Chapter 32

2K 34 1
                                        

Zaera's Point of View

Waiting hurts. Forgetting hurts. But not knowing what decision to take can sometimes be the most painful.

Before, hindi naman mahirap para sa akin ang mamili sa kanilang dalawa. I would always go for Hather but today, nahihirapan ako dahil siguro sa guilt at konsensiya.

I heave a deep sigh. Nakokonsensiya talaga ako at nagui-guilty sa ginawa ko sa kaniya. Pinagbintangan ko pa siya na nakipagkita kay Heiress.

Pero....nakapagsabi na ako kay Hather na pupuntahan ko siya ngayon. Ayoko namang paasahin ito.

Tumayo naman ako buhat-buhat si Zian saka nilapitan si Ephraim. He looked at me.

"Puwde bang dito muna sa 'yo si Zian? Pupuntahan ko lang si Hather"

"Hindi mo ba muna hihintayin yung sasabihin ng doctor na gumagamot kay insan?"

Umiling naman ako. "Babalik ako dito mamaya. Sa ngayon, hinihintay kasi ako ni Hather"

Bumuntonghininga naman siya. "But Zerron needs you"

I swallowed the lump in my throat. "I'll be back"

Tumango naman siya. "Sige, dito muna si Zian sa akin"

Ngumiti ako ng tipid sa sinabi niya. "Salamat. Call me if anything happens"

He bodded.

Mamaya ko nalang kakausapin si Zerron kapag nagising na siya. I want to talk to him, iyong seryosong usapan and I also want to know everything para may alam naman ako sa mga nangyayari sa kaniya. Ayokong maging clueless sa mga bagay na ginagawa niya.

Nagmadali na akong umalis roon at tinungo ang kuwarto kung saan sila Hather. Tumigil ako sa harap ng elevator at hinintay itong bumukas.

Nang bumukas wng elevator ay nakita ko na may dalawang tao sa loob. Isang lalaki na naka-cap at leather jacket at isang nurse. Kaagad na akong pumasok sa loob at pinindot ang 3rd floor.

Habang nasa loob ay nakatingin ako sa wall ng elevator at nakikita ko silang dalawa na nakatayo sa likuran ko. Napahawak ako sa bag ko ng makita kong titig na titig sa akin ang lalaking naka-cap. Masakit ito kung makatitig.

Nang bumukas ang elevator ay mabilis akong lumabas. Napahugot ako ng malalim na hininga nang mapansin kong pigil na pigil ko pala ang paghinga ko. Kaagad akong naglakad patungo sa room ni Lovern. Pasimple pa akong napalingon dahil hindi talaga maganda ang pakiramdam ko. Parang may mga matang nakamasid sa akin.

Nang makarating ako sa room ay nakita ko si Hather na hindi mapakali at tila malalim ang iniisip. Kumatok ako kaya kaagad itong napatingin sa direksiyon ko. Binuksan ko ang pinto at kaagad ng pumasok sa loob. Mabilis akong lumapit sa kaniya at dumapo kaagad ang paningin ko kay Lovern.

Wala akong nagawa kung hindi ang mapatakip sa bibig ko dahil sa itsura nito. May pasa ang pisngi nito at may galos, may mga pasa at galos rin ang mga braso niya, may bandage ang kanyang ulo  at may cast ang kaliwang paa. Napaiyak ako dahil sa kalagayan nito.

Hindi ito mangyayari sa kaniya kung hindi dahil sa amin. Nilapitan naman ako ni Hather at hinaplos ang likuran ko. "Kamusta na siya, Hather? Anong sabi ng doctor?"

Inalalayan ako nitong maupo sa sofa. "Ayon sa mga doctor ay stable naman siya pero hindi nila alam kung kailan siya magigising. Bukod kasi sa pagkabali ng kaniyang binti napuruhan rin ang kaniyang ulo. She's still under observation. Sabi naman ng doctor kung magising siya ay matatagalan siyang makakalakad muli" Paliwanag nito dahilan para makaramdam ako ng lungkot at panlulumo.

Hiding The Billionaire's Son Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon