CHAPTER 25

134 3 2
                                        

Chapter 25

Staying here in US for good is I think the best decision to unwind. Unti unti ay pakiramdam ko nagiging buo yong durog na puso ko. My family never left my side that made me felt the love I deserve to feel. Hindi naging madali ang pagbubuntis ko at ang sabi ng doktor ay maselan ito ngunit hindi naman ako pinabayaan ng pamilya ko.

Hindi na namin itinuloy ang pagrerenta ng bahay nang malamang maselan ang pagbubuntis ko. We moved to Kuya's house. Hindi man ito ganoon kalaki ngunit masasabi kong mas komportable ako rito.

Kuya is such a workaholic man. He was so busy with nursing, kahit nasa bahay ay kung wala sa amin o sa aso ang atensyon niya ay nasa library at nagbabasa ng kung ano ano tungkol sa medisina.

That's why until now he don't have a girlfriend. He's too focused on his work and responsibilities. And it inspires me, I'm also taking medicine. Balang-araw ako naman ang susunod sa yapak niya.

Si Mama at Papa naman ay nagfile ng leave sa kanilang kanya kanyang trabaho. Kapag nakapanganak na ako ay babalik rin sila sa Pilipinas. They said they just need to accompany my pregnancy. And with my pregnancy condition, their presence means a lot.

Hannah in the other hand is adjusting with her new school. Mabuti at mabilis naman siyang nakakaintindi ng inglis kaya hindi naging mahirap sa kanya. There were just times na nakakaramdam siya ng pangungulila sa dating nakasanayan.

My phone vibrated. Huminga ako ng malalim bago sinagot ang facetime ng dalawang kaibigan.

"Omg, Havannah! We miss you na te!" Jerome on the other line shouted.

"How's US?" Vennisse asked.

Nasa sala ako ng bahay ni kuya habang nanonood ng Tv ng tumawag sila. Vennisse is still adorable as she is. Makulit pa rin si Jerome.

"Okay naman, kayo? I miss you both."

A line appears in between Vennisse eyebrows while looking at me carefully. Abot abot naman ang kaba sa dibdib ko nang makitang pinagmamasdan nilang mabuti ang hitsura ko.

"Mukhang tumaba ka yata ah," puna ni Vennisse.

"Ayon nga din sana yong gusto kong sabihin,"

I sighed onerously and decided to tell them the truth. That I'm pregnant. Gulat na gulat ang dalawa sa narinig at gusto na naman nilang sugurin si Lance. And when they became calm, a smile curved on their lips.

"Ninang agad kami ha!" Sigaw ng bakla sa matinis na boses.

I laughed, "ninang si Vennisse, ninong ka."

"Tama! Ninong Jerome at your service," segundang pang-aasar ni Vennisse.

"Aw. Kung hindi ka lang talaga buntis tatadyakan kita?"

I smirked, "as if. Sige nga, paano?"

"Virtual tadyak daw bes," Vennisse laughed.

Nasa kalagitnaan kami ng masayang kwentuhan ng dumaan ang nakasandong si kuya sa likuran ko at umupo sa upuan sa harap ko. He's busy scanning his phone that he never notice that I turned back the camera on him. Nakita ko kung paano nalaglag ang panga ng dalawa.

"May boylet ka pala diyan gaga ka?" Jerome hissed.

I laughed, "ang poging iyan ay kuya ko."

Napalingon si kuya sa akin at agad na tinakpan ang camera ko.

"Stop that, baka sumugod yan dito ng wala sa oras."

"Ay, mahangin. Turn off." Komento naman ni Vennisse na narinig ni kuya.

Kuya chuckles and get the phone from me. Tumabi naman ako sa kanya at nakita ko kung paano namula ang pisngi ni Vennisse at agad na pinatay ang tawag. Natatawa kong inagaw ang cellphone ko sa kanya at tiningnan ang group chat naming tatlo.

Vennisse bestgirl:

Tang-ina!

Jerome the malandi removed you from the group:

Havannah, di ka naman nagtell na may hot and pogi ka palang brother! Mine sis.

Havannah the broken:

Tumahimik ka Jerome loka loka.

Anyways, my brother is so available Vennisse.

Vennisse bestgirl:

No thanks, pogi nga, mayabang naman.

Jerome the malandi removed you from the group:

Choosy talaga. Kaya hanggang ngayon tigang.

Natatawa ako habang binabasa ang ingay ng dalawa. Just as that, my day become lighter.

Hindi ko masasabing okay na ako. That the wounds in my heart already healed or that I fully moved on. Sa kalagayan ko ngayon at sa sitwasyon ko ay nagpapakalakas ako. There were so many times that I remember him and what happened to us. Iniiyak ko na lang pero sinisiguro kong hindi sumusobra. Kaya kahit gusto ko magdamdam ay iniiwasan ko. I controlled my emotions due to my situation. Mas mahalaga parin sa akin ang buhay ng anak ko kaysa sa kalagayan ng puso ko.

"Are you okay?" My brother asked meanwhile.

Nasa veranda ako ng bahay niya at lumalanghap ng hangin. Tinabihan ako ni kuya sa pagkakaupo.

"Oo naman kuya,"

"You remember him, don't you?" He concluded.

I faked a smile and slowly nodded. "Posible pala iyon kuya no? Na kahit sa kabila ng sakit at sugat na itinatak niya sa puso mo, kapag naaalala mo ang mga masasayang ala-ala niyo, naroon pa rin ang pagmamahal mo sa taong iyon."

He sighed and nodded. "I've been broke before. Naranasan at naramdaman ko na rin ang nararamdaman mo ngayon."

Lumapit pa sya at yinakap ako. Tears roll down my cheeks upon feeling the warm embrace of my brother that I've been longing for the long time.

"Love is really painful. Ngunit aminado tayong isa ito sa pinakamagandang pakiramdam sa lahat. We just need to accept that people come and go. If it stays, then it's a blessing, if it left, then it's a lesson that we should also be grateful. Because pain and lessons made us more stronger."

"T-thank you kuya,"

He smiled. "Being broken doesn't mean you're alone. I'm always here for you my sister, as long as I'm still alive and breathing, you can always count on me. You are a strong woman and I know, you'll going to be the best mother in the universe."

Tama si kuya. Hindi lahat ng tao mananatili. Tanging ang pamilya lang ang hindi kayang mang-iwan. But no matter if he left, I should still be grateful because in small span of time, he made me felt special and loved. Kahit kasinungalingan lang iyon, napasaya niya pa rin ako. And I should be grateful not just for the lesson he embedded within me but also for giving me this fetus inside my womb. Maaaring sobra sobra ang sakit na idinulot niya sa akin ngunit hindi ko rin naman maaaring kalimutan ang ilang taon naming pagiging magkaibigan.

Thank you, Lance.







LOVE DOULOGY 1: Entangled Heartstrings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon