Chapter 13: Intramurals Day 1

15 0 0
                                    

Eisha Point Of View

Dalawang linggo simula ng manood kami ni errol ng practice nila leighton, dalawang linggo ng muli kong makita ang red phoenix na naglalaro, dahil ngayong araw ang pinakahihintay ng lahat, ang muling paglalaro ng captain ng red phoenix, yeah intramurals na.

Busy ang lahat ng year sa paghahanda sa kani-kanilang activities na ginawa, ang section namin ngayon ay kasalukuyang inaayos ang booth na paglalagyan ng mga souvenir/ merchandise na yung iba ay may mukha ng red phoenix.

Yeah, noong nanood ako ng practice nila naisipan ko na din magpapicture sa kanila isa-isa at pumayag naman sila dahil kapag namili sila ng souvenir tiyak na manonood sila, nilagay din namin ang booth namin sa tabi ng gate para agaw atensyon sa manonood.

"eisha,nakuha mo na ba yung mga balloons na ibebenta natin?" tanong ni camille yung president ng section.

"ou camille, pati yung mga I.D lace na may logo ng university saka yung printed shirt na may mukha ng mga varsity natin, nakuha ko na kanina kailangan na lang natin iayos yung mga paglalagyan"

"ah sige ok na pala, andyan na yung iba, sila na mag-aayos ang gawin na lang natin eh yung magiging tolda natin para pag uminit mamayang tanghali"

"ah sige" at kumuha kami ng kurtina na magsisilbing tolda.

Kung nagtataka kayo kung ano yung ginagawa ng iba kong classmate sila yung mag-aayos ng ititinda namin, pagkatapos eh kami na yung magtitinda habang nasa booth kami yung iba lilibot at mag-aalok ng mga lace, shirts, at kung ano anong souvenir, yung iba naman magbibigay ng flyers.

*&*&*&*&*&*&*&*&*&*&*&*&*&

"laces po, php. 100 po, yung shirt po depende sa size kapag po small 220, medium 250, large 280 kapag extra large naman po 300" sabi ko sa babaeng estudyante na namimili ngayon sa booth namin mukhang ibang school sya kasi iba ang uniform nya eh.

"ah ate sige bibili akong shirt small, yun kasi yung size ko"

"ahm, anong color yung gusto mo?"

"black te maganda kasi ang black saka malamig sa loob" sabi ng customer, at tinitignan ang mga keychain ,ou nga pala aircon nga pala ang gym dito.

"anong team ang gusto mo?" tanong ko sa babae, di lang kasi varsity ng rostenberg university ang tinda namin meron din pati yung mga rivals nila dahil may ibat- ibang estudyante na galing ibat-ibang school ang manonood.

"yung sa school namin, devil bat"

"eto po oh" sabi ko sa babae at inabot ang plastic. Kinuha naman nya eto.

"ate magkano sa keychain nyo?"

"ah php. 35"

"lahat ng klase?"

"ou"

"ah sige nga po etong ice cream saka cake keychain" sabi nya at ibinigay na sa akin, customer na kasi ang kukuha sa may stall.

"eto oh salamat" sabi ko at umalis na sya tumungo naman sya papunta sa may c.r ng gym siguro eh magbibihis.

maya't maya ang dating ng customer.

" balloons nga po" sabi ng isang customer habang ang isa nyang kasama ay nagttxt.

"ilan?"

"apat po"

"anong team?"

"devil bat po magkano po?"

"35 isa kaya 140 lahat" pagkasabi ko eh inabot na nila ang bayad at binigay ko na rin ang gray na balloon na may tatak ng pangalan na "devil bat" at may logo ng team.

"thank you po"

"pabili po, sabay ng limang babae"

"ano sa inyo?"

" balloons nga po te?"

"anong team?"

"black cat po, magkano po"

"35.00"

"anim nga po"

"eto o, 210.00 lahat"

"eto po salamat"

"pabili po ate eisha" sabi ng isang estudyante na sa tingin ko second year hrm, di ko na uusisain kung saan nya ko nakilala hayaan na.

"ano sa iyo?" sabi ko habang nakangiti

"isang medium gray shirt nga po saka anim na balloons ng red phoenix"

"ah 250 yung shirt yung balloons 30 isa kaya 180 plus 250 kaya 430.00 lahat"

"ah eto po" sabay bigay ng 500

"change of 70.00 thank you, enjoy watching" sabi ko sa kanya kumaway naman sya bilang sagot, kung nagtataka kayo bakit 30 pesos lang pag red phoenix syempre kasi dito rin ako nag-aaral hahaha pag red phoenix ang susuportahan may discount na 5 pesos.

"pabili po" sabi ng isang lalaki, Kasalukuyang inaayos ko itong mga shirt, kumukuha ako ng stocks kaya di ko nakikita kung sino namimili.

"ano yun?"

"pabili nga po ng oras nyo?"

Ha??? Ano daw?? oras?? O orasan??, pero wala kaming tindahang orasan??

Napahinto ako sa ginagawa ko at tinignan ko kung sino yung namimili baka mali lang sya ng binibili.

It's Leighton

Habang nakatayo at nakalagay ang kamay sa hawak na bola, nakabihis na sya pang laro.

"uy ikaw pala,akala ko kung sino"

"gulat ka ba?" sabi nya

"sobra, akala ko kung sino yung namimili ng orasan, wala kaming tindang orasan" sabi ko dito at natawa naman sya ng mahina.

hahaha

"bakit?" takang tanong ko sa kanya, mali ba ko.

"yes, i mean no, hahaha di ako namimili ng orasan, i want to buy your time not the clock, so, shall I?"

"time?, pero para saan?"

"para manood ng laban"

"sus!, di mo na kailangan bilhin ang oras ko, manonood kami ng laban nyo"

"talaga?"

"yes, kapag naubos na itong merchandise na binebenta namin" sabi ko sabay tingin sa paninda tas balik tingin sa kanya.

"tss.. Kapag naubos pa yan, e paano kung hindi naubos yan, di ka makakapanood"

"ha?, di ah sa katunayan madami ngang bumibili eh, saka promise manonood ako kaya bumalik ka na sa loob baka hinahanap ka na ng ka team mo"

"sus, dahilan" sinabi nya ng mahina tas ibinaling ang tingin

"hoy, hindi noh manonood talaga ako, kami pero kailangan muna maibenta lahat to"

"sus bahala ka na nga, papasok na ko mag-uumpisa na" sabi nya saka nag dire-diretso sa loob at hindi na hinintay ang sasabihin ko.

"hoy leighton, good luck" sigaw ko pero di na sya tumingin..

Hay yung lalaking yun di ko maintindihan.

Forgivable MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon