Eisha POV
*knock* *knock*
"eisha" tawag ni ate judith pagkapasok.
"bakit???" tamad na tamad na sagot ko
"bakit hindi ka pa handa? Alas singko na " sabi nya saka hinila ang kumot ko.
"5 minutes ate judith" saka ko tinalukbong ang unan sa mukha ko.
"anong 5 minutes ka dyan, maghanda ka na at malalate kayo ng kuya mo" sabi nya at ngayon eh inaalis naman ang unan sa mukha ko.
"ate judith naman eh!!, gusto ko pang matulog!!, saan ba ako malalate?? Alas singko palang, alas nuebe ang klase ko" inis na sabi ko habang nakaupo sa kama.
"hay naku eisha, kung gusto mong matulog sige matulog ka, bahala kang pagalitan ng Mommy mo at bahala ka ding magpaliwanag sa ka date mo"
"ka date?"
"hay naku kang bata ka, sus naniniwala na ko di pa bumababa ang kaluluwa mo sa katawan mo" sabi nya saka binuksan ang drawer ko at kinuha ang nakahanger na blue gown.
Saka ko narealize na...
"Oh my God!!, Valentines ball ngayon baka malate ako!!"
Dali dali akong pumasok ng banyo at naligo, naririnig ko naman si ate judith na nagsasalita.
"hay naku eisha, lagot ka kay kuya mo pag baba mo, bihis naman na si Aldrich baka awayin ka noon, madami ka pang preperasyon"
"naku ate judith hayaan mo sya lagi naman silang magkasama ni ate jasmine, saka kasalanan ko bang mag mamake-up pa ko" angal ko habang nagshashampoo.
"hahaha kaya nga pinapuntahan ka sa akin baka daw kung ano ginagawa mo, kita mo alam na ni kuya mo kung anong ginagawa mo"
"si kuya talaga napaka atat, akala mo na naman nalalate, pero wag ka wala pang masyadong tao" apila ko na ngayon eh nagsasabon na at saka nagbanlaw.
"hayaan mo na si kuya mo, dun sya nag eenjoy eh saka ikaw din tiyak mageenjoy ka mamaya" dabi nya habang tinutulungan ako sa pagsusuot ng dress.
"alam ate judith mag-eenjoy sana ako kung kasali ako sa cotillion" habang inaayos ko ang strap ng dress.
"eh bakit ba hindi ka sumali kung gusto mo naman pala?"
"hindi ko kasi alam na may ganitong event kapag valentines saka busy din sa paggagawa ng feasibility di ko rin mahaharap yung mga gagawing practice dun"
"sabagay, hayaan mo na naranasan mo naman ata yun noong high school ka?"
"yeah" sabi ko at inumpisahan ko ng mag-ayos ng buhok.
"parating na ba yung magmamake-up sayo?"
"wala naman akong kinuhang make-up artist ate judith, kaya ko naman mag make-up kaya ako na lang"
Pagkatapos ng 15 minutes natapos na din ako at saka pinababa ko na si ate judith para sabihing pababa na ko.
Nasa hagdanan na ako ng marinig ko ang boses ni ate judith.
"Ladies and Gentlemen, let's welcome the beautiful princess of the Madrigal family, Eisha Lalaine Madrigal" pakilala ni ate judith
Kusa naman bumaba ang mga paa ko sa hagdanan na may ngiti sa mga labi.
"wow, my unica hija, so pretty tonight" sabi ni daddy.
"thank you daddy"
"yeah, you're right honey, simple but elegant, my beautiful daughter" puri ni mommy na malapit ng umiyak.
BINABASA MO ANG
Forgivable Mistake
ChickLitMistakes are always FORGIVABLE if one has the courage to admit them. - Bruce Lee Lahat ng tao nagkakamali sa iba't ibang bagay, sa desisyon, at lalo na pagdating sa PAG IBIG. Pagkakamaling nakakapagpabago ng pinagsamahan, at ng pagtitiwala. Maling D...