Chapter 13
"Mama please, kapag dumating siya sabihin mo natutulog ako. Please Ma, do me a favor." Pagmamakaawa ko kay mama habang hinahawakan ang braso niya.
Mama looks at me confusedly, "why? Ano ba talaga ang nangyari kagabi?"
"Basta mama! Hindi pa ako handang harapin siya. Tulungan nyo po ako, ma."
"Oh sige sige! Diyos kong bata ka, magpahinga ka na jan."
I thanked my mother after that. I breath heavily after she leave my room. Napatulala ako sa kawalan pagkatapos ay paulit ulit na sinampal ang sarili.
"Bakit ka ba kasi uminom ng maraming gaga ka! Ayan tuloy, kung ano anong lumabas sa bibig mo!"
Paano na ito ngayon? I just confessed my feelings to him! Tang-ina, I ruined our friendship.
I've heard a new arrived car. Agad akong tumayo at sinilip mula sa bintana ko kung sino ang dumating. At hindi nga ako nagkamali, Lance get out from his car and slowly walked towards our gate. Mabilis akong sumampa sa aking kama at huminga ng malalim.
My eyes narrowed when I heard the creaking of my door knob. I sighed heavily and immediately closed my eyes to pretend that I am asleep. Rinig na rinig ko ang tunog ng bawat hakbang ng mga paa niya. I swear, I wasn't breathing.
His hands tenderly touched my hair. I remained unbothered even though I am troubling inside.
I heard him sighed heavily. "Sana lasing ka lang kagabi noh? Kasi hindi ko alam papaano tatanggapin ang mga sinabi mo." he paused and reached for my hands and gently caressed it.
"Yes Vanny, you're always been there for me, and I'm forever be grateful for that. Pero Vanny, magkaibigan tayo eh," he laughed but I heard a sounds of his sobs, "Vanny, I want you to be with me forever. At natatakot ako. Kasi Vanny, ang mga couples? Naghihiwalay yan kapag hindi na nila kayang dalhin ang isa't isa. Pero ang pagiging magkaibigan? It could last forever."
My heart bleeds painfully after hearing his thought. God knows how much I want to cry right now. God knows how much I want to hugged him and say that I didn't mean all of the things I have said last night. But doing this is easier said than done.
"Hindi ka mahirap mahalin, Vanny. Actually, I love you. Kaya mas gusto kong maging magkaibigan nalang tayo, para magkasama parin tayo hanggang dulo."
Afterwards, he chuckles. "Gising kana diyan, may kwento ako."
I badly want to open my eyes. Ngunit dahil siguro sa kahihiyang nararamdaman ay nanatili akong nakapikit.
"Alam mo kung bat kami naghiwalay ni Elly?" He paused, "kasi hindi ka raw niya gusto."
"Diba sabi mo kagabi piliin naman kita? Vanny, I will always choose you over anyone else. Kung hindi ka rin lang nila kayang tanggapin, hindi nalang ako maggigirlfriend. Kasi bakit sila ang pipiliin ko? Eh ikaw nga ang nariyan at sumama sakin kahit sa madilim na parte ng buhay ko."
Isang mainit na labi ang dumampi sa noo ko. Pagkatapos ay naramdaman kong hinaplos niya ang buhok ko bago ko narinig na dahang dahang narinig ang yapak niya na unti unting lumalabas sa kuwarto ko.
When I'm finally alone again, tears streamed like river. I've felt a different kind of pain and understanding within me. I felt like somehow he's right. Na kung anong meron sa amin, tatagal hanggang dulo ngunit kapag sinubukan naming sirain ang pagkakaibigan namin, maaaring mawala lahat ng meron sa amin.
Napatingala ako habang patuloy sa pagtulo ang luha ko. Kung hindi lang sana ako nahulog sa kanya, kung hindi ko lang sana siya minahal, hindi na sana kami mahihirapan ng ganito.
I spent my weekends doing household chores and when Sunday came, I went to church together with my family. I've been asking signs to my lord. Na kung walang mangyaring kakaiba sa amin ni Lance sa mga dadaan pang mga araw, I will help myself to move on from loving him. Ipapasa kamay ko nalang kay tadhana ang desisyong aking gagawin.
When it's Monday, we have our classes again. Hindi pa nga ako nakakarating ay nakita ko na agad si Ashton sa harapan ng gate at halatang may inaabangan. When I came out from our white SUV, he immediately gave me a peak of smile.
"Good morning, pretty Havannah," he greeted and suddenly he gave me one piece of rose.
Nahihiya ko iyong tinanggap at ngumiti ng tipid, "Thank you for this Ashton."
"Anything for you,"
Sabay kaming napalingon sa bagong dating na sasakyan at nang makilala kong kay Lance iyon ay agad kong pinulupot ang braso ko sa braso ni Ashton at hinatak siya papasok ng campus.
"Hindi pa rin ba kayo okay?" Ashton asked afterwards.
"I don't know,"
"About last time, I was expecting you to come back." He softly stated.
I eyed Ashton wearily, I held his hand and gently massaged it.
"I am really sorry about what happened Ashton, may hindi lang talagang magandang nangyari sa kanya,"
He nodded and held my hand, "I understand Havannah, and no matter how much it hurts, I will always choose to understand you. That's how I love you."
I nodded, "sorry talaga."
He smiled, "hindi naman nagbago ang isip mo diba? Can I still court you, right?"
Saglit akong natigil sa tanong niya. Ngunit dahan dahan ay tumango ako kaya nakita ko ang maaliwalas niyang ngiti.
For now, I don't know if my decision was right. Basta ang alam ko, ayaw kong saktan si Ashton. Masyado siyang mabait para saktan ko. Maybe what I heard from Lance is also a confession. Na baka parehas kaming natatakot lang umamin at sumugal dahil baka masira ang pagkakaibigan namin. Hindi rin naman ako sigurado kung mabibigyan kami ng pagkakataon ni Lance kaya maaaring maturuan ko pa ang sariling mahalin si Ashton.
Was I right? Tama ba tong pinapasok ko?
Todo iwas ako kay Lance sa mga nagdaang araw. Hindi ko kasi kayang harapin siya. Nahihiya pa rin ako sa nagawa ko.
"Havannah,"
Kasalukuyan akong nagbabasa sa library nang may biglang tumawag sa akin. I put down the book I was reading, only to see Elly standing in front of me.
"Bakit?" I asked curiously.
She sighed onerously, "Can we talk?"
BINABASA MO ANG
LOVE DOULOGY 1: Entangled Heartstrings
RomanceCOMPLETED We all dream of being loved back by the ones we adore. But fate often has a cruel way of making us fall for those we can never have. Havanna Claire Martinez is hopelessly, secretly, and passionately in love with her best friend, Lance Zand...
