Third Person's Point of View
May dalawang lalaking humarang kina Zaera sanhi upang mapatigil sila sa paglalakad. Nagkatinginan ang dalawang lalaki.
"Saan mo dadalhin si Miss Zaera?" Tanong ng isa sa kanila. Nang marinig ito ni Zaera ay napag-alaman niyang tauhan ito ni Zerron.
Nakahinga siya ng maluwag dahil dito ngunit kaagad itong napalitan ng takot ng walang pasabing binaril ito ng lalaking kasama niya. Napasigaw siya at napatakip sa tainga niya habang nanlalaki ang mga mata. Tila tinakasan siya ng dugo sa nasaksihan.
Nakuha nito ang atensiyon ng iilang pasahero at nagsimulang mag-panic ang lahat. Nagkagulo sila at may mga security personnel na tumatakbo papunta sa puwesto nila. Hindi pa man nakaka-recover si Zaera ay puwersahan siyang binuhat ng lalaki na tila isang sakong bigas at mabilis na tinahak ang daan papunta sa runway.
Nagsisigaw siya at nagpupumiglas pero wala siyang magawa. Napatingin siya sa ilang security personnel na bigla na lang na natumba. Hindi niya alam na dahil pala ito sa isang lalaking nakakubli sa isa sa mga nagtataasang building na naroroon.
Katulad ni Midnight, may sniper rin ito.
Ilang sandali ay ibinaba niya si Zaera. Aalma sana si Zaera nang sumalubong sa kaniya ang dulo ng baril na hawak ng lalaki dahilan para mapipilan siya.
Hinawakan siya nito sa braso ng mahigpit at kinaladkad. Halos matatapilok na siya dahil sa bilis ng paghila sa kaniya at idagdag pa ang panginginig ng tuhod niya dahil sa nerbyos.
"Bilis!" Napakislot siya dahil sa sigaw nito.
Tinatangay ng hangin ang buhok nito at sa lakas rin ng ihip ay hindi niya masyadong marinig ang nangyayari sa paligid. Basta ang tanging alam niya lang nagkakagulo ang mga tao, nagkalat ang security personnel sa paligid at nasaksihan niya ang pagkamatay ng dalawang lalaki mismo sa harapan niya.
Parang mahihimatay siya dahil sa takot.
Habang tumatagal ay nakakaramdam na siya ng pag-aalala para kina Zerron at Zian. Hindi na siya makakaalis pa ng bansa dahil bukod sa hindi na niya natatandaan kung saan napunta ang luggage niya, umalis na ang eroplanong dapat niyang sakyan.
Hindi niya mapigilang mapaiyak. Alam na niya kung ano ang ibig sabihin ng nangyayaring ito pero pinipilit niya paring pinapaniwala ang sariling mali ang iniisip niya.
"S-Saan....." Napalunok siya ng mapiyok siya. "Saan ba tayo pupunta?" Tanong niya rito pero hindi siya sinagot ng kasama niya. Tila kumakausap lang siya sa hangin sa mga oras na ito.
"B-Bumalik na tayo kay Zerron, please" Pakiusap nito sa mahinang tinig at pilit nagpupumiglas pero masyadong malakas ito kumpara sa kaniya.
Hindi niya alam kung saan sila pupunta ngayon. Tuloy lang sa pag-agos ang luha niya.
"Zae!" Isang tinig ang narinig niyang tumatawag sa kaniya kaya napalingon siya habang tuloy-tuloy lang siyang hila-hila. Napalingon rin ang lalaking kasama niya.
Napatigil sina Rozette at Damian ng makita kung sino ang kasama ni Zaera. Nangunot ang noo ng mga ito.
"Anong ibig sabihin nito? Saan mo siya dadalhin?" Mariing tanong ni Rozette sa nagtatakang tono.
Si Damian ay nananatiling nakatitig lang at pilit pinoproseso ng utak ang nangyayari. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin kahit may kutob na siya sa nangyayari.
"Saan mo dadalhin si Miss Zaera?" Tanong ni Damian rito.
Tumigil sila sa paglalakad at hinarap sina Damian at Rozette.
BINABASA MO ANG
Hiding The Billionaire's Son
RandomZaera Everest Valgomera once believed she had a happy life with her partner, unaware that she was the only one who felt that way. Unbeknownst to her, the man she loved had ulterior motives. He had other plans, intending to take her child after birth...
