Chapter 8
Pagkatapos ng pool party ay nagbihis na agad ako sa kuwarto ni Lance. Hindi ko na nakita si Lance mula nung nag walk out sya kanina.
I was about to get out of his room when Lance entered the room. I gave him a quick smile but he looks so serious and stone cold.
“Uuwi nako, Lancelot.” Paalam ko.
“Dito ka na matulog, I miss you. Hindi ka na nagssleep over dito.”
Nagulat ako sa sinabi niya. Yes we sleep together for how many times already. Pero mula nung magjowa siya, hindi ko na hinahayaang matulog ulit kami ng magkatabi. Kahit paman wala kaming ginagawa.
“Hindi na, hinahanap ako nina Mama.”
He sighed heavily and nodded. Pagkatapos ay hinila niya ako palabas. Mabuti nalang at nasa ikalawang palapag ang kuwarto niya kundi ay baka kung ano ang iisipin nang makakakita sa amin.
“Ihahatid na kita,” he seriously whispered.
“Wag na, tatawagan ko nalang si Manong Roger.”
“No, ihahatid kita.”
“Wag na nga! Kulit nito!” Reklamo ko.
Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin nang may nanlilisik na mga mata. I step backward when he closed the inching gap between us. Napasandal ako sa pader. He put his hand on the wall just beside my head. My breath hitched when I realized how close our faces was.
“Gusto mo bang si Ashton maghatid sayo?” He asked and groaned.
“A-ano? Hindi! Baliw kaba? Sabi ko si Manong Roger!”
“I said, ihahatid kita.” Saad niya sa matigas na boses.
Tumango nalang ako at itinulak siya palayo sa akin. Abot abot ang kaba ko dahil sa ginawa niya.
“I'm sorry,” he softly whispered meanwhile.
“Uwi na ako,” saad ko at naunang maglakad sa kaniya pero hinila niya ang kamay ko pabalik.
“Vanny, look, I'm sorry okay? Mainit lang ang ulo ko,”
Kinuha ko ang kamay ko at nameywang na humarap sa kaniya. “At dahil mainit ang ulo mo idadamay mo'ko, ganun?”
“Sorry na please,” he said and pouted his lips.
Natawa ako at tinakpan ang mukha niya, “oh sige na sige na! Tara na!”
Tumawa siya kaya nakahinga ako ng maluwang. Nagpaalam agad kami sa mga kaklase namin bago kami umalis ng bahay nila. Hindi ko na rin nakita si Elly. Baka nauna ng umuwi.
Habang bumabyahe pauwi ay nararamdaman kong medyo nahihilo na ako. I'm a bit tipsy damn.
“Vanny?” Tawag ni Lance sa tabi ko.
“Oh?”
“About your song,”
Pakiramdam ko ay bigla akong nahimasmasan sa binanggit niya. Natataranta akong napatingin sa kaniya.
“Does it tell something?” He asked.
I provoked a fake laughed. “N-no! Wala, wala! Iyon lang kasi una kong naisip na kantahin,”
“Bakit?”
I nervously looked at him, “anong bakit?”
“Bakit iyon ang naisip mong kantahin?” Muli ay tanong niya.
“Wag kana magtanong Lancelot! Wala yon, promise!
Mabuti nalang at natahimik na siya. Hanggang sa makarating ako sa bahay ay hindi na kami nagkausap ng maayos. Buong gabi ko tuloy inisip ang mga nangyari.
Lance and Elly is in a relationship. I should distance. I should. Siguro tama si Ashton, hindi dapat kay Lance umiikot ang mundo ko. Halos ilang taon na ring sinara ko ang puso ko sa iba at pinipilit ang sarili sa lalaking imposibleng maging akin.
Maybe it's time to set myself free. Panahon na siguro para buksan ko ang mga mata ko sa iba. Panahon na para turuan ko naman ang sarili kong magmahal ng iba. I deserve to be loved. I deserve to be happy.
“Here's your order miss,”
Natatawa kong binalingan ng tingin si Ashton na naglalagay ng pagkain sa table namin. He insisted to get my order so I let him.
“Kain na tayo,” pag-aaya ko sa kaniya.
“Wag, selfie muna tayo!”
I laughed more at his childishness.
“Na naman? Eh andami na nating pictures diyan sa cellphone mo!”
He chuckles, “gusto ko pa nga damihan.”
Napailing-iling nalang akong sinabayan ang trip niya bago kami nagsimulang kumain. Ashton is a nice guy, magmula nung naging kaibigan ko siya ay palagi niya akong pinapatawa.
He looks dark outside but honestly, he has a childish and soft side. Masaya naman siyang kasama. Isa rin siya sa dahilan kung bakit naiiwasan kung mag-isip kay Lance.
At iyong isang yun, hindi na ako pinapansin. Madalas iniiwasan niya ako o kung hindi man, hindi naman umiimik o tumitingin man lang sa akin.
But now, I'm enjoying Ashton's company.
“May game ulit mamaya, nood ka ha?”
“Oo na Ashton the great. Alam ko namang mananalo kayo.” I remarked.
He laughed, “at kapag nanalo kami, I'll treat you after the game.”
“Sige ba! Sabi mo yan ha?”
“Oo promise,”
At katulad ng pagtatantiya ko ay nanalo nga sila. Tumatawa akong lumapit sa kaniya. I throw the towel on his face and we both laughed.
“Ehem, nangangamoy libre!” I teased him.
“Oo nga, ako bahala sayo.” Ashton said and winked.
Hinampas ko ang braso niya kaya napaaray siya na tinawanan ko lang. Nadaanan ng mata ko si Lance na nasa likuran lang pala ni Ashton.
“Hi Lancelot, congrats!”
He stared at me for a few seconds and then he held Elly's hand.
“Let's go Elly,” sabi niya at hinila ang girlfriend niya papalayo sa court.
I felt a sting inside my heart. Hanggang ngayon hindi niya parin ako pinapansin at hindi ko alam kung anong ginawa kong kasalanan.
“You okay?” Ashton asked and held my shoulder.
I smiled bitterly and nodded. “Oo, tara na!”
God, I miss him. Bakit niya ba ako pinapahirapan ng ganito? Ako na nga tong gumagawa ng paraan para makalimot sa nararamdaman ko sa kanya pero bakit parang kinakalimutan niya na ako? Nasasaktan na naman ako.
Nagdaan ang mga araw at para akong walang ganang mabuhay. Hindi ako sanay na hindi niya ako sinasabay papuntang paaralan. Now I'm hurting and adjusting myself that I lost my best friend.
And it's hurting me the most when I saw him smiling and looks so happy with Elly. Ganoon ba talaga ang mga boybestfriend? Nang-iiwan kapag nakahanap na ng girlfriend?
“You look so sad na naman,” Ashton said in the middle of our lunch.
At sa hindi inaasahan, tumulo ang luha sa mga mata ko. Agad na lumapit sa akin si Ashton at yinakap ako. I hugged him back and cried more.
“Ang unfair niya Ashton, ang unfair unfair niya.”
BINABASA MO ANG
LOVE DOULOGY 1: Entangled Heartstrings
RomanceCOMPLETED We all dream of being loved back by the ones we adore. But fate often has a cruel way of making us fall for those we can never have. Havanna Claire Martinez is hopelessly, secretly, and passionately in love with her best friend, Lance Zand...
