Chapter 7: Arrange Marriage

31 0 0
                                    

Dear Readers,
Kung nagtataka po kayo kung bakit may ganitong chapter, eto po ang continuation ng araw na tumawag ang mommy ni charlene sa kanya kaya di sila nakagawa ng feasibility ni eisha, un lang po sana po e mag-enjoy kayo. :)

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Charlene POV

Pauwi na ko ng bahay ngayon, dahil tumawag sa akin si mommy at may papakilala daw sya, hay ano naman kaya itong naiisip ni mommy.

Kakapasok ko lang ng bahay ng sinalubong na ko ni Mommy.

"Charlene, buti andito ka na, kumain ka na ba?"

"Hindi pa po Mom, dumiretso na po kasi ako ng uwi pagkatawag nyo"

"ah ganun ba sige umakyat ka na at magbihis ka, magdidinner tayo with Mr. and Mrs. Clifton, magpaganda ka na din ah"

"Mom, kailangan talaga magpaganda, ok na ko sa mukha ko ,maganda naman ako di ba?"

"Ou nga maganda ka pero dapat yung mas maganda pa yung aangat ang lahi ng mga dejas" sabi ni Mom at ngumiti.

"Ok, ok kung yun ang gusto nyo" sabi ko at saka nagpaalam na papunta sa kwarto ko. Agad akong nagbihis ng blue simple dress at naglagay ng light make up pagkatapos ay bumaba na ko at agad naman akong sinalubong ni mommy at umalis na kami papunta sa restaurant namin.

"Sandra, kanina pa kayo?" tanong ni Mrs. Clifton at saka nakipagbeso, beso kay mommy at sa akin ng makita kami sa restaurant namin kung saan may usapan silang magkikita

" Naku, hindi Alice kakadating- dating lang din namin, William long time no see" sabi ni Mommy at nakipagkamay din kay tito at saka umupo na kami

"Long time, no see din Sandra, si Pareng Sebastian busy?" tanong ni tito william habang inaayos ang table napkin.

"Alam mo naman yun William, always busy, may bagong bukas kasi kami sa boracay at kailangan pang tutukan"

"sabagay, high school pa kami tutok na talaga sya sa mga gawain" sabi ni tito william na natatawa tawa "by the way, she's charlene?"

"o yes, my daughter charlene"

"Hello, Mrs. Alice and Mr. William Clifton, I'm Charlene Dejas, nice to meet you po" sabi ko at saka ngumiti

"nice to meet you din, charlene just call me tita Alice and call him tito william, ok, bye the way your so beautiful"

"thank you po, tita Alice"

"Your Welcome, nga pala Wyatt is on the way na" sabi ni tita Alice at tinignan si mommy ng who's wyatt look at mukhang namang na gets ni mommy ang gusto kong malaman.

"Ahm, Charlene where here for some important announcement, at si Mr. and Mrs. Clifton and their son Wyatt is involved in the announcement na pag-uusapan natin mamaya" sabi ni Mommy at si Mr. and Mrs. Clifton ay nakikinig lang kay Mommy.

Pagkatapos ni Mommy magsalita ay nagsalita na din si tita Alice.

"oh andito na pala si Wyatt" sabi ni tita Alice at may lumapit sa aming lalaki at tumabi kay tito William kaya tumayo naman kami ni mommy pati na rin ang mag.asawa

"Ow let me introduce to both of you Wyatt Clifton my son, Wyatt this is Mrs. Sandra Dejas and her daughter Charlene Dejas" pagpapakilala ni tito william at agad namang nakipag kamay si mommy kay wyatt kaya nakipagkamay na din ako.

"Nice to meet you, wyatt" sabi ni mommy

"nice to meet you din po tita" sabi nya kay mommy at saka tumingin sa akin "nice to meet you" bati nya.na nakatingin sa akin kaya binati ko na din.

"nice to meet you too"sabi ko saka ngumiti.

Pagkatapos noon ay umorder na kami ng pagkain, at ng makaptaos ay nagsalita na si tito William.

"My son Wyatt and Charlene please listen to me,Dideretsuhin ko na, Napagkasunduan ko at ni pareng Sebastian na ang aming mga anak at kayo yun, ay magpakasal pagkatapos ninyong mag college" sabi ni tito William

"WHAT?!" gulat na sabi ko kaya napatingin silang apat sa akin

"Charlene, baby alam kong nakakagulat yung nalaman mo pero pwede bang makinig ka muna" sabi ni mommy

"Pero mom---"

"Please" pakiusap ni mom kaya wala akong magawa kundi ang makinig.

"Alam ko nakakagulat yung balita dahil hindi nyo pa lubos na kilala at isa't-isa at bata pa kayo para magpakasal kaya napagkasunduan na after nyo mag college kayo magpapakasal saka alam naman namin na magiging masaya kayo sa piling ng isa't-isa dahil alam ko naman na mababait kayong mga bata" sabi ni tito william

"Pasensya na po pero po ayaw ko pong magpakasal, hindi naman po sa sinusuway ko yung kasunduan pero po may sari-sarili po kaming buhay ni Wyatt baka po dumating ang time na dumating po yung taong mamahalin namin, pasensya na po pero po kasi mahirap makasama habang buhay ang taong di mo naman po sure na magiging masaya ka".

"Iha, I understand you, actually naisip na namin yang apat kaya napagdesisyunan na mag getting to know each other kayo simula bukas hanggang sa ikasal kayo, two din siguro ang aabutin kung nasa kalagitnaan kayo at talagang wala saka ulit namin pag dedesisyunan yan ok?" pagpapaliwanag ni tito william

"Ok po, Ok dad" sabay na sabi namin ni wyatt.

After noon ay umuwi na kami ni Mommy at wala na kong nagawa kung hindi pumayag, wala naman akong magagawa dahil matagal na nilang napagkasunduan.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Please comment po, acceptable po kung Positive or negative para po malaman ko po kung nagustuhan nyo or may babaguhin pa po ako.. saka po votes na kayo yun lang po salamat.

Forgivable MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon