Eisha P.O.V
Tatlong araw na ang nakakalipas simula ng pumunta kami dito sa tagaytay kasama ko ang family ni Leighton.
Kasalukuyan naming pinag-uusapan at tinatapos ang gagawing surprise party para Kay Leighton dito sa veranda ng rest house, bukas na kasi ang birthday nya.
Totoo na every year ay nagkakaroon ng event ang family nila, kung saan sila at ang mga relatives nila ay pumupunta sa kanilang pagmamay-aring rest house kung saan sila nag geget together, at ngayon taon nga ay napili nila ang tagaytay para dito magcelebrate.
Sa unang araw pa lang ng stay namin dito sa tagaytay naganap ang get together kung saan na meet ko na ang mga tito at tita nya from his mother and father side pati na rin ang mga anak nito na pinsan naman ni leighton at Lindsay. Ang nakakatuwa pa magkakaclose ang relatives nila from mother side and father side kaya talagang masasabi mong one family sila.
"Mga hija at hijo kumain na muna kayo" si Tita Eunice na may dalang tray kung saan may nakalagay na juice at biscuit.
"Salamat po Tita"
"Kamusta ba yang ginagawa nyong party para kay leighton tapos na ba? Baka magahol kayo, bukas na yan"
"Mommy, wag mo ng problemahin itong party ni kuya, settle naman na" si lindsay na kasalukuyang nagbubuhos ng juice sa mga baso namin.
"Sigurado ba kayo na hindi na kakailanganin ng organizer?"
"Mommy, ang laki na ni kuya para manguha pa tayo ng organizer ayos na yung simple na lang"
Sa sinabi ni Lindsay hindi nagreact si Tita Eunice kaya agad kaming tumingin kay tita pagkatapos at Kay Lindsay naman. Agad din naman napansin ni Lindsay any pagtahimik ni Tita kaya agad na bumawi si Lindsay.
"Hehehe peace mommy, ikaw naman di ka mabiro, syempre special si kuya pero hindi nya na kailangan ng organizer kasi syempre the proud girlfriend is here, papabayaan ba naman ni ate eisha si kuya yung iba siguro oo, pero sya no way, di ba ate eisha?" Tanong ni Lindsay na ikinapula ng pisngi ko, sa sobrang hiya ko hindi na ko nakasagot at napayuko na lang, agad namang nagsalita si tita Eunice at nagpaalam na.
"O sya kung iyan ang gusto nyo eh bahala na kayo basta siguraduhin nyo lang na maayos yan, dahil hindi yan basta- basta dahil hindi yan simpleng okasyon, birthday yan ni Leighton." Pagkasabi ni Tita ay pumasok na ito sa loob.
"Naku si mommy, nag-uumpisa na namang maparanoid" si Lindsay at saka kumuha ulit ng biscuit.
"may point si tita, lindsay, kailangan nating matapos ng maayos at maganda ito dahil hindi lang basta basta event to, birthday to ni leighton, once a year lang kung ganapin to so kailangan maayos na dahil mahirap din naman kung maghahanda na lang tayo eh hindi pa natin pinaghandaan ng maayos, so lalabas sayang lang ang effort natin pati ang party magiging walang saysay"
"ou tama ka ate eisha, kailangan maayos natin ng maganda ang party dahil sayang yung mga pinaghirapan natin, lalo na yung paglilihim natin kay kuya leigh." sabi ni Anna na pinsan nila leighton sa mother side.
"tama ka dyan ate, pati nga yung mga pinaghandaan kong food muntik ng mabulilyaso eh." si Isabel, kapatid ni Anna kasing edad lang sya ni lindsay.
"hahahaha bakit ano bang nangyari?" si Lindsay.
"paano lindsay, yung pina-cater nating food tinatanong na naman ang mga menu samantalang nagbigay na ko ng menu sa kanila before kung ano-ano ang pwede nilang ihanda sa party pati na din sa surprise so dahil sa sobrang busy kong makipag-usap di ko napansin nasa likod ko na pala si kuya leigh so ayon muntik na mahuli buti nalusutan ko."
BINABASA MO ANG
Forgivable Mistake
Literatura FemininaMistakes are always FORGIVABLE if one has the courage to admit them. - Bruce Lee Lahat ng tao nagkakamali sa iba't ibang bagay, sa desisyon, at lalo na pagdating sa PAG IBIG. Pagkakamaling nakakapagpabago ng pinagsamahan, at ng pagtitiwala. Maling D...