Eisha POV
Kasalukuyan kami ngayong kumakain sa sweetbox.
"so kelan mo gustong umpisahan ko ang 3 wishes ko?" pang-inis nyang tanong
"ikaw, bahala ka, wala lang sa akin yun, alam mo na, sport ako, marunong ako tumanggap ng pagkatalo" sabi ko habang kumakain kami.
"that's my girl" sabi nya at saka tumango-tango tinignan ko naman ang relo ko at 8:00 na.
"my God, alas otso na pala, kumain at naglaro lang tayo alas otso na agad"
"yeah kaya dalian mo para mahatid na kita sa inyo" sabi nya at kumain na kami.
Nasa byahe na kami ng maisipan kong tignan ang phone ko.
5 miscalled and 6 messages.
Tinignan ko kung sino ang nag miscall.. 3 from kuya, 2 from dad..
Sa messages, 2 from kuya, 1 from mom, 1 from dad and 2from charlene.
From Kuya:
" nasaan ka?, pauwi sila mommy and daddy baka hanapin ka.""andito na sila, nasaan ka pa ba?, gabi na lagot ka kay daddy."
From Mom:
"eisha, where are you?, it's already 7:30, may ginagawa ka pa ba sa school?, sabi ni kuya mo maaga daw nagpauwi."From Charlene:
"eisha best, hinahanap ka na ng mom mo saan ba kayo pumunta ni leighton?""best, tumatawag si mom mo ano sasabihin ko?"
From Dad:
"sweetie, where are you?, it's already 7:45pm, gabi na kung ano man yang ginagawa nyo ng kasama mo, kung project man yan magpaalam ka na at bukas nyo na ituloy"My God! Sakto pa sa uwi nila Daddy
Binaba ko na ang phone ko at sakto naman na andito na kami sa bahay namin.
"dito na lang ako, salamat sa paghahatid" sabi ko kay leighton at agad akong nag doorbell sa gate.
Sobrang kabado ako.. Ka close ko naman si Daddy pero hindi kami ganoon katagal magkasama.
Mabilis naman itong bumukas at bumungad si dad sa harap ko.
"Dad" bati ko kay daddy.
"Good Evening po Sir, I'm sorry po kung medyo na late po si Eisha at hindi nya agad napansin ang mga calls and txts nyo, kaya ko pong mag-explain"
do_Ob
Akala ko eh umalis na si Leighton?, hindi pa pala.. Nilingon ko sya.. Napakaseryoso ng mukha nya..
"Eisha, pumasok ka na sa loob" utos ni Dad.
Lagot.. Lagot talaga si Leighton kay Daddy.. Baka suntukin pa sya ni Daddy.. O di kaya tapatan ng baril o habulin ng itak.. Di ba ganun ang mga Daddy kapag may umaaligid sa mga anak nila?
"but Dad.. Wala po syang kasala.."
"I said pumasok ka na!" galit na sabi ni daddy
Papasok na lang ako sa loob.. Galit na si Daddy.. Nilingon ko muna si Leighton.
"pumasok ka na" bulong nya sa akin.
Tumango na lang ako at saka pumasok.
Pagkapasok ko naman eh sinalubong agad ako ni mommy.
"Baby, san ka galing kanina ka pa namin kino-contact pero hindi ka sumasagot, ano bang nangyari?" tanong ni mommy
"tsk!!, sabi ko na nga ba malalate ka eh" sabi ni kuya habang cool na nanonood ng t.v.
Gawd, nakita nya kaya ako kanina..
"nag-aya lang po si leighton kumain eh sakto po na nagtxt si charlene na wala ng klase kaya po naglaro na lang kami sa timezone, e hindi ko naman po namalayan ang oras kaya po mommy, sorry po" pagpapaliwanag ko.
"kumain ka na ba?" tanging tanong ni mommy.
Tumango lang naman ako bilang sagot.
"o sige umakyat ka na sa kwarto mo at magpalit ka na"
Kaya umakyat na ko at naglinis para makapagpalit na din ng damit. Pagkatapos kong magbihis, agad na bumaba ako at hindi pa rin bumabalik si Dad..
Lumabas na kaya ako?.. Baka kasi kung ano ng nangyari kay leighton.. Baka.. Baka kinabukasan sa school puno na ng pasa ang mukha nya.
Nilapitan ko si kuya at tinabihan sya, habang busy pa din sya sa panonood ng t.v
"kuya"
*poke* *poke*
"oh?" sabi nya na parang naaabala sya sa panonood.
"kuya labas ka muna oh?, puntahan mo si Dad.. Baka kasi ano na ang ginawa nya kay..."
"leighton?" sabi ni kuya at tinignan nya ko.. Iniwas ko naman kaagad ang tingin ko.
Paano nya nakilala si Leighton?, Eh wala naman akong nababanggit sa kanya tungkol kay leighton..
Hindi kaya??..
"sus.. Nahiya pa ang pangit na mukha.. Hayaan mo hindi aanuhin ni Dad yun"
"weak mo" sabi ulit ni kuya.
"ako weak, hindi noh at lalong hindi ako pangit, kung alam mo lang kung gaano kadami nagkakandarapa sa mukhang ito"
"saang banda?" sabi nya saka hinawakan ang mukha ko.
"kahit saang anggulo ako yumingin ang pangit mo pa din, baka hindi tayo tunay na magkapatid, baka ampon ka lang o di kaya napalit ka noong nasa Canada ka"
"Mommy, tignan mo si kuya" sumbong ko nakakainis eh, di ko na maiwasan.
"Aldrich, tama na yang pang-aasar mo sa kapatid mo" sabi ni mommy.
Pagkasabi ni mommy, dinilaan ko sya.
Tumigil naman si kuya.. Buti nga sayo.
Dahil sa hindi ko rin naman kayang palabasin si kuya ako na lang ang lalabas.
Nasa maindor na ko ng biglang pumasok si Dad.
"Daddy?"
Kinabahan ako lalo.. Iyong mukha ni Daddy.. Mukhang napaka calm lang nya.. Malayo sa itsura na iniisip ko na sobrang galit at papagalitan ako.. Hindi ko alam pero parang mas natatakot ako kay Dad ngayon... Bakit kasi hindi galit yung mukha nya?
"kumain ka na ba?" tanong sa akin ni daddy.
Tumango lang ako.
"umakyat ka na.. Alam ko pagod ka na"
Iyon lang ang sinabi ni dad.
"daddy, hindi po ba natin pag-uusapan iyong nangyari kanina?" sabi ko na ngayon eh andito na kami sa sala at malapit na kami kay kuya na nanonood pa din.
Wala syang sinabi at inakbayan nya lang ako.
do_Ob
Ehh??
Ano kayang sinabi ni Leighton kay Daddy at parang wala lang sa kanya yung nangyari??
BINABASA MO ANG
Forgivable Mistake
ChickLitMistakes are always FORGIVABLE if one has the courage to admit them. - Bruce Lee Lahat ng tao nagkakamali sa iba't ibang bagay, sa desisyon, at lalo na pagdating sa PAG IBIG. Pagkakamaling nakakapagpabago ng pinagsamahan, at ng pagtitiwala. Maling D...