Chapter 59

1.8K 33 0
                                        

AFTER ONE WEEK

Zaera's Point of View

Katulad ng nakasanayan ay mag-isa akong nakaupo sa may veranda at matamang nakatingin sa kalangitan habang dumadapyo ang malamig na hangin sa balat ko. Niyakap ko ang sarili at napahugot ng malalim na hininga. Naririnig ko ang hampas ng alon sa dalampasigan.

Past 11:00 pm na pero hindi pa rin ako nakakatulog dahil sa dami ng iniisip ko. Ibinaling ko ang tingin sa loob ng kuwarto kung saan mahimbing na natutulog ang anak ko. Lumihis ang tingin ko sa may study table na malapit lang sa kama at nakita ko roon si Zerron na gising pa rin habang busy rin sa pagtitipa sa kaniyang laptop.

Humikab ako at uminat-inat.

I heave a deep sigh as I lean my back on the backrest of my chair. I stared again at the stars that gleams in the dark sky. The pale shimmer of moonlight gives enough view of the surroundings that put myself in awe.

Maybe, I'm just being paranoid or this is just a result of my traumatic experiences before.

It's been a week but it seems like it all happened yesterday. The memory of that terrible event is still fresh in my mind. Habang buhay na iyong tatatak sa alaala ko. Isang buntong hininga ulit ang pinakawalan ko. In that single deep breathe I let out all my worries and frustrations. Everything.

Maraming nangyari sa loob ng isang linggo. Ang bilis makarating ng balita sa pamilya ni Zerron tungkol sa engagement kaya tuwang-tuwa silang lahat.

Actually, noong isang araw lang namanhikan ang family niya sa family ko. Luckily, naging maayos rin naman ang lahat. Ibinalik ko ang tingin sa screen ng laptop ko at nagtipa ulit ng panibagong email para kay Eastrella.

Inaasikaso ko kasi ang naudlot na launching ng Everlasting. Humingi na rin ako ng pasensiya kay Eastrella at pati na rin sa mga employees, boards of directors and investors dahil sa nangyari. Naintindihan na rin naman nila ito dahil alam na rin nila ang nangyari sa 'kin.

Dahil na-postpone ang launching, kailangan ko ulit bumyahe patungong Spain para sa event. Nagkaroon man ako ng trauma dahil sa nangyari last time, kailangan ko paring ituloy ang pag-alis. Hindi ko na kailangan pang mag-alala para sa kaligtasan ko dahil tapos na ang gulo sa buhay namin at wala ng manggugulo pa.

I sighed deeply. Hopefully. Gusto ko naman kasing magkaroon kami ng tahimik na buhay. Iyong wala kaming aalalahaning panganib.

Si Zerron naman, naging busy din this past few days. Inaasikaso kasi nito ang mga business nila lalong-lalo na ang sarili nitong kompanya at pati na rin ang Primevera Corporation na ipinagkatiwala na rin sa kaniya ni Don Fugere.

Saka napag-usapan rin namin last time na lumipat na ng tirahan. Actually, request talaga ito ng parents niya para daw mas malapit kami sa mga daily activities namin lalo na sa trabaho at syempre sa mga pamilya namin. Itong coastal house naman ay gagawin na lang vacation house or pwede namang gamitin kapag may mga outing ang buong pamilya.

Naayos na rin nito ang tungkol sa punishment ni Doom at natuwa ako dahil ligtas na ito sa kaparusahang kamatayan. Although he got exemption for the death punishment, he still needs to undergo for a light punishment.

Ewan ko lang kung anong mababaw na kaparusahan ang matatanggap niya. Actually, kahapon lang ay inilipat na siya sa isang regular room at nadalaw na rin namin siya.

Akala namin matatagalan siyang magising pero nagising rin naman siya kaagad.
Naging maayos na rin naman ang lahat sa Empire at pati sa mga kaibigan ni Zerron. Na-explain na rin naman lahat ni Doom ang tungkol sa nangyari kung bakit niya binaril si Damian at Rozette. So far, maayos na rin naman ang samahan nila.

Hiding The Billionaire's Son Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon