Chapter 57

1.6K 32 0
                                        

Zaera's Point of View

Kasama ko si Zerron ngayon para puntahan si Doom sa ICU. After he saved me last night, he's under coma. Na-damage kasi ang kanang kidney niya tapos maraming dugo pa ang nawala sa kaniya rason para tumigil saglit ang pagtibok ng puso niya.

I didn't expect that he would sacrifice himself just to save me. Utang ko sa kaniya ang second life ko na 'to. Sana nga lang ay gumaling siya kaagad. Siguradong magiging proud sa kaniya ang kuya niya. Napatingin ako kay Zerron na tahimik lang na naglalakad kasama ko.

Nakasalubong ng kaunti ang kilay nito habang deretso ang tingin sa dinadaanan namin. Kumapit ako sa braso niya. Saglit siyang tumigil sa paglalakad pero kalaunan ay tinuloy niya rin.

"Anong pinag-usapan niyo nina Fuego at Midnight kanina?"

Matagal siyang hindi nakasagot sa tanong ko kaya ibinaling ko ang tingin sa kaniya. Ang mga tingin rin pala niya ay nasa akin. Umiwas siya ng tingin pagkaraan ng ilang segundo at napabuntong hininga siya.

"It's about Doom's punishment for what he did"

Napamaang naman ang labi ko sa sinabi niya. "Ibig sabihin paparusahan niyo talaga siya? What if he don't really mean it? Paano kung...."

"I know"

Naputol ang sasabihin ko dahil sa sinabi niya.
Napakunot ang noo ko.

"You know what?"

"I know that he didn't mean to be a traitor"

"Alam mo naman pala pero bakit mo nilihim sa kanila?"

"Kaya nga pupuntahan natin sila sa room ni Doom. I'll explain everything to them"

Napatango naman ako. "Mabuti naman kaysa naman magalit pa sila ng tuluyan kay Doom"

Nang malapit na kami sa room ni Doom ay nagtanong ulit ako sa kaniya. "Ano bang punishment ni Doom?"

"Guillotine" Tipid niyang sagot habang nakatitig sa akin dahilan para kilabutan ako. Napalunok ako para alisin ang bara sa lalamunan.

"S-Seryoso?" Puno ng kabang tanong ko. Nang tumango siya ay pakiramdam ko ay ako ang naunang putulan ng leeg.

Wala sa huwestiyong kinapa ko ang sarili kong leeg.

"Hindi mo ba puwedeng pigilan 'yon?"

Umiling siya. "It's part of the rule"

"H-Hindi ba puwedeng exempted nalang siya diyan dahil kaibigan niyo naman siya? Or bigyan niyo siya ng pardon?" Kinakabahan kong tanong sa kaniya.

Nanatili lang siyang nakatitig sa akin hanggang sa marahan siyang natawa. Kaagad na dumapo ang palad ko sa braso niya. Kabang-kaba na ako dito tapos siya tatawanan lang ako. Tsk.

Itinigil niya ang pagtawa bago tumikhim.

"If I did that, I'll break the rules that my great-grandparents built for history. Isa pa, kailangan kong sundin 'yon para magsilbi ring warning sa iba"

Napabuntong hininga ako. "I-If ever na hindi talaga mapigilan, p-puwedeng sa ibang paraan nalang? Huwag niyo ng i-separate 'yung ulo ni Doom sa katawan niya. T-That's inhumane and c-creepy" I said between my breaths.

Hinawakan niya ang ulo ko saka hinaplos ito. "Don't think too much about it. Let's pray that the committees will show him mercy" Saad niya.

Tumigil kami sa paglalakad ng marating na namin ang room ni Doom at binuksan na niya ng tuluyan ang pinto.

Hiding The Billionaire's Son Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon