Eisha POV
Beep! Beep!
From Leighton:
"good morning beautiful :D"Nagising ako sa tunog ng cellphone ko, grabe kung wala lang beautiful na nakalagay ibabato ko to kaaga-aga eh.
Tumayo na ko at saka naisipang bumaba, wala na din kasing silbi kung babalik pa ako sa pagkakahiga, hindi naman na ako inaantok.
Pagkabukas ko ng pinto, sakto na pakatok pa lang si kuya.
"oh, gising ka na pala?, bumaba ka na mag-aalmusal na tayo" sabi ni kuya atsaka bumaba.
Tumango na lang ako at nagmomog muna saka tinext si leighton.
To Leighton:
"good morning din :)"Wala pang isang minuto nagtxt ulit sya.
From Leighton:
"nagbreakfast ka na?"To Leighton:
"pababa pa lang :)"Pagkareply ko eh bumaba na ko.
"good morning mommy, good morning daddy" bati ko sa kanila atsaka umupo na.
"good morning din sweetie" bati ni mommy at saka ibinigay ang fried rice at bacon.
"thanks mom"
"good morning din sweetie, anong oras ka papasok?" tanong ni daddy habang binabasa ang dyaryo.
"8:30 po dad, 9:00 po kasi ang class ko" sabi ko at inumpisahan ko ng kumain.
"ah, ikaw Aldrich anong oras ka papasok?" tanong ni dad kay kuya
"ganun din dad kagaya kay eisha kaso yung class ko 10:00 pa"
Napatigil si daddy sa pag-inom ng kape.
"e bakit maaga kang papasok?"
"magreresearch kami dad"
"e bakit hindi ka dito sa atin magresearch?"
"dad naman, kasama ko sila justin, requirements sa school yun"
"ah so, you need extra cash for the paper works?" tanong ni dad sa kanya
"Dad, me I need extra cash!" singit ko sa kanila
"sus, wala ka naman pagkakagastusan, manghihingi ka ng extra" apela ni kuya, kahit kelan talaga to.
"meron kaya, bakit alam mo ba ang kailangan ko?"
"Sshh.. Tama na ah, Aldrich wag mong patulan ang kapatid mo ah, malalaki na kayo..." saway ni daddy kay kuya "ano ba yung pagkakagastusan mo?"
"Dad, yung mga books ko, need ko na mamili sa National Book Store saka yung mga dresses"
"books!!.. Puro comics lang yun eh, puro kaartehan lang yung mga bibilhin mo eh"
"excuse me, pero hindi comics yun, it's manga, saka kaartehan ka dyan, fashion yun, kung yung nililigawan mo nga sinusunod mo ang gusto eh"
"fashion, fashion, hoy excuse me din ah hindi ako kagaya ng manliligaw mo na sinusunod yung trip ng nililigawan nya".
"huh!!, talaga lang ah"
"Oo talaga"
"STOP!!, sinabi ng magsitigil na eh, iringan pa ng iringan" seryosong sabi ni daddy.
"ou nga kayong dalawa para kayong aso't pusa nasa harap tayo ng pagkain, mahiya naman kayo" bawal ni mommy.
"eisha, I give you an extra cash to your allowance para sa mga books na gusto mong bilhin but I can't tolerate your dresses... Tama si kuya Aldrich mo may oras at panahon sa pagbili ng mga damit, wala naman okasyon atsaka madami ka pang damit hindi porket may kakayahan kami ng mommy mo magbigay ng pambili, bibili ka na kung kelan mo gusto pero
kung hindi mo matiis na hindi mamili gusto mo kumuha ka sa allowance mo". Sabi ni dad atsaka uminom ng kape at binasa ulit ang dyaryo.
BINABASA MO ANG
Forgivable Mistake
ChickLitMistakes are always FORGIVABLE if one has the courage to admit them. - Bruce Lee Lahat ng tao nagkakamali sa iba't ibang bagay, sa desisyon, at lalo na pagdating sa PAG IBIG. Pagkakamaling nakakapagpabago ng pinagsamahan, at ng pagtitiwala. Maling D...