Third Person's Point of View
Kasalukuyang nasa Headquarters sina Ephraim at Midnight. Kapuwa tahimik at malalim ang iniisip. Tinatamad na kumilos at mabigat na napapabuntong hininga. Ala singko na ng hapon at kailangan nilang kumilos para maghanda sa birthday celebration ni Don Fugere pero wala silang gana.
Nilibot ni Ephraim ang tingin sa buong paligid. Masyadong mabigat ang atmosphere. Kahit siya ay nawawalan ng ganang kumilos pero wala siyang magagawa. Binilin sa kaniya ni Zerron ang mga gagawin pagkaalis nito sa airport.
Kahit pa man ayaw niya wala parin siyang magagawa dahil siya ay isang Del Fierro. Siya ang kailangang magsilbing leader kapag wala si Zerron. Napabuntong hininga siya.
Kahit siya ay walang kaalam-alam kung saan nagpunta si Zerron. Pagkatapos nitong ibilin sa kaniya si Zian na ihatid sa mga magulang ni Zaera, kinuha nito ang big bike niya at kaagad na umalis.
Napahawak siya sa kaniyang sintido. Hinihintay na lang nila ngayon si Fuego na kakaalis lang para pumunta sa Empire at tawagin ang lima sa mga magagaling pang tauhan nila.
Ilang sandali lang ay bumukas na rin ang pinto at pumasok si Fuego na humahangos habang hawak-hawak ang kaniyang cellphone kasunod rin nito ang dalawang babae at tatlong kalalakihan.
Napatayo sina Midnight at Ephraim ng mapansing hindi maipinta ang mukha ni Fuego. Kaagad na nagkatinginan ang dalawa.
"Fuego, may problema ba?" Tanong ni Ephraim sa nag-aalalang tinig.
"B-Bumagsak ang eroplanong sinasakyan ni Vigénere"
Napamaang ang labi ni Ephraim. Tila isang nakakabinging bagay ang narinig niya. Natulala ito at hindi na makapagsalita pa.
"Putangina!" Naiusal nalang ni Midnight at nahampas nito ang mesa dahil sa inis. Kaagad siyang tumayo at napahawak sa ulo niya saka matunog na napabuga ng hangin.
Natahimik si Fuego dahil pati siya ay gulat na gulat rin sa nalaman niyang balita kani-kanina lang.
Hindi man nila alam at napatunayang totoong kasabwat si Vigénere sa pagkuha kay Zaera, hindi pa rin nawawala ang pag-aalala nila rito dahil napalapit na rin sila rito kahit pa man madalas itong hindi nila nakakasama.
Samantala si Ephraim ay tuluyan na ngang natulala na lang. Bagsak ang balikat nito at pakiramdam niya ay pinagsakluban siya ng langit at lupa. Bigla itong napasigaw ng malakas dahil sa galit at sinuntok nito ang mesa dahilan para magulat sina Fuego at Midnight.
Napatayo ito at napahawak sa sintido niya. Kumukulo ang dugo nito at gusto niyang sumabog na parang bulkan. Kahit pa man may pagkaloko-loko siya at palabiro, hindi naman niya ginagawang biro ang pagkagusto kay Vigénere. Gusto niya talaga ito at hindi niya matanggap ang nangyari.
Ayaw niyang isiping wala na ito dahil kilala niya si Vigénere. Vigénere is a skilled assassin. Marami na itong napagtagumpayang mga mission pero kahit ganun, hindi niya maiwasang isipin na wala na talaga ito dahil hindi inaasahan ang pangyayari..
"Putangina ka, Eros!" Sigaw nito.
Kaagad naman siyang dinaluhan nina Midnight at Fuego. Hinawakan siya sa magkabilang balikat ng mga ito.
"Pre, relax lang. Baka naman nakaligtas si Vigénere" Pagpapagaan ng loob ni Fuego rito pero hindi siya nito pinansin.
Unti-unting napaupo si Epraim at saka napadukdok na lang sa mesa. Nagkatinginan na lang sina Fuego at Midnight.
__
____
Vigénere lost her consciousness after she was thrown by the strong force. After a minute, she wake up. Luckily she survived the plane crash with a broken arm and mild bruises. She hold onto the rummaged seat behind her and hold her forehead. Ipiniling niya ang ulo ng makaramdam ng hilo. Napahawak siya sa kanang braso ng makaramdam ng kirot.
BINABASA MO ANG
Hiding The Billionaire's Son
RandomZaera Everest Valgomera once believed she had a happy life with her partner, unaware that she was the only one who felt that way. Unbeknownst to her, the man she loved had ulterior motives. He had other plans, intending to take her child after birth...
