Chapter 58

1.8K 34 0
                                        

Zaera's Point of View


Nang maayos na ang mga papeles ni Doom ay kaagad na siyang nilipat ng hospital. Habang bumabiyahe ang ambulance ay nakasunod ang sasakyan ng mga magulang niya sa likuran nito at ang sasakyan naman namin ni Zerron ay nakabuntot sa kanila. Mabilis ang biyahe ng ambulance dahil hindi ganun kaayos ang kalagayan niya.

When I saw his parents, natuwa ako. Mababait sila at madali mong mapaglagayan ng loob. Hindi sila katulad ng ibang parents which usually have an intimidating aura at mapapansin mo kaagad na strikto.

"Dideretso ba tayo sa hospital ngayon?" I ask Zerron while my eyes are still on the road.

"No. We'll go straight to your parents' house"

Kaagad akong napatingin sa kaniya. Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Sa totoo lang kanina pa talaga ako kating-kati na makausap at mayakap sila. Gusto ko silang tawagan pero wala ang cell phone ko sa 'kin. Naalala ko na nahulog iyon sa airport. Ayoko ring hiramin ang cell phone ni Zerron dahil baka magtaka sina Mama at Papa kung bakit kasama ko si Zerron ngayon.

Ang akala nila hanggang ngayon ay na-kidnap pa rin ako. Ang pinoproblema ko lang sa ngayon ay kung ano ang isasagot ko sa mga tanong nila.

After 30 minutes ay ibang route ang dinaanan namin ni Zerron. Naging pamilyar na sa akin ang nadadaanan naming lugar. Habang palapit kami ng palapit ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. I couldn't help but to play with my hands and squeeze it to make me calm.

Natigilan ako ng maramdaman ko ang kamay ni Zerron na pumatong sa dalawang kamay ko. Bumagal rin ang takbo ng sasakyan. Napatingin ako sa kaniya.

"You're tense. Relax, Baby" Malumanay niyang sabi. Malalim akong napahugot ng hininga. Tumingin siya sa akin saglit bago niya ibalik ang tingin sa daan.

"Is there something bothering you?"

"Kinakabahan lang naman ako kasi alam kong maraming itatanong sa akin sina Mama at Papa. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanila. Isa pa, magkasama tayo ngayon siguradong magtataka ang mga 'yon" Sagot ko habang nakatingin sa kaniya.

Saglit siyang tumingin sa akin at kiming ngumiti. Ibinalik niya rin kaagad ang tingin sa daan.

"Don't worry too much. I'm here" He said assuring me. And it was like he chant some magic that my worries suddenly gone. Ngumiti ako at hinawakan na lang ang kamay niya.

Nang makarating kami sa mismong bahay ay napansin ko ang isang pamilyar na sasakyan.
Binitawan ko ang kamay ni Zerron at inalis ko ang seatbelt ko.

Sabay kaming lumabas ng sasakyan. Pinagmasdan ko ang sasakyan at napahugot ako ng malalim na hininga ng mapagtanto kong kotse ito ni Lovern.

Ito 'yung sasakyan na lagi kong hinihiram sa kaniya noon. Nakaramdam ako ng tuwa dahil makikita ko na siya at syempre nananabik rin akong makasama ulit siya at makapag-bonding naman kami this time.

Nang makababa ako ng sasakyan ay may bigla akong napagtanto. Kung nandito si Lovern, hindi imposibleng nandito rin si Hather.

Hinawakan ako ni Zerron sa kamay at marahan akong hinila papasok ng gate. Nang makarating kami sa mismong main door ng bahay ay kumatok ako.

"Sandali lang" Rinig kong wika ni Mama sa loob.

Nang tuluyang bumukas ang pinto ay bumungad nga sa paningin ko si Mama. Nakita ko pa kung paano manlaki ang mga mata niya at mabilis akong binigyan ng isang mahigpit na yakap. Niyakap ko rin ito ng mahigpit at napaiyak na ako.

Hiding The Billionaire's Son Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon