Zaera's Point of View
It's already 12:15 am but I can't sleep! Kanina pa ako nakatulala lang sa ceiling. Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga at napabuntong hininga. Hindi ako pinapatulog ng mga sinabi ni Hather sa akin. Tiningnan ko si Zian na mahimbing ang tulog. Inayos ko ang kumot niya. I stared at him for a while.
If I gave Hather a chance, will Zian be happy? Sigurado naman akong magiging mabuting ama si Hather sa kaniya pero hindi ko alam kung papayag ba si Zian na maging daddy si Hather. Napabuntong hininga ako. I kiss his forehead and stood up. Lumabas ako sa veranda. I lean on the railings and look above the starry sky.
Maliwanag ang paligid dahil sa buwan. Napatitig ako ng matagal sa buwan. Whenever I look at the moon, I feel like I am not alone. Pakiramdam ko may kasabay akong nakatingin sa buwan ngayon.
Someone who's probably can't fall asleep tonight too. Nakakagaan rin sa pakiramdam kapag nakatingin lang ako sa buwan, saglit na nawawala ang kung ano mang bumabagabag sa isipan ko. Napaayos ako ng tayo at napatingin na lang sa daan na kitang-kita mula rito.
I saw a silhouette of a man standing tall under the lamppost but I can't clearly identify if it is just a shadow or a real human because it is far from where I am. May kaunting lilim rin ng puno na humaharang kaya hindi ko halos maaninag. Napakurap ako at nawala ito bigla. Ipiniling ko na lang ang ulo ko dahil baka guni-guni ko lang 'yon. Bumalik na lang ako sa loob at napagdesisyunan kong mahiga.
Hopefully, makatulog na ako.
______
The next morning, I was bombarded by a loud noise coming from Lovern. I cover my face with a pillow but it doesn't help at all. Niyugyog pa nito ang balikat ko na halos makalas na.
"Oh my! Kyaah! Gumising ka na diyan. We need to talk!"
I cover my whole body with a blanket. Ayoko siyang makausap. Inaantok pa ako. Hindi naman ito nagpatinag. Naramdaman ko na lang na hinihila nito ang dalawang paa ko. Kaagad akong napabalikwas at kunot-noo ko siyang tiningnan.
"Ano ba?! Inaantok pa ako, Love" Reklamo ko. I tried to kick her but it's useless since hawak niya pa rin ang mga paa ko. Binato ko ito ng unan pero naiwasan niya.
"Hindi kita bibitawan hangga't hindi ka bumabangon diyan"
Tuloy lang siya sa paghila sa akin kaya nataranta ako. Malapit na kasi akong mahulog sa kama. Kapag nagkataon ay siguradong lalagapak ang likod ko sa semento.
"Oo na! Babangon na! Just stop dragging me" Inis kong turan. Mabilis nkyang binitawan ang mga paa ko at kaagad siyang umupo sa paanan ng kama. "Ano bang pag-uusapan natin?"
Hinampas niya ang braso ko. "Tell me about it, dali!"
"Huh? Ano namang sasabihin ko?"
"About you and Kuya! Ano pa ba" Sarkastikong turan niya. She even flip her hair. Napamaang ang labi ko habang nakatitig sa kaniya.
"How did you know?"
Wala naman siya noong kinausap ako ni Hather kahapon. So, how did she knew about it? Tumaas-baba ang kilay nito. The mischievous grin doesn't leave her lips.
BINABASA MO ANG
Hiding The Billionaire's Son
RandomZaera Everest Valgomera once believed she had a happy life with her partner, unaware that she was the only one who felt that way. Unbeknownst to her, the man she loved had ulterior motives. He had other plans, intending to take her child after birth...
