Chapter 5: Park

34 0 0
                                    

Eisha POV

Kasalukuyang nagklaklase si Sir Rustico, (kung naaalala nyo yung prof. na sumita sa akin nung first day) at obviously nakakawalang gana ang kanyang tinuturo dahil sa parang elementary ang tinuturuan nya dahil paulit ulit na ang kanyang sinasabi, siguro para lang di makalimutan ng estudyante pero haller nakakasawa, once is enough di ba, ng bigla syang may sinabi na nakapukaw sa attention ko.

" Class, we will have a feasibility study at idedefense nyo yan on final day, cause it serves as your final exam, a topic is about your future business kaya mag-isip na kayo ng mga business na comfortable kayo at magagawan nyo ng feasibility ng maayos,at dahil magdedefense kayo magkakaroon tayo ng panelists, you have a four months to do a feasibility at ang natitirang one month ay ang buwan ng pag checheck ko sa feasibility study nyo, so your free to do a feasibility and we will meet up after four months for the checkings kaya inaasahan ko na ang bawat isa sa inyo ay makakagawa at makakatapos ng feasibility study ok, so any question?" pagpapaliwanag ni Sir Rustico

"Sir, paano po yung may mga family business na ,pwede po bang iyon na lang ang gawan ng feasibility study?" tanong ni Rica, isa sa mga classmates ko

"nope, family business is the business of your parents, kaya hindi ko ia-allowed na gamitin nyo ang business ng mga parents nyo, feasibility study teach you how to plan, organize and manage a business, dito malalaman nyo kung anong mga strategies ang gagamitin nyo para maging maayos ang magiging takbo ng business nyo, maging profitable ang business at to increase a sales and profit for the next years of your business. Kayo na ang bahala kung ang business nyo ay mag-ii-start pa lang o nakapagsimula na".

"Sir, sino- sino po ba ang inaasahang magiging panelist ng defense natin?"

"well our panelists are the Dean of College of Business Administration, of course your Dean, Mr. Kevin Klein, The President and the owner of Rostenberg University, Mr. Lenard Rostenberg and his son".

"Woah" biglang sabi ng mga kaklase ko

"talagang woah kaya galingan nyo, no more question, and class dismiss" nagpaalam na ang prof. namin kaya nagtayuan na ang mga classmate ko agad kong inayos ang gamit ko at pinuntahan si charlene.

"charlene" tawag ko sa kanya habang nag aayos sya ng gamit nya.

"ui eisha, tara na" sabi nya pagkatapos nya maiayos at mailagay ang gamit nya sa bag.

Habang naglalakad kami sa corridor ay pinag.uusapan namin kung saan kami pupunta.

"eisha, want mo sa giant king? masarap ang burger nila dun"

"sige, tas dun na tayo mag-umpisa ng gagawin nating feasibility, may naisip ka na bang business mo?" tanong ko sa kanya

"actually, wala pa eh, ikaw ba?"

"wala pa nga rin eh, ang hirap kasi mag.isip"

Nag-uusap kami ni charlene ng biglang tumunog ang phone nya, kaya tinignan nya kung sino ang tumatawag.

"Si Mommy" sabi nya sa akin at saka sinagot ito.

"hi, mom, may gagawin po kami ni eisha, but mom, ok po, sige po bye" sabi ni charlene habang kausap ang mommy nya at saka binaba na ang phone.

"ahm, eisha pasensya ka na ah pero pinapauwi na kasi ako ni mom, sinabi ko na may gagawin tayo pero sabi ni mom saka na lang daw tayo mag hang.out dahil may ipapakilala sya sakin". sabi nya saka yumuko

"ano ka ba charlene ok lang yun, may four months pa naman tayong makakagawa, saka malay mo baka yung ipapakilala sayo ng Mom mo magustuhan mo". biro na sabi ko sa kanya para di na mag.alala

"aish, ewan ko ba kay Mommy kung ano- anong naiisip"

nagtawanan kami at napagdesisyunan ng magpaalam sa isat-isa, umuwi na si charlene samantalang pumunta muna ko sa taste tea para magpalamig, ngunit ng pagpunta ko dun eh wala ng upuan kaya napadpad ako sa park na malapit lang sa Rostenberg University.

Umupo ako sa damuhan at pinagmasdan ang mga batang masayang naglalaro sa duyan, slides at seasaw, habang pinagmamasdan ko sila may cute na cute na puppy na lumapit sa akin, hinawakan ko ito at bigla na lang humiga ang puppy at natulog.

Nakalipas ang tatlumpong minuto ng may batang lalaki na sumisigaw.

"Potchi, Potchi, Potchi" nang biglang papalapit ang boses " potchi andyan ka lang pala" sabi ng lalaki at agad na lumapit ang puppy na nasa tabi ko. Pagkakita sa puppy ay agad na nagpasalamat ang bata.

"Salamat po at hindi nyo kinuha si potchi" sabi nya habang hinihimas ang puppy na si potchi.

" hahaha, hindi, sayo yan eh" sabi ko at agad na ngumiti naman ang bata. "anong pangalan mo?"

"Errol po, kayo po anong pangalan nyo ate?"

"ako si ate Eisha"

ahm, ate eisha salamat po ah dahil hindi nyo sinaktan si potchi, nawala po kasi sya sa paningin ko habang naglalaro kami kanina, natutulog po kasi sya nung namili ako ng ice cream pagbalik ko po wala na sya" pagpapaliwanag ni Errol

"ok lang yun errol, baka hinanap ka lang ni potchi"

"baka nga po, ahm ate eisha mauuna na po kami baka po kasi hinahanap na po kami nila mama bukas na lang po ulit"pagpapaalam nya

" oo sige ingat ah, potchi wag mo ng iiwan ulit si errol ah" at saka na sila umalis pero ng nasa malayo na sila kumaway pa ulit si Errol.

At ngayon alam ko na ang gagawin kong Business, thanks to Errol and Potchi.

Forgivable MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon