Umupo si Zerron sa kaliwa ni Zian samantala ako naman ang nasa kanan. Ipinosisyon ko ang camera sa harapan naming tatlo at kaagad kaming nag-groufie. Akala ko matatapos na doon pero hindi pa pala. Zian requested that we should kiss him right on his cheek. Sinunod naman namin iyon.
"Mama, I want another kiss. Please?" Napatigin ako kay Zian na nakadaop pa ang palad habang nakatingin sa amin ni Zerron.
Saglit kong tiningnan si Zerron na nakatingin rin sa akin. Umiwas ako ng tingin saka ginulo ang buhok niya. Tumango ako. He excitedly lean closer to us. Kinuha ni Zerron ang cellphone sa akin upang siya ang kumuha ng litrato. Ipinosisyon ko ang sarili ko upang halikan si Zian sa pisngi.
"1..2..3..."
Sa sunod na nangyari ay halos lumabas ang eyeballs ko dahil sa sobrang gulat. Saktong hahalikan ko na si Zian ng umalis ito sa gitna naming dalawa ni Zerron at saktong lumapat ang labi ko sa labi niya. Kasunod noon ang pagtunog ng shutter ng camera.
Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko at nagliliparan na naman ang mga kulisap sa tiyan ko. Ramdam ko ang mainit at malambot niyang labi sa labi ko. We're both looking at each other's eyes while our lips are still stuck at each other. Tila bumagal ang mga nangyayari sa buong paigid at wala rin akong naririnig kung hindi ang malakas na tibok ng puso ko.
Natauhan lang ako ng marinig ko ang maliit na tawa ni Zian sa tabi namin kaya't mabilis akong lumayo kay Zerro at umiwas ng tingin. Napayuko ako ng maramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Nanginginig rin ang mga kamay ko. Napalunok ako at palihim na napabuntong hininga upang pakalmahin ang naghaharumintado kong puso.
Kung pwede lang pagalitan si Zian ginawa ko na pero hindi ko iyon gawain. He didn't know what he's doing. I cleared my throat at inalis ang kung ano mang bumabagabag sa isipan ko. Pinatigas ko rin ang ekspresiyon ng mukha ko upang hindi umasa ang isa na 'to na apektado ako sa nangyari. Kung pwede lang magmura ng paulit-ulit ginawa ko na.
"Give me back my phone" Seryosong sabi ko kay Zerron na nakatitig sa akin lalong-lalo na sa labi ko. Pasimple kong itinikom ng mariin ang labi ko.
"H-Here" Nauutal nitong saad at inabot sa akin ang cellphone ko. Kaagad ko itong kinuha sa kamay niya. Tumayo siya saka rinig ko ang pagbuntong hininga nito.
Binalingan ko nalang ng tingin si Zian at pinilit inalis sa isipan ko ang nangyari kani-kanina lang pero lintik! Nararamdaman ko parin ang malambot nitong labi sa labi ko. Pasimple kong pinunasan ang labi ko.
Bwiset! Inis akong napabuga ng hangin at hinawakan nalang ang kamay ni Zian. Don't get fooled of your feelings again, Zaera! He fooled you once huwag ka ng magpauto ulit.
Wala kaming ginawa kung hindi ubusin ang buong araw sa pamamasyal. Pagkatapos namin sa zoo, pumunta naman kami sa amusement park upang mag-enjoy pero iyong dalawa lang ang nag-enjoy ng sobra samantala ako kukuhanan ko lang sila ng picture at minsan sumasali rin naman pero mas marami talaga ang lutang moments ko. Pumunta rin kami sa mall para kumain at pinamili na rin ni Zerron ng mga damit si Zian.
After that, naisipan na rin naming umuwi. Hindi na nga namin napansin ang oras at gabi na kami nakauwi. Buhat ni Zerron si Zian na sa tingin ko ay nakatulog na sa sobrang pagod. Ako naman bitbit ko ang mga pinamili niya para sa anak ko. Tahimik lang kaming dalawa at tila nagpapakiramdaman lang habang papunta kami sa sasakyan niya na naka-park.
BINABASA MO ANG
Hiding The Billionaire's Son
RandomZaera Everest Valgomera once believed she had a happy life with her partner, unaware that she was the only one who felt that way. Unbeknownst to her, the man she loved had ulterior motives. He had other plans, intending to take her child after birth...
