Zaera's Point of View
Alam niyo 'yong masakit? Iyon ay ang unti-unti ka ng humihilom sa sakit at handa ka na ulit magpatawad pero hindi mo akalain na malulunod ka ulit sa parehong sakit na naranasan mo noon at sa parehong tao pa.
"I want to disappear like a bubble" I whispered in myself while drying my tears.
Napahugot ako ng malalim na hininga. Umalis ako at hindi na pumasok sa loob. Ayoko ng marinig pa ang pag-uusap nila baka mas lalo akong masaktan.
So, he used me for his benefits? Akala ko ba ay nais niya lang kaming protektahan kaya niya kami pinipilit na sumama sa kaniya?
Dumiretso ako sa ladies rest room. Pumasok ako sa loob at pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. Nangilid na naman ang luha ko. Nandoon na ako eh. Unti-unti ng bumabalik ang tiwala ko para sa kaniya pero sinira niya ulit.
Napasandal nalang ako sa sink. I feel like my heart's been ripped off.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng cr kaya mabilis akong naghilamos at kinalma ang sarili ko. Narinig ko ang yabag ng kung sino na palapit sa puwesto ko. Nakayuko lang ako habang tinutuyo ang pisngi ko.
"Zaera"
"Kyaah! The fvck!" Napatalon ako dahil sa sobrang gulat at nabunggo ko pa ang siko ko sa dingding ng cr. Damn! Ang sakit! Napangiwi ako.
Ngunit unti-unting nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto kung sino ang nandito ngayon. Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Hawak nito ang tagiliran at mahigpit rin siyang nakakapit sa IV Pole. Kaagad akong umayos ng tayo.
"A-Anong ginagawa mo dito?" Pinilit kong huwag matutal pero nautal parin ako. Bukod sa ladies restroom itong pinasukan niya ay hindi ko akalain na pupunta siya dito. Kausap niya lang kanina si Dn Fugere tapos nandito na siya kaagad? "Bakit ka lumabas hindi ba't sabi ng doctor ay hindi ka puwedeng gumalaw? Tapos naisipan mo pang pumunta dito sa ladies restroom? Alam mo bang puwede kang makasuhan sa ginagawa mo?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya pero wala akong nakuhang sagot.
Nanatili siyang nakatitig sa akin. I tried to compose myself. Naghugas ako ng kamay saka ako tumingin sa salamin. Naglakad ito palapit sa akin.
"Sinundan kita" Saad nito dahilan para matigilan ako. Nakatitig lang ako sa tubig na umaagos mula sa gripo. Nakagat ko ang aking dila. Base sa sinabi niya ay nakita niya akong nakikinig sa usapan nila ni Lolo.
Pinatay ko ang gripo at winisik ang kamay ko sa sink. Hinarap ko ito na nasa isang metro nalang ang layo sa akin. Pinilit kong maging blangko ang ekspresiyon ng mukha ko.
"Nakita mo ako dun sa labas kanina?"
Tumango naman siya.
"Nagtataka ka siguro kung bakit hindi kaagad ako pumasok sa loob. Naisip ko kasi na baka importante ang pinag-uusapan ninyo" paliwanag ko saka lumapit sa dryer at itinapat ang kamay ko. "Bumalik ka na sa room mo at baka may makakita rito sa atin at ano nalang ang isipin nila" Seryosong saad ko.
"Can we talk?" Seryosong tanong niya at mas lumapit pa sa akin dahilan para mapaatras ako, kaya lang wala akong maatrasan dahil sink na kaagad ang nasa likuran ko. Itinaas ko ang dalawang kamay ko upang pigilan siya sa paglapit.
May kung anong sumasayaw sa tiyan ko at nakikisabay rin ang puso ko.
"Mag-usap? Hindi ba't nag-uusap na tayo? Saka huwag kang lumapit sa akin" Masungit kong turan at kaagad lumayo sa kaniya pero natigilan ako ng ilagay nito ang magkabilang kamay sa bawat gilid ko.
BINABASA MO ANG
Hiding The Billionaire's Son
RandomZaera Everest Valgomera once believed she had a happy life with her partner, unaware that she was the only one who felt that way. Unbeknownst to her, the man she loved had ulterior motives. He had other plans, intending to take her child after birth...
