Chapter 2: Strange Guy

101 0 0
                                    

Eisha POV

"Aish, kainis!!" inis na sabi ko sa sarili ko habang tumitingin ng mga libro dito sa National Bookstore, bakit kasi kailangan ko pang umuwi ng Pilipinas e hindi din naman ako susunduin nila mommy and daddy, si kuya na nga lang susundo sakin hanggang ngayon naman wala pa rin.

Buti na lang at may malapit na mall dito sa Airport hindi ako mababagot kakahintay, habang tumitingin ako ng manga(anime po ito) na detective conan ay sumagi sa isip ko ang favorite kong doreamon, at swerte naman ako dahil mayroon dito ng iba't ibang Volume at OMG iisa na lang yung Vol. 29 kulang pa naman ako ng part na yun kaya dali-dali kong nilapitan at ng kukunin ko na may biglang kumuha doon kaya agad kong tinignan kung kanino napunta at sa isang lalaking nakatayo sa tabi ko at tinitignan yung libro.

"Excuse me! but that book is mine" pagataray ko sa lalaking kumuha ng libro.

"Bakit may pangalan mo ba itong libro?" sabi ng lalaki at tumingin na sa akin.

"wala"

"Nabili mo na ba ito?" sabay taas nya sa libro.

"hindi pa"

"hindi pa pala eh" sabi nya at saka tumalikod, na mukhang aalis na.

"Hey!, pero ako unang nakakita dyan sa libro" sabi ko sa kanya na nakapagpatigil sa kanyang umalis at tumingin ulit sa akin.

"Ikaw nga ang UNANG nakakita, pero ako naman ang UNANG nakakuha kaya SORRY ka na lang, better luck next time" sabi nya at saka tuluyan ng pumunta sa counter at umalis ,at ako, well eto walang nagawa kundi kumuha ng ibang Vol. na wala pa ko but nalagpasan ko na naman dahil nakuha ng bwisit na lalaking yun yungVol. 29.

_§_§_§_§_§_§_

"LALAINE, GISING NA!!" sigaw ni kuya Aldrich na tinanggal ang kumot ko na ngayon ay hinihila na ang paa ko.

"O My God, What are you doing here?" Inis na sabi ko sa kanya

"Obviously, Ginigising kita"

"WHAT??!! Do you know the word PRIVACY? Pwede namang kumatok man lang di ba?"

"Tss.. May Priva- Pivacy ka pang nalalaman, and for your information, kanina pa ko katok ng katok dito pero di ka sumasagot kaya pumasok na ko, late na nga ako mas lalo pa kong mala-late ng dahil sayo, kaya pwede ba BUMANGON ka na at baka 3rd period na ko makarating ng school dahil sa pagiging antukin mo"

"Arrgg.. WHATEVER!!!"

Nang makaalis na si kuya ay saka na ko nag- ayos. Kakainis na lalaki kasi yun di tuloy ako nakatulog agad sa SOBRANG pagka-disappoint , next time na makita ko sya lagot sya babawian ko sya.

*-*-*-*-*-*
At Rostenberg University

Andito ko ngayon sa gate ng RU at pinagmamasdan ang buong University.

"So andito na talaga ako, infairness maganda sya kaysa sa inaasahan ko" , bulong na sabi ko sa sarili ko ng walang ano- ano'y tumunog na ang malaking orasan na nakasabit sa harapan ng isang malaking building na tapat sa gate hudyat na oras na para lahat ng estudyante ay nasa loob na ng room.

Dali-dali akong tumakbo papunta sa College of Bussiness Administration Building dahil mala-late na ko sa klase ko at nakakahiya yun dahil ang isang transferee student late sa unang araw ng klase. Dahil sa sobrang pagmamadali, di ko namalayan ang maliit na bato na malapit sa sapatos ko kaya natalisod ako at na love at first sight ang tuhod ko sa semento.

Umupo ako para tignan yung tuhod ko at sa inaasahan ko may gasgas ang maputi at makinis kong tuhod,I was about to stand up, when suddenly a white handkerchief place in front of me. Agad kong kinuha iyon at pinahid sa sugat ko ,ng hindi ko namamalayan na hindi pa pala ako nagpapasalamat.

Forgivable MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon