Chapter 8: Trap

27 0 0
                                    


Leigh POV

"Ok class, don't forget the 25 plates that you need to pass on next Wednesday, it's one of requirements to pass my subject any question if none then class dismiss." sabi ni Sir Lambino at saka nagpaalam na.

"Hey bro, anong gagawin mo ngayon?" tanong ni Cedrick ng makaalis si sir lambino nasa likod ko kasi itong lumag na ito.

"Ou nga tara warm-up CAPTAIN kahit 2 hours lang" si charles at inemphasize pa talaga ang captain.

"Pasensya na guys, di ako makakasama sa training sa ibang araw na lang" sabi ko sa kanila at ti-nap ang balikat ni charles.

"Again, Bro?" tanong ni Mark

"Sorry pero gagawin ko na yung plates na pinapagawa ni sir".

"Bro, Next week pa ipapasa yan ah" tanong naman ni charles

"Ou nga kaso gagawin ko na para wala na kong isipin pa baka may ipagawa sa aking biglaan si Dad"

"Sabagay bro, hayaan na natin si Captain" sabi ni nicko "nga pala saan ka gagawa hapon na?"

"sa library na para mabilis, tahimik dyan kaysa sa bahay dinig na dinig ang tumitiling boses ni lindsay."

"Ah o pano una na kami sayo ha" natatawa tawang sabi ni nicko.

Pagkapaalam nila ay pumunta na ko sa Library, pumwesto ako sa mga single table lang wala naman kasi akong kasama at malapit sa may hagdanan para madaling makakababa, hapon na din kasi kaya iilan- ilan na lang ang estudyante at karamihan dito puro pang-gabi ang sched. ng klase.

Eisha POV

"Ok, class dismiss"

Pagkatapos magpaalam ni Ma'am Sacramento ay inayos ko na ang gamit ko ng lumapit si Charlene.

"Eish, uuwi ka na ba?"

"hindi pa naman charlene, bakit?" tanong ko sa kanya saka ngumiti

"Ah pwede bang magpasama?"

"Ahm charlene , pasensya na ah di kita masasamahan ngayon sa lakad mo sa totoo kasi pupunta kong library dahil maggagawa ako ng feasibility, pasensya na charlene"

"Ah ok lang, mahalaga naman yan saka next time na lang" sabi ni charlene " nga pala bakit sa library, ayaw mo bang maggawa sa inyo alas singko na rin naman?" pahabol na tanong nya

"hindi naman sa ayaw pero kasi mas tahimik kasi sa library"

"ah ganun ba o sige ingat na lang" sabi ni charlene at nagpaalam na, lalabas pa lang ako ng pinto ng sumulpot ulit sya bigla.

"O charlene ba't ka bumalik?"

"eisha muntik ko ng makalimutan, nag-announce nga pala ang school naka post sa bulletin na mawawalan ng kuryente mamayang 8pm, buti na lang di ka pa nakakababa ng building".

"Ah ganun ba, sige salamat charlene ah aagahan ko na lang ang pag-uwi"

"o sige pano sabay na tayong bumaba ng building?"

"o sige tara"

Pagkababa namin ng building ay nagpaalam na si charlene at ako naman ay pumunta na sa library, pumwesto ko sa single table malapit sa may hagdanan kokonti lang din ang estudyante kaya iwas bulungan, minsan kasi yung mga estudyanteng may mga kasamang kaklase madalas magbulungan kaya minsan nakakagawa ng ingay nakakadistract tuloy gumawa.

Sa kalagitnaan ng pagtatype ko ng feasibility ng biglang mag-brown-out.

" OH MY GOD!!!" gulat na sigaw ko saka ako mapatayo.

Forgivable MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon