Chapter 23
I didn't know how I did continue living without him. Marahil ay dahil sa sakit na tinanim niya sa puso ko ay natauhan ako. Before, I almost gave my soul to him, I almost worship his soul. To the point that I forgot to love myself.
Paulit ulit ko syang pinili, simula't sapol pa lang. Kahit nung mga panahong iba ang pinipili niya. Awang awa ako sa sariling katangahang nagawa ko. Ni hindi ko man lang inisip at piniling mahalin ang sarili ko.
Ngayon, kailangan kong bumawi sa sarili ko. Dahil sa labis na pagmamahal ko sa kanya ay hindi ko namalayang unti unti na pala akong nauubos.
“Sigurado ka naba sa desisyon mo?”
Tiningnan ko si Vennisse nang magtanong ito. I heaved a sigh and nodded. She nodded too but her eyes tells otherwise. I gave her a half smile.
“Ilang buwan na rin naman bago yong graduation, bakit hindi ka nalang dito magtapos?” Singit naman ni Jerome.
“I have decided already, sa US ko na ipagpapatuloy pag-aaral ko. Besides, nandoon naman si kuya.”
Vennise sighed onerously, “mag-iingat ka roon ha, mamimiss ka namin.”
“Yeah, don't you dare forget us! Malalagot ka talaga samin pagbalik mo!” Jerome seconded.
“Syempre! Hinding hindi ko kayo makakalimutan, iyong maganda at sexy'ng Vennisse at ang dugyot na si Jerome.”
“Hoy! Below the belt na yon ha! Impakta!”
I laughed and invited them for a group hug. Isang butil ng luha ang tumulo mula sa aking mga mata habang ninanamnam ang huling yakap naming tatlo bago ako pupunta ng States. I will surely miss them. Kahit naman hindi kami ganoon kaclose ay naging parte sila ng college life ko. Isa sila sa mga taong naging tunay sa akin. At mahalaga sila sa akin.
I just need to unwind. To restart my life. To make change and be a better person. This time, healing and loving myself are my top priority.
Hapon na nang lumabas ako ng campus. Inasikaso ko pa ang mga kakailanganin para sa pagtatransfer ko ng paaralan. Pinagmasdan ko ang campus sa huling pagkakataon bago ako tumalikod at nagsimulang humakbang papalayo.
Agad akong nagpahatid sa driver patungo sa isang malapit na Starbucks para sa huling taong kikitain ko para magpaalam. When I entered the place and scanned around. I immediately saw Ashton. I smiled and started walking to him.
“Hi Ashton,”
When Ashton saw me, he stood up and pulled the chair for me. I sat peacefully. A long deafening silence filled the air and when I looked at him, he looks weary. His eyes even watered.
“Totoo ba, Havannah? Na sa States kana mag-aaral?”
A half smile curved on my lips before I nodded my head.
“I need a break, Ashton. Kailangan kong makahinga at makalayo rito. This is my home but now, I didn't feel at home.”
He sighed. “I understand, it's just that, I will miss you.” He paused and held my hand. “My feelings for you may not be like how before but you're still so precious to me.”
Ipinatong ko ang isang kamay sa kanyang kamay at marahang hinaplos iyon. “Mahalaga ka rin sa akin Ashton, you became my best friend. And I'm forever grateful that I've met you.”
We spent hours talking and reminscing the past. Gumaan ang dibdib ko sa pag-uusap naming ito. Ashton is really a great man. Hindi ko man siya minahal kagaya ng kung paano nya ako minahal dati ngunit mahalaga sya sa akin. At hinding hindi ko makakalimutan na minsan ay nagkaroon ako ng kakaibang samahan kasama sya.
And for the last time, we felt each other's embrace.
“Aalagaan mo ang sarili mo roon ha? Make sure that if you'll comeback, you'll update me.” Saad nya at binigyan ako ng mainit at mahigpit na yakap.
“I'll see you soon, my friend.”
Tumalikod na ako nang makaramdam ako ng pagkahilo. Mabuti nalang at naroon pa si Ashton sa likuran ko nang pakiramdam ko ay matutumba ako.
“Hey, ayos ka lang?” Nag-aalalang tanong nya.
I nodded and smiled. Mabuti nalang at saglit lang iyon. Baka dala lang sa sobrang init ng panahon kanina. Saglit pa ako na pinaupo ni Ashton para makapagpahinga.
Umuwi na ako pagkatapos nun. Ngunit ganoon na lang ang pagkadismaya ko nang mahagip ng paningin ko ang lalaking nakatayo sa labas ng gate namin. Lumabas ako ng kotse at naglakad palapit sa kanya, habang si manong naman ay ginarahe ang kotse.
“What are you doing here?” Matigas kong tanong.
“Vanny, nabalitaan kong aalis kana,”
“Oh ano ngayon?”
He step closer to me so I stepped back and crossed my arms.
“V-vanny, do you really need to leave?” He asked in a soft and broken voice.
My chest tightened upon seeing him gets weak. My tears suddenly wanted to fall but I manage not to and remain stiff in front him.
“Aalis ako dahil nandoon ang pangarap ko. Iyon lang yon.”
“Wala naba sayo ang ilang taon nating pagkakaibigan?”
Dumaan ang sakit sa puso ko sa tanong nya. Pagkakaibigan? Kaya ko pa bang maging kaibigan nya pagkatapos ng lahat ng nangyari? And one thing, the moment I choose to be in a relationship with him, we already lose our friendship.
“Hindi ba dapat sa sarili mo yan tinatanong?” I laughed, “ikaw ang sumira sa kung anong meron tayo, Lance. I gave everything to you, lahat lahat, di'ba? Pero anong ginawa mo? Pinaniwala mo ako sa isang kasinungalingan Lance, kaya wag mokong sumbatan na parang ako pa ang may kasalanan kung bakit humantong tayo sa ganito.”
“V-vanny, I am s-so sorry,” he whispered and try to reach for my hand but I avoided.
“Hindi ba dapat maging masaya ka? Wala ng pipigil sayong mahalin si Elly. Panindigan mo ang pinili mo.”
“I love you-”
“Oh stop that lie, Lance. I accepted everything.” I paused and turned my back but before I could enter the gate, I confronted him once again
“And just so you know, loving you was my biggest mistake.”
Nang mapag-isa ako sa kuwarto ay bumuhos na parang ilog ang luha mula sa mga mata ko. Wari bumalik ulit lahat ng sakit. At nagagalit ako sa sarili dahil kahit anong pilit ko na kumbinsihin ang sarili ko na dapat ay galit ako sa kanya ay may parte parin sa akin ang gustong maramdaman ang yakap niya.
Lord, pwede po bang sarili ko nalang muna mahalin ko? Ang sakit sakit na kasi, ayaw ko ng makaramdam ng pagmamahal sa kanya.
BINABASA MO ANG
LOVE DOULOGY 1: Entangled Heartstrings
Lãng mạnCOMPLETED We all dream of being loved back by the ones we adore. But fate often has a cruel way of making us fall for those we can never have. Havanna Claire Martinez is hopelessly, secretly, and passionately in love with her best friend, Lance Zand...
