CHAPTER 31

131 4 0
                                        

Chapter 31

I never saw this coming, I never thought that I'd come back to Philippines because of this matter. At mas lalong hindi ko nakitang babalik ako dito. But here I am right now, standing at the airport with Clark, Kuya Harvey and Hannah.

Napagdesisyonan naming magkapatid na bumalik muna ng bansa para may makasama naman si Mama habang nasa hospital si Papa. My father has congenital heart disorder, and he needs to be operated as soon as possible. Gustuhin man naming sa States nalang si Papa ipaoperahan ay andito daw ang doktor na gusto nilang mag opera sa kanya. Kaya kami nalang ang pumunta dito.

“You okay?” Maya maya pa'y tanong sa akin ni Kuya.

I just gave him a haft smile as my answer, I am not sure if I am okay. Nalalanghap ko pa nga lang ang hangin ng Pinas ay kinakabahan na ako. Sa puntong ito na nakatungtong na ng Pilipinas ang mga paa ko ay napuno ng takot at pangamba ang puso ko. Hindi lang para sa akin, kundi maging kay Clark. I don't know if what would happen if ever he'll meet his dad.

Pero pilit kong sinasapawan ang ideyang iyon, na narito ako dahil kay Papa, dahil kailangan niya ang mga anak niya. Iyon dapat ang tinatatak ko sa isipan ko ngayon.

Agad kaming bumyahe patungo sa bahay namin. The window of the car is opened and Clark enjoyed the view so much. Malaki ang ngiti nito at tumatawa habang tinuturo ang mga tanawing nadadaanan namin.

“Mommy? Where are we? This place is amazing!”

I smiled and massaged his hair, “We are in the Philippines baby, Momma and Dadda's place,”

“Nakakamiss din pala talaga ang Pilipinas,” Kuya Harvey stated.

“Kung hindi pa nagkasakit si Papa hindi ka uuwi rito,” Hannah replied to him.

“Nope. Actually, I was planning to come here this year, I wanted to meet someone here,”

I glanced at Kuya maliciously but he just chuckles and get Clark from me and he make my son sat on his lap.

I diverted my attention on the road, my mind still full of so many thoughts. Ang tanging hiling ko lang sa ngayon ay sana huwag munang pagtagpuin ang mga landas namin.

Walang katao tao ang bahay nang makauwi kami, marahil ay nasa hospital si Mama. Ibinigay ko muna kay Nana Wella si Clark para makatulong sa paglalagay ng mga gamit namin sa loob ng bahay. Alam naman ni mama na uuwi kami ngayon kaya naitago niya ang susi sa paso na nasa gilid ng pintuan namin.

Pabalik na sana ako ng labas ng bahay para kunin ang iba pang gamit nang mahagip ng tingin ko ang upuan sa sofa namin. My heart tightened as I remember him again. Dyan siya kadalasang umuupo kapag hinihintay niya ako. Yong dating best friend ko.

I smiled bitterly and sighed, memories are starting to haunt me now. Mga ala-alang pwedeng balik-balikan, ngunit ang kasama mong gumawa nito hindi na, mananatili nalang ito sa nakaraan.

“Oy si ate, tulala... May naalala ka ate noh?” Biglang saad ni Hannah na nagpatigil sa akin.

I shook my head, “Ha? Wala ah!”

She smirked and laughed, “Sus, wag ako ate, halata namang di ka pa nakakamove-on.”

“Paano makakamove-on eh kamukhang kamukha ng anak,” segunda naman ni Kuya Harvey.

“Alam nyo kayo, ang isyu nyo!” Giit ko at mabilis na lumabas ng bahay.

Sa isip ko ay lihim kong kinakapa ang sariling damdamin. Naka move-on naba talaga ako? O nag move on nga ba talaga ako? O nakaligtaan ko na dahil sa pagiging ina ko?

I left away my thoughts and continued getting our things. Inayos ko na rin ang dati kong kuwarto dahil ito ang magiging kuwarto namin ni Clark habang si Hannah naman sa kuwarto nya at si Kuya sa isa pang bakanteng kuwarto na sinadyang ipagawa para sa kanya. At sa isa pang bakanteng kwarto para sa mga bisita ay si Nana Wella.

Nang mag alas dos ay pumunta si Kuya at Hannah ng hospital para palitan muna si Mama sa pagbabantay, naiwan kami ni Clark at Nana Wella. Saglit kong ibinilin sa kanya si Clark para makapagluto ng makakain ni mama kung sakaling umuwi na iyon.

Maya maya pa nga ay nakauwi na si Mama, malungkot ang mga mata kahit na nakangiti ito sa amin. Kahit nong kumakain siya ay paminsan minsang napatulala.

“Hindi na sana kayo umuwi, paano ang mga trabaho nyo roon?” Bungad nito sa akin.

I smiled and massaged her back gently, “Mama, nagfile kami ng leave for two weeks, babalik din kami pagkatapos nun... Saka isa pa, we are here for you, for our family,”

She smiled bitterly, I hold her hands and squezzed it tightly. “Papa will be okay, alright? Don't stress yourself too much, Mama. Get a rest, kaming bahala kay Papa.”

She chuckles at that, “oo nga pala at may dalawa kaming nurse,”

“Magiging tatlo pa yan balang-araw ma,”

Mabuti nalang at nakinig siya sa akin nang sabihin kong matulog muna sya. Her eyebags are big, she looks like she didn't had a sleep for a week.

Lumabas muna ako ng bahay pagkatapos nun para bumili ng groceries. Wearing a denim jeans and cropped top, with a cap and shades and flat sandal. I sighed heavily before I putted a soft kiss on my son's cheeks and bid my goodbye. Gusto sanang sumama ng bata ngunit mahigpit ko itong sinabihan na hindi muna siya pwedeng lumabas.

Agad akong nagtungo sa pinakamalapit na grocery store, marami na rin palang mga gusali ang nadagdag. Pakiramdam ko ay naging estranghera ako sa lugar na kinalakihan ko.

I hurriedly get my groceries, from can goods to noodles, chips, milk and diapers to any other important needs in the house. Todo yuko ako kahit na nakacap naman ako at nakashades.

Agad akong nagtungo sa counter ng cashier para bayaran ang mga binili. Matapos makapagbayad ay agad rin akong lumabas. At sa kasamaang palad pa ay sa pagmamadali ko ay may nakabunggo akong babae at nahulog pa ang dala nitong wallet.

I immediately crouched and get her wallet to give it back to her.

“I'm sorry po, nagmamadali kasi ako,” saad ko nang hindi siya tinatapunan ng tingin.

“It's okay,”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makilala ko ang isang pamilyar na boses. I immediately glanced at her and to my shock, it's really her

Sa sobrang pagkataranta ko ay agad akong naglakad palabas ng grocery store at linagpasan siya. Ngunit hindi pa nga ako nakakalayo ay muli akong natigilan.

“Sandali! Alam kong ikaw yan, Havannah,”

LOVE DOULOGY 1: Entangled Heartstrings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon