Eisha POV
Pangatlong araw na ng intramurals pero hanggang ngayon di pa rin ako nakakapanood ng kahit na anong klase ng laro. Although balita na lamang ang red phoenix pagdating sa basketball at lamang din ang red warrior pagdating sa volleyball.
"eisha, nakapanood ka na ba ng laro ng rostenberg?" tanong ni jelly kaklase ko at katulong ko ngayong nag-aayos ng mga merchandise.
"hindi pa nga eh, ikaw ba nakasilip ka na?"
"hindi pa nga rin eh ayaw kasi pumayag ni camille"
"busy din kasi, pero magpaalam na lang tayo na kapag medyo kaunti ang namimili manood tayo" sabi ko sa kanya at agad na umoo sya.
Nag-umpisa na ang unang laban sa araw na ito at mas lalong nagiging intense ang bawat kalahok at ang bawat nanonood kaya mas lalong dumadami ang namimili ng mga shirt, balloons at kung ano ano pang souvenir para suportahan ang kanya kanyang pambato.
WOOHHH!!!!
Malakas na sigawan sa loob ng gymnasium, iyan ang lagi mong maririnig sa bawat oras na may maglalaro, siguradong maganda ang laban, gusto na sanang manood kaso habang gumaganda ang laban lalong dumadami ang namimili dahil dumadami din ang gustong manood at maki cheer.
"grabe intense ang laban parehas ayaw magpatalo ng red phoenix at ng black cat"
"ou nga eh, tapos di ko pa alam kung sino ichecheer ko parehas mga gwapo ang team captain hahahaha"
"hahahaha sa akin si leighton sayo si chad hahahaha"
"utot mo hahaha" usap ng dalawang magkaibigan habang papalabas ng gym.
Hay naku!!
AAHHHH!!!!
Sa kalagitnaan ng tensyon, bigla na lang nagsigawan at sabay sabay na nagsitahimik, biglang may lumabas na lalaki at nagsisigawan.
"MGA TROPA DALI PANOORIN NYO, MAY NAINJURE SA RED PHOENIX" sigaw ng lalaking lumabas sa mga tropa nya na kasalukuyang kumakain.
"talaga tara tignan natin"
Agad na sinundan ko sila ng tingin at nag-aalala ako kung sino sa kanila ang nainjured.
Leighton..
"cams, pwede bang manood muna ko ng laro?" paalam ko kay camille
"oo sige, madami ka naman ng nagagawa"
"sige salamat"
"eish, sama ko, cams ako din ah samahan ko lang si eisha" paalam ni charlene ang best friend ko, matagal ko ding di nakasama etong babaeng to pareho kasi kaming busy lagi eh pero kahit na ganoon napagkwekwentuhan naman namin ang ibang bagay na nangyayari sa amin.
"what now?"
"ha?" tanong ko sa kanya, grabe kasi ang tanong nya di ko magets at ang loka nakangisi pa.
"nakapanood ka na ba ng laban ng KAIBIGAN mo?" sabi nya at talagang inemphasize nya ang word na kaibigan. Alam nya na magkaibigan na kami ni leighton at nakilala ko na din yung tropa nya.
Tinignan ko lang sya saglit at nagbuntong hininga.
"eto naman seryoso ako"
"hay naku charlene, wala ako sa panahon makipagbiruan"
"sorry pero I'm serious, nakapanood ka na ba, may nainjure daw sa red phoenix ah?"
"ou nga eh, kaya nga nagpaalam muna ko kay camille, nag-aalala ako para sa kanila"
"sa kanila?, o sa kanya?" sabi nya kaya agad na tinignan ko sya
"sa kanila, walang malisya to charlene, nag-aalala ako sa buong team ng red phoenix, dahil lahat sila mababait"
Sorry, di ko sinasadya eish"
"it's okay, charlene, wag na nating pag-usapan to"
After ng usapan eh nakapasok na kami sa loob, kitang kita na inaasikaso abg isang miyembro ng red phoenix... Si
"Mark"
"Ha?" Takang tanong ni charlene sa akin
Kaya tinignan ko sya "anong ha?" Tanong ko sa kanya
"Nagbanggit ka ng pangalan, sabi mo mark, sino ba yun?"
"Ahm.." sabi ko at tumingin kay mark na kasalukuyang inaasikaso ng mga medics at nakaakbay ngayon kay leighton. "Yung nainjured si mark"
"Ah,si mark lang pala kala ko kung sinong mark yung bigla bigla mong binabanggit"
Pagkasabi ni charlene eh hindi na ko kumibo at tinignan ko na lang sila, ilang minuto din ang lumipas at nag-umpisa na ulit ang laro, okay na din si mark pero di na sya muna pinaglaro.
" eish, ok lang ba kung maiwan muna kita dito tutulungan ko lang yung mga kaklase natin sa labas" paalam ni charlene
"Ah sige charlene ok lang lalabas na din naman ako maya-maya"
"Sige una na ko ha" paalam nya atsaa umalis na.
Pagkalipas ng limang minuto eh nagkaroon ng maikling break. Bugla na lang may umupo sa tabi ko at bigla na lang nagsalita.
"Buti nakapanood ka?" Sabi ngkatabi ko kaya tinignan ko kung sino. Si leighton.
"Oy ikaw pala, ou nga eh may isang lalaki kasi yung tumatakbo kanina tapos sabi may nainjure daw kaya nagpaalam ako kay camille titignan ko sana kung sino, si mark pala" sabi ko at tumatango-tango naman sya.
"Buti pala nainjured saka salamat sa nagkalat"
Tinignan ko sya ng masama. " bakit naman?"
"Kung hindi na injured si mark panigurado di ka manonood" sabi nya atsaka uminom
Hinampas ko tuloy sya ng mahina sa balikat, "hoy hindi noh, manonood talaga ako, natyempuhan lang na madaming namimili ng merchandise"
"Ok sige sabi mo eh" sabi nya habang nakatingin sa akin.
Magsasalita na sana ko ng biglang mag announce na.
"All team please be ready for the fourth quarter, it start in 5 mins."
"Sige eisha una na ko, pinagreready na yung team" sabi nya atsaka tumayo.
"Sige" sabi ko atsaka tumalikod na sya, ng bigla ko syang hawakan sa kamay kaya bigla syang napaharap sa akin.
"Bakit?" Tanong nya kaya binitawan ko na ang kamay nya
"Ahm... good luck sa inyo, alam ko kaya nyo yan" sabi ko kaya ngumiti sya.
"Thanks, pano una na ko?" Sabi nya kaya tumango na ko at umalis na sya.
Makalipas ang sampong minuto eh natapos din ang laban at nanalo ang red phoenix kaya pagkatapos eh lumabas na ko at pumunta sa booth namin.
BINABASA MO ANG
Forgivable Mistake
ChickLitMistakes are always FORGIVABLE if one has the courage to admit them. - Bruce Lee Lahat ng tao nagkakamali sa iba't ibang bagay, sa desisyon, at lalo na pagdating sa PAG IBIG. Pagkakamaling nakakapagpabago ng pinagsamahan, at ng pagtitiwala. Maling D...