She said mockingly and flipped her hair.
Nandilim ang mukha ni Zerron ng marinig ito. Mabilis siyang nakalapit sa puwesto ni Heiress at kaagad niya itong hinawakan sa leeg. Napangiwi si Heiress ng maramdaman ang paninikip ng daluyan ng hangin niya.
"You can give me the pleasure but you never gave me the satisfaction, Heiress." Mariing saad ni Zerron sa mismong mukha niya. "You may have the body that every man wants but you never have the qualities that Zaera can satisfy me"
BINABASA MO ANG
Hiding The Billionaire's Son
RandomZaera Everest Valgomera once believed she had a happy life with her partner, unaware that she was the only one who felt that way. Unbeknownst to her, the man she loved had ulterior motives. He had other plans, intending to take her child after birth...
