Chapter 33
Saturday came when Vennisse and Jerome called and told me they wanted to see me. At dahil namiss ko rin naman ang dalawa ay pinaunlakan ko na ang paanyaya nila.
We have decided to meet in the nearest Starbucks, I already told them I don't want to go far because Clark might need me. Hindi ko muna isinama si Clark, sa susunod na lang.
Dahil sa pagkikita namin ni Lance ay sobrang napuno ng napakaraming tanong ang puso ko. Kaya naman pumayag agad ako sa hiling ng dalawa dahil gusto ko rin silang tanungin.
I wore a silky pastel pink bodycon dress and paired it with a black heels. Hinayaang nakalugay ang mahabang buhok. I putted a soft and light make up only since it's just a friends date.
Nakarating ako sa napag-usapang lugar nang banda ala una, ang sabi ng dalawa ay papunta na sila. Okay, nasa Pilipinas nga pala ako.
After a few minutes, they arrived. They both look stunning and gorgeous. Kahit ang beki ay hindi nagpakabog, nakawig pa ang ate nyo. Agad ko silang sinalubong ng mahigpit na yakap.
“God, I miss you so much!” I trailed off.
Jerome started to scanned me from head to foot, “taray ha? Hindi halatang nanganak ka, sexy mo te!”
“Oo nga bes, you look so fine!” Vennisse seconded.
“Alam nyo ang OA nyo ha, ako pa rin naman to.”
We ordered a coffee and started catching up things. Todo tanong sila tungkol sa kung paano ko nakayang palakihin ng mag-isa ang anak ko habang nag-aaral pa ako. Ang totoo ay hindi naman ako mag-isang nagpalaki kay Clark, naroon ang pamilya kong nakaalalay.
“Anyways, bakit hindi mo sinama si baby?” Vennisse asked in the middle of our conversation.
“Sa susunod na lang. I have something important to know,” I answered.
“Ano yon?” tanong naman ng bakla.
I heaved a sigh, “Nagkita kami kahapon ni Tita Luissa...” I paused. “Galit siya sa akin, hindi ko alam kung bakit parang kasalanan ko pa? Hindi ba at ako ang naloko? Bakit sa akin siya galit?”
Nakita kong napalunok si Jerome at nagkatinginan silang dalawa ni Vennisse, dahil doon ay mas lalong nadagdagan ang kuryusidad ko. Did I miss something?
“W-why?” I curiously asked.
Vennisse sighed, “Hindi ka naman talaga niloko ni Lance, Havannah. Nagkausap kami noon. Elly lied... Nagsinungaling sya kay Lance na may sakit sya at may taning na ang buhay niya. Iyong ginawa ni Lance sayo sa Prom night, that's Elly's last wish.”
I got stiffened, I lost words and I don't even know how to react.
“Months after you left, Elly confessed to him that she's just lying. And.. si Lance, dinamdam niya ng husto ang ginawa mong pag-iwan sa kanya,”
Vennisse held my hand tightly, “I don't know if I'm the right position to say this to you bes. Pero dapat mong malaman to,”
“A-ang A-ano?” Naguguluhan kong tanong.
Vennisse closed his eyes tightly, “Lance stayed in the mental for a year, na depress sya at hindi niya natanggap na nakaya mo siyang iwanan,”
“A-ano..”
Tears roll down my cheeks as pain travelled on my system. Bumuhos na parang gripo ang luha ko dahil sa narinig. Walang lumabas sa bibig ko kahit isang salita. Luha ang nagsilbing daan para mailabas ko ang saloobin ko.
“Bes, totoong mahal ka ni Lance. He even lost himself because of pain.”
“L-lance...” Biglang banggit ko.
Agad akong yinakap ng dalawa.
“Alam nyo ba kung saan ko sya pwedeng makita ngayon?” I asked out of nowhere.
Tumango si Vennisse at kaagad na ibinigay sa akin ang address ng Condo ni Lance. Kaagad akong nagpaalam sa kanila at pumayag naman agad sila. My mind is in abnormal condition right now, as so as my heart. At isa lang ang gusto kong mangyari, ang malaman ang buong katotohanan.
Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang mga nalaman. Hindi ko halos maisip na iyon ang magiging epekto ng paghihiwalay namin ni Lance. I can't imagine him being managed by a psychiatrist. Did I caused a trauma on him?
Nagdadalawang isip man ay agad akong kumatok nang nasa labas na ako ng pintuan ng sinasabing condominium unit nila Vennisse. Nang walang sumagot ay muli akong kumatok.
Abot abot ang kaba ko nang gumalaw ang doorknob ng pintuan. I stepped backward one time and sighed heavily. My hands on my back are playing with my fingers due to nervousness.
The moment the door opened and our eyes meet, pakiramdam ko ay tumigil ang takbo ng oras. Maging siya ay halos hindi makapaniwalang narito ako sa labas ng condo nya.
“L-lance,” I startled.
“V-vanny? A-andito ka?” Hindi makapaniwalang tanong nya.
Nakaboxer lang sya at nakaputing v-neck t-shirt. Gayunpaman ay hindi ako nakaligtas ng bigla niya akong buhatin at yakapin ng mahigpit.
“Nagbalik ka? Nagbalik ka nga!” Tumatawang saad nya.
Muli, sumungaw ang luha sa aking mga mata nang maramdaman kung gaano sya kasaya nang makita ako. Guilt consumed me. Did he really love me genuinely?
“Kailan ka pa nakabalik? Kamusta ka?” Sunod sunod nyang tanong nang ibaba ako.
“Lance, nandito ako sa harap mo dahil gusto kong malaman ang totoo,” I said straightly.
His become teary eyed after that. Naramdaman ko kung paano sya biglang naging emosyonal. I held his hand and looked straight to his eyes.
“Lance, totoo bang natrauma ka nang dahil sa ginawa ko?”
“V-vanny..” Nagsimulang manginig ang mga labi nya at tumulo na rin ang mga luha sa mga mata niya.
Sa sobrang sikip ng dibdib ko ay yinakap ko sya ng mahigpit, “Tell me everything, I'll listen,”
“V-vanny, I was just so scared. A-and, nabigla lang ako. Nasanay kasi ako na lagi kitang kasama, sa lahat. Na laging kapag kailangan ko ng makakausap nandiyan ka. S-sa.. Sa sobrang sanay ko na kasama kita, nawala ako sa sarili ko nang.... umalis ka at i-iniwan mo ako.” umiiyak niyang saad.
Mas lalong bumuhos ang luha ko at yinakap siya ng mahigpit na mahigpit. Galit ako sa sarili dahil sa naging kalabasan ng akala ko tamang desisyon.
“Lance, one more question..” I paused and let go of the hug and held his hand, “Did you love me?”
Mula sa pagkakahawak ko sa mga kamay niya ay kinuha niya iyon at dinala ang mga palad sa magkabilang pisngi ko. He wiped away the tears on my cheeks using his thumb. Inilapit niya ang mukha niya sa akin at idinikit ang noo nya sa noo ko.
“I love you so much Vanny, until now, and until my last breath, it will always be you.... Ikaw hanggang dulo,”
BINABASA MO ANG
LOVE DOULOGY 1: Entangled Heartstrings
RomanceCOMPLETED We all dream of being loved back by the ones we adore. But fate often has a cruel way of making us fall for those we can never have. Havanna Claire Martinez is hopelessly, secretly, and passionately in love with her best friend, Lance Zand...
