Kaagad kong tiningnan si Zian. Mabilis akong umiling at ngumiti pero pasimple kong binigyan ng masamang tingin si Zerron na hanggang ngayon ay nakangisi pa rin at pumapapak ng cookie.
"No, nak. We're not fighting"
Naniwala naman kaagad ito kaya nakahinga ako ng maluwag. Kung pwede lang itapon ko 'tong si Zeron palabas ng bahay ginawa ko na. Nakakainis! Walang ibang dulot sa 'kin kundi init ng ulo.
"Daddy, tell her the good news!"
Nakuha naman ni Zian ang atensiyon ko. Kaagad akong napabaling kay Zerron. I gave him a questioning look. Anong good news?
"Tapos nang gawin ang bahay. Puwede na kayong umuwi doon ni Zian"
Hindi yata maproseso ng utak ko ang sinabi niya. Napamaang ang labi ko. Akala ko ay hindi na niya ito ipagpipilitan pa? Umiling ako sa sinabi niya. Seryoso itong nakatigin sa akin.
"But you promise to Zian, Eve. Zian told me that" Giit niya kaya't napipilan ako sa sinabi niya. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Zian sa kamay ko kaya't napatingin ako sa kanya. Malaki ang ngiti sa labi nito.
Totoo kasing nangako ako kay Zian na kapag naayos na ang bahay 'kuno' na pinapagawa ni Zerron ay lilipat kami doon pero wala talaga akong balak na gawin 'yon. Is he using my son against me?
"You promise, Mama" Masuyong tanong sa akin ng anak ko. Matagal akong napatitig kay Zian. Pinilit kong ngumiti.
"O-Of course, nak"
Mas lumawak ang ngiti nito. Hinawakan ko naman ang pisngi niya. "But can I talk to Daddy first?" Tanong ko at tumango naman ito.
Mabilis akong tumayo at hinila si Zerron patsyo. Narinig ko pa ang pagdaing nito ng hawakan ko ang braso niya pero wala na akong pakialam doon. Hinila ko siya papunta sa kusina. Nang makarating kami ay mabilis kong binitawan ang braso niya.
Nakita ko ang nakasalubong nitong kilay. He even clenched his jaw as if he's enduring something. Pinaningkitan ko siya ng mata.
"Diba napag-usapan na natin ito, Zerron?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Napalunok ito at binitawan ang braso niya.
"Yes"
"Pero bakit pinagpipilitan mo parin ang gusto mong mangyari? Hindi mo pa nga naayos ang sa inyo ni Heiress, diba? I told you before to fix everything with your woman bago mo ipagdukdukan iyong gusto mo!" Pigil ang inis kong sabi sa kanya. Saglit ko munang sinilip si Zian baka sumunod ito sa amin. Mabuti nalang at nandoon parin siya sa sala at nanonood ng doraemon.
"Aayusin ko ang sa amin ni Heiress Zaera. Pero kailangan niyong tumira sa puder ko" Desisdisong saad niya. Inis kong ginulo ang buhok ko.
"Ano ka ba naman, Zerron! Hindi ka ba nakakaintindi? Ano nalang ang iispin ng anak mo kapag nakita niya si Heiress? Mag-isip ka nga!"
"He's not going to find out about her, Eve. Hindi niya makikita si Heiress"
Sarkastiko akong natawa. "Oh, talaga? Baka nga sinusundan ka na noon araw-araw kung saan ka pumupunta. Posible pang nalaman niya na nakikipagkita ka kay Zian, diba?"
"I know she's not" Pagtatanggol nito. Mas lalo tuloy akong nagalit.
"Magsabi ka nalang kasi na mas matimbang pa siya kaysa sa anak mo ng matapos na itong pag-uusap natin. Sapat na siguro na nakita mo si Zian at nakilala ka niya bilang ama niya. Tutal, aalis rin naman kami dito"
I lied. Wala pa akong planong bumalik sa Spain dahil kailangan ko pang kausapin si Mama at Papa pati na rin si Zian tungkol sa bagay na ito. Isa pa, dito nalang namin icecelebrate ang birthday niya. Tinalikuran ko ito. Babalikan ko nalang si Zian sa sala.
BINABASA MO ANG
Hiding The Billionaire's Son
RandomZaera Everest Valgomera once believed she had a happy life with her partner, unaware that she was the only one who felt that way. Unbeknownst to her, the man she loved had ulterior motives. He had other plans, intending to take her child after birth...
