Chapter 9:Gym

21 0 0
                                    

Eisha POV

"Carbonara and ice tea ang akin Eisha ano yung sa'yo?" tanong ni charlene andito kami ngayon sa canteen at kasalukuyang umoorder ng pagkain.

"Lasagna saka burger tapos ice tea yung drinks ko" sabi ko naman sa nagmamanage ng canteen pagkatapos ay umupo na kami sa mesa namin dahil ihahatid na lang yung food.

"Eish, may gagawin ka ba today?" tanong nya at sakto naman na dumating na ang food namin kaya kumain na kami.

"wala naman, why?" sabi ko at sumubo na ng lasagna.

"Ahm wala naman, I want to talk to you lang, alam mo na"

"about what?"

"hmm, Lovelife??" sabi nya at saka sumubo sya ng carbonara.

napatigil naman ako " Lovelife!! wait don't tell me..." sabi ko at nilagay ang kamay ko sa baba na hawak na tinidor.

Sasagot na sana sya ng mahagip ng paningin ko ang mga estudyanteng nagmamadaling nagpupuntahan sa gymnasium.

"Charlene, anong meron?" sabi ko habang nakatingin pa din sa mga estudyanteng nagpupuntahan sa gym.

"ha?" takang tanong nya kaya napatigil sya sa pagkain.

"anong meron?, bakit nagmamadaling magpuntahan ang mga estudyante sa gym?"

"o talaga?" tanong nya at saka sumilip na din sa labas

"ah baka may practice ang basketball team" sabi nya na nakatingin sa labas at saka tumingin sa akin.

"ah" basketball team it means andun din si leighton, talagang malakas ang appeal nya sa mga babae at bakla pero in fairness gwapo naman talaga sya, but wait sinabi kong gwapo sya aish..

"want mo bang manuod?" tanong nya na tapos ng kumain.

"ng?" tanong ko habang kinakain na ang burger.

"practice, para makita mo yung paglalaro ng basketball team natin"

"ah sure, tatapusin ko lang itong kinakain ko"

Pagkatapos kong kumain ay pumunta na kami sa gym, nasa labas pa lang dinig na dinig na ang tilian ng mga estudyanteng nanunuod, pumasok kami at pumwesto sa gitna sa pangatlong steps ng bleachers sa kanang bahagi ng gym at umpisang manuod.

Nicko POV

"Red Phoenix team, we will have a practice today, sorry sa mga panahong di ko kayo nasasamahan sa mga laban na dapat ay kasama ako, kaya ngayon ay babawi ako at sisiguraduhin ko na mananalo ang team natin sa darating na intramurals week, kung saan makakalaban natin ang black cat, yellow rooster at devil bat, gagawin ko ang lahat para sa laban na ito at inaasahan ko rin na gagawin nyo ang lahat ng makakaya nyo para manatiling no.1 ang Red Phoenix sa larangan ng larong basketball". sabi ni Leighton na halatang masaya.

"Kung wala na kayong tanong magprepare na kayo at magprapractice na tayo". sabi nya at pagkatapos ay kinuha na ang jersey nya sa locker, andito kasi kami sa lockers area kung saan player lang ng basketball ang nakakapasok.

Lumapit ako sa kanya na ngayon ay nagpapalit na ng damit.. oopps.. alam ko yang iniisip nyo walang malisya dito sa lockers area dahil walang babae dito.

"Captain" sabi ko at ti-nap ko ang balikat nya.

"o nicko bakit di ka pa nagpapalit, hindi ka ba magprapractice?" tanong nya at kasalukuyang sinusuot na ang sapatos nya.

"wag kang mag-alala magprapractice ako, bro batukan mo nga ako"

"ha?" takang tanong nya

"haha joke lang, nakakapanibago kasi"

Forgivable MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon