Eisha POV
Beep! Beep!
From Leighton:
"sige wait mo ko, wag kang aalis mabilis lang ako""anong sabi? Tanong ni charlene habang nakapangalumbabang nakatingin sa akin.
"tss.. Charlene wag ka ngang mangalumbaba"
"ok, ok so ano na?" sabi nya at umayos ng upo.
"sige daw wait lang"
"ah ok pala so una na ko?" tanong nya atsaka tumayo na.
"charlene, wait" pigil ko sa kanya.
"bakit?"
"pwede bang ano... Uhm.. Mamaya ka na umalis?" sabi ko sa kanya at nag puppy eyes.
"hay... Eish, stop that.. Alam mong di ko matiis ang ganyang pagpapacute mo"
"hahahaha, so papayag ka na?"
"ano pa nga bang magagawa ko?, sabihin mo na lang dyan sa suitor mo dalian ang pagpunta dito, need kong ifinalize ang paper works ko" sabi nya pagkatapos eh nilapag ang bag sa lamesa.
"thanks charlene, bestfriend talaga kita" sabi ko at lumapit sa kanya at niyakap sya.
"iyon na nga eh, kaya di kita matiis kasi bestfriend kita" sabi nya at yumakap na din.
"ehe-ehem!!"
Gulat kami ng biglang may umubo kaya napabitaw kami ni charlene at pagkita namin si leighton nakatayo na at nakatingin sa amin.
"oh, andyan ka na pala" sabi ko at umupo na sa upuan ko sumunod naman sya at tumabi sa akin.
"kumain na kayo?" tanong nya.
"yup, so una na ko eisha, leighton enjoy eating" singit ni charlene at saka nagpaalam na.
"sige charlene, bye bye" sabi ko at nagwave pa ng kamay.
"sige ingat" sabi naman ni leighton at tumango.
Palabas na si charlene ng lumingon ulit si leighton kay charlene.
" hoy hahaha bakit?" tanong ko sa kanya kaya nabaling na ang tingin sa akin.
"ah wala sinisigurado ko lang kung wala na talaga, kumain ka na ba?"
"tss... Paulit -ulit lang??"
"ha?"
"hahahahaha, wala paulit-ulit kasi yang tanong mo hahahaha kumain ka na nga"
"tss.. Tara?"
"saan naman?"
"sa labas?"
"at aano naman tayo sa labas?"
"kakain" proud nyang sabi.
"tss... Andito na tayo sa canteen, naghahanap ka pa ng iba"
"drama mo"
"hindi ah, sinasabi ko lang yung totoo"
"tss.. Tara na, tumayo ka na kasi" aya nya sa akin habang nakatayo na sya.
"dito na lang ano ba yung meron sa labas na wala dito?"
"nakakasawa kasi yung pagkain dito"
"sus.. Eh sa inyo to nagsasawa ka?"
"yun na nga eh, dalian mo nagugutom na ko"
"girl, di ba si leighton yun? Ba't di nya kasama yung ibang pretty boyz?" sabi noong si girl 1 na papasok ng canteen.
BINABASA MO ANG
Forgivable Mistake
Literatura FemininaMistakes are always FORGIVABLE if one has the courage to admit them. - Bruce Lee Lahat ng tao nagkakamali sa iba't ibang bagay, sa desisyon, at lalo na pagdating sa PAG IBIG. Pagkakamaling nakakapagpabago ng pinagsamahan, at ng pagtitiwala. Maling D...