Chapter 20
We got stunned when the spotlight stopped around us and everyone clapped. My eyes widened upon realizing what happened. Kami ang napiling prom queen and king. Napatingin ako kay Lance at nakitang naaaliw syang nakatingin sa'kin na gulat na gulat.
"It's a privilege to be a husband of this pretty lady in front me," he chuckles.
I smiled, "as so as me, I'm more than lucky to have you."
"Let's all give the stage for our prom king and queen!" Said by the host.
Lahat ng sumasayaw kanina ay unti unting pumagilid sa amin at kaming dalawa nalang ni Lance ang naiwan sa gitna. Another romantic song filled the whole area. Lance winked at me as he placed his hands back on my waist. Nahihiya kong pinalibot ang mga braso sa leeg nya.
"Bagay talaga tayo," he whispered while we're dancing.
I chuckled and gently pinched his neck. "Nakakahiya, nakatingin sila sa atin."
He smirked and pulled me closer, my heart beat fastened at his sudden move.
"Hindi ako nahihiya, ang ganda ganda ng asawa ko eh."
My face heated at that. Pakiramdam ko ay mas mapula pa sa kamatis ang pisngi ko ngayon. Ang galing galing din kasi magpakilig ng isang to.
Naghiyawan ang lahat nang pinatakan niya ng isang mainit at matamis na halik ang noo ko. Napangiti naman ako at yinakap sya ng mahigpit. I really love the feeling of embracing him.
Pagkatapos ng sayaw ay saglit kaming nagpaalam sa isat isa. Pinuntahan nya sina Bernard at ako naman ay lumapit kina Vennisse at Jerome na may makahulugang ngiti sa kanilang mga labi.
"Ano yon ha?" Vennisse asked maliciously.
I laughed, "mga chismosa,"
Tinawanan lang ako ng dalawa. I scanned the whole place.
"Ay iba din, miss mo na agad?" Jerome hissed.
I chuckles. "Hindi si Lance ang hinahanap ko. Si Ashton ba, napansin nyo?"
"Oo, nakita ko silang magkasama ni Elly kanina." Sagot naman ni Vennisse.
Saglit akong natigil at napaisip. Medyo madalas naring hindi kami nagkakausap ni Ashton, mula nung pinatigil ko sya sa panliligaw. I admit I somehow miss him. His vibes, him being funny just to make me laugh. I miss my friend. Kaso nga lang, ayaw ko rin namang maging malapit ng husto sa kanya, hindi lang dahil nagseselos si Lance kundi dahil ayaw ko syang umasa sa akin.
Patapos na ang party nang mapansin kong hindi ko narin mahagilap kung nasaan si Lance. Tumayo ako at nagpaalam sa mga kaibigan ko. I directly scanned the place to find him. When I notice that Lance isn't here, I decided to find him behind the court. Mag-isa kung tinahak ang hallway patungo sa likod.
Paliko na ako nang may naaninag akong dalawang tao sa di kalayuan. I stepped closer when I felt that they are familiar to me. I got stunned when I saw who they are. Natigil ako at nabitawan ang dalang purse. I felt a sudden sting inside my heart upon seeing Lance and Elly, kissing.
A tears escaped from my eyes. Nanatili akong nakatayo habang hinihintay na itulak ni Lance si Elly. I know this is just one of your way to ruin us Elly. Please Lance, itulak mo sya, sabihin mo sa akin na basta ka nalang nya hinalikan. Please Lance.
Ngunit ganoon nalang ang pagkadismaya ko nang hawakan ni Lance ang batok ni Elly at siniil pa ng malalim na halik ang dating nobya. Sumikip ng husto ang puso ko sa nasaksihan at nagsiunahang pumatak ang luha sa aking mga mata.
"L-lance," umiiyak na tawag ko.
Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Lance nang makita ako. Agad akong tumalikod at kinuha ang nahulog kong gamit bago tumakbo papalayo. Nadaanan ko sina Vennisse at nakita ko ang pag-aalala sa mga mata nila ngunit nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa makalabas ako ng gate.
Tumigil ako at nanghihinang napaupo at yinapos ang sariling mga tuhod. My tears continued flowing as I felt my body and heart aching too much.
"V-vanny,"
Nanghihina akong tumayo at hinarap si Lance at buong lakas syang sinampal. Durog na durog ang puso ko sa nakita.
"Putang-ina mo, Lance!"
"Let me explain," he said and tried to reached out for my hand.
Umiwas ako, "I was waiting for you to push her away L-lance," nanghihinang saad ko. "Pero hindi mo ginawa."
"W-wife,"
Umiling ako at hindi makapaniwala sa nangyayari. In just a snap, my life turned upside down. I thought everything is well. But, I'm wrong.
"Stop, wala kang dapat ipaliwanag dahil hindi ako bobo para hindi ko malamang mahal mo parin ang ex mo!"
I turned my back on him and started walking away while still crying. Ngunit hindi pa nga ako nakakalayo ay nakita ko ang sarili kong naglalakad pabalik. Lance is massaging the bridge of his nose and tears are falling on his cheeks.
Tumakbo ako palapit sa kanya at lumuluhang yinakap siya. Ang sakit ng puso ko pero mas nangingibabaw parin ang pagmamahal ko sa kanya.
"L-lance tell me, tell me that you don't love her. P-please, tell me." Nakikiusap kong saad.
But in my shock, he let go of my hug. Napatingin ako sa kanya, naghihintay ng paliwanag niya.
"I'm sorry Vanny,"
"A-anong ibig mong s-sabihin?"
Yumuko sya, "I still love her,"
Muling tumulo ang luha sa aking mga mata. Tumakbo ako papalayo sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. I felt a million knives being stabbed inside my heart. My knees weakened, my chest tightened and my whole system is breaking.
Lahat ng pinaniniwalaan ko ay walang katuturan. Lahat ng pinakita sa akin ni Lance ay pawang mga laro lamang. He broke his promises. He betrayed me. Fuck that!
Naniwala ako, nagtiwala ako. Pero bakit ganito ang igaganti niya sa akin? Minahal ko lang naman sya, bakit kailangang saktan niya ako?
Umuwi ako at nagkulong sa aking kwarto. At gusto kong magalit sa sarili dahil sa kabila ng sobrang sakit umaasa parin akong pupuntahan niya ako rito para bawiin ang lahat ng sinabi. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya ay pakiramdam ko isang suyo lang, isang sorry at isang sabi na ako ang mahal nya ay bibigay ulit ako. Damn, I even love him more than myself.
Kaya pala, everything happens between us are so good to be true. Hindi pala talaga totoo, lahat laro lang.
BINABASA MO ANG
LOVE DOULOGY 1: Entangled Heartstrings
RomanceCOMPLETED We all dream of being loved back by the ones we adore. But fate often has a cruel way of making us fall for those we can never have. Havanna Claire Martinez is hopelessly, secretly, and passionately in love with her best friend, Lance Zand...
