SPECIAL CHAPTER II

279 6 0
                                        

"My, nakita mo ba ang mga pares ng sapatos ko dito?"

Inayos ko ang glasses ko bago balingan si Zerron na problemadong nakaharap sa closet niya. Itinigil ko muna panandalian ang pagtipa sa laptop ko. Dumapo ang paningin ko sa mga sapatos niya na walang kapares.

"Hindi eh. Baka naman nakalimutan mo lang ilagay diyan yung kapares" Natatawang bigkas ko.

Bumuntonghininga siya saka napakamot sa kaniyang batok.

"That's impossible"

Nakarinig naman ako ng mga yabag paakyat dito sa second floor.

"Kuyaa, give it back to us!"

"No, I'm going to tell Dad about this"

"Nooooo!"

Inalis ko ang glasses ko saka napatingin sa pintuan ng bumukas ito. Napabaling rin doon si Zerron. Pumasok sa loob si Zian bitbit ang isang......sapatos?

Kasunod niya namang pumasok ang kambal, hindi maipinta ang mga mukha nito at mukhang maiiyak pa si Zai.

"Is that my shoe?" tanong ni Zerron kay Zian habang palapit rito.

Mukhang iyan nga ang sapatos ni Zerron. Bakit naman 'yan napunta kay Zian?

"I saw it with them, Dad" Tinuro ni Zian ang dalawa na nakayuko. Bumaling sa kanila si Zerron kaya naman tumakbo ang dalawa patungo sa direksiyon ko. Napatayo naman ako.

Kaagad silang yumakap sa akin at umiyak.

"Hey, what's wrong?" nagtatakang tanong ko.

"M-Mama, si Kuya nang-aaway!" sumbong sa akin ni Zai at tinuro si Zian.

"Of course not, Mama. They took dad's shoe and buried it in the backyard" Mahinahong saad naman ni Zian.

Napatingin ako sa dalawa na nakayakap sa bewang ko at umiiyak. Hinawakan ko naman sila sa likod bago ako nag-squat.

"Why did you guys do that?" mahinahong tanong ko. Hindi pa rin sila sumasagot. "Bakit niyo ibinaon sa lupa yung sapatos ng daddy niyo?"

Napatingin ako kay Zerron na nakapamewang at nakatingin sa amin. Hindi maipinta ang mukha nito.

"M-Mama..." wika ni Zeal saka pinunasan ang pisngi. "Daddy always leave us. Lagi na lang siya sa work" may halong pagtatampong sagot nito.

Bumaling ako kay Zerron at napansin ko ang paglambot ng ekspresiyon ng mukha niya.

"Kaya ba ninyo ginawa 'yon?"

They both nodded.

"He doesn't have time for us, Mama" nakangusong saad naman ni Zai. Bumuntonghininga naman ako saka niyakap silang dalawa.

"Kailangan ni Daddy mag-work eh. Diba, nakakasama naman natin siya every sunday?" malumanay kong tanong. Nakita ko naman ang paglapit sa amin nina Zian at Zerron.

"But we want to spend time with him more" may kahinaang sabi naman ni Zeal.

"Both of you come here" seryosong saad naman ni Zerron saka ito nag-squat. Kumalas sa akin ang dalawa at bumaling sa daddy nila.

Mas lalong sumiksik sa akin ang dalawa. Alam kasi nila na papagalitan sila ni Zerron.

"Pumunta na kayo dito kay Daddy" wika naman ni Zian.

Hinaplos ko naman ang mga buhok ng kambal saka hinawakan ang magkabila nilang kamay.

"Come on. Let's say sorry to Daddy" utos ko. Nag-alangan pa silang dalawa.

Hiding The Billionaire's Son Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon