Leighton POV
Nagpaalam ako sa ibang member ng pretty boyz para sumabay kumain kay eisha, nagreply kasi sya sa txt ko na nasa canteen sya at kasama nya ang kaibigan nyang si charlene.
Para na din mas may time pa kami para makilala ang isa't- isa.
Pagkapasok ko ng canteen, nakita ko silang nagyayakapan at mukhang nagiging emosyonal kaya lumapit na ko.
Napansin naman nila agad ang presenya ko kaya agad silang tumigil at nagpaalam na ang kaibigan nyang si charlene.
Inaya ko sya na kumain sa mall, para makapag gala naman kami, alam ko na din naman kasi na papauwiin ang mga estudyante dahil magkakaroon ng meeting about sa preparation sa graduation at sa darating na valentines ball.
Noong una ayaw sumama ni eisha pero nakakainis man pero pasalamat ko na din sa dalawang estudyante na nag-uusap dahil napapayag ko din sya.
Nang nasa mall na kami at habang papunta kami sa sweetbox kung saan kami kakain, hindi maiwasan mapatingin ni eisha sa mga damit na naka display sa ibat-ibang botique, di ko din naman sya masisisi dahil maganda taga yun at paniguradong kasya at maganda sa kanya yung mga yun kung suot nya.
Maya-maya pa habang naglalakad bigla syang napahinto, parang may tinitignan at naisipan nyang mag-isa ng kakainan, pumayag naman ako kaya pumunta na kami sa savory at umorder na ng pagkain.
Pagbalik ko parang may tinitignan sya kaya di ko na lang pinansin pero di ko maiwasan mag-isip kung sino ba talaga yung tinitignan nya dahil kanina pa sya pasulyap sulyap pagkatapos eh magtatago. Kaya nagtanong na ko.
sino ba yung sinisilip mo kanina pa?" tanong ko, na di ko namalayan na nakataas na pala ang isang kilay ko, binaba ko na ang kutsara't- tinidor at lumingon.
Iminustra naman nya na lumapit at ibinulong nya sa akin kung bakit?
"sila kuya kasi yung tinitignan ko" sabi nya sa dalawang kakalabas lang.
"kuya mo yun?" tanong ko
"yeah" sabi nya at sumubo ng chicken.
"so, kanina sila yung tinitignan mo?" sabi ko at pinagpatuloy na din ang pagkain. Tumango lang sya.
"bakit?, natatakot ka ba na makitang kasama mo ko?" sabi ko at tinitigan sya.
"nope, curious lang ako"
"para saan naman?"
Bago sya sumagot uminom muna sya ng drinks nya, " nakita mo yung babaeng kasama nya?"
"yeah, so ano naman?"
"curious ako sa mukha nya, cause sya ang nililigawan ni kuya at luckily hanggang ngayon di pa namin sya na memeet"
"malay mo, naghahanap pa si kuya mo ng time para mapakilala nya sa inyo" sabi ko at saka uminom.
"kelan naman yung time na yun?"
malay natin?, malay mo kapag sinagot na sya" sabi ko kaya di na sya kumibo at pinagpatuloy na lang ang pagkain.
"hay, buti naman akala ko kung sino na"
Pagkatapos, naisipan ni eisha pumunta ng timezone at saka napagkasunduan na susundin ng natalo ang tatlong utos ng nanalo.
Aaminin ko naging confident ako sa sarili ko, at pasalamat na din ako dahil basketball ang huling laro na naisipan namin. Actually magaling talaga si eisha, babae man sya pero magaling sya pagdating sa games.
Pagkatapos eh hindi namin namalayan parehas ang oras na gabi na pala. Kumain na kami atsaka hinatid si eisha sa kanila.
Habang nasa byahe, naiba ang expression ng mukha nya, at nag-aalala dahil siguro sa mga nagtxt at nagmiscall sa kanya, siguro yung mommy at daddy nya.
BINABASA MO ANG
Forgivable Mistake
ЧиклитMistakes are always FORGIVABLE if one has the courage to admit them. - Bruce Lee Lahat ng tao nagkakamali sa iba't ibang bagay, sa desisyon, at lalo na pagdating sa PAG IBIG. Pagkakamaling nakakapagpabago ng pinagsamahan, at ng pagtitiwala. Maling D...